Camilla and Fam TV
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Camilla and Fam TV, Health/Beauty, Blk. 7 lot 117 Cristo Rey, Capas.
"May mamahaling bahay sa Portugal?"
Kinukumpirma pa ng Department of Justice (DOJ) ang impormasyong may ari-arian umano si Zaldy Co sa isang high-end na subdivision sa Portugal.
Ayon sa ahensya, sa ibang paraan pauuwiin si Co dahil walang extradition agreement ang Pilipinas at Portugal.
゚
"Bagong Uniteam 2028?"
Hinimok ni dating senador Antonio Trillanes ang mga tagasuporta ni dating vice president at Naga City Mayor Leni Robredo at mga pro-administration supporters na magsanib-puwersa para mas mapalakas ang tsansa na talunin ang mga Duterte sa 2028 Presidential Elections.
゚
"Nasa Pilipinas pa ba si Atong Ang?"
Hindi isinasantabi ng DOJ ang posibilidad na nag-backdoor exit ang wanted na negosyanteng si Atong Ang.
"Pangulong Marcos inamin na hindi niya kayang sundin ang payo ng kaniyang Doktor na maghinay hinay sa trabaho."
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand "B**gbong" Marcos Jr. na hindi niya kayang sundin ang payo sa kanya ng doktor na maghinay-hinay muna sa trabaho.
Matatandaan na isinugod sa ospital si Marcos dahil sa kanyang kondisyon sa bituka.
"Mga cute Furbabies bida sa Dinagyang Festival sa Iloilo City."
Cute na furbabies ang naging bida sa Iloilo City sa kauna-unahang Dinagyang Pet Parade, bilang bahagi ng selebrasyon ng Dinagyang Festival.
Mahigit 230 furparents ang nakiisa kasama ang kanilang mga alaga, na rumampa suot ang kani-kanilang Dinagyang-inspired costumes.
"Inspeksyon sa Selda."
Ininspeksyon ng Sandiganbayan Third Division ang New Quezon City Jail sa Payatas kung saan kasalukuyang naka-detain si former senator B**g Revilla at apat pang mga akusado.
"Trillanes ipinaliwanag kung bakit popular pa rin si VP Sara Duterte."
Naniniwala si dating Senador Antonio Trillanes IV na nananatiling popular si Vice President Sara Duterte dahil sa hindi pa umano alam ng publiko kung ano ang totoong pagkatao ng bise.
Sa isang panayam, sinabi rin ni Trillanes ang kahalagahan ng pagsasampa nila ng reklamo laban kay Duterte.
"Mindanao susuporta umano kay Leni Robredo at Bam Aquino ayon sa kanilang tagasuporta."
Umaasa ang ilang mga tagasuporta ng oposisyon na susuporta ang Mindanao sa posibleng kandidatura ni Naga City Mayor Leni Robredo at Senador Bam Aquino sa 2028 presidential elections.
"Sec.Remulla ipinagmalaki na nabuwag na nila ang sindikato sa PNP."
Ipinagmalaki ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nabuwag na nila ang tinatawag na mga 'sindikato' sa Philippine National Police.
Ayon kay Remulla, wala na umano silang natatanggap na mga ulat ng mga pulis na gumagawa ng iligal na aktibidad.
"Torre walang pinirmahang Retirement."
Nilinaw ni dating PNP Chief at MMDA General Manager Nicolas Torre III na wala siyang pinipirmahang optional retirement mula sa Philippine National Police.
Matatandaang kinumpirma ng PNP na pormal nang nag-retiro si Torre sa serbisyo.
゚
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Capas
2315
