Takbong Low Carb

Takbong Low Carb

Share

Running | Low Carb | Music | Random stuff

20/07/2026

Some people run to chase a personal best. Some run for fun. Others run to feel alive.

Yesterday, I ran my first 32 kilometers with a deeper purpose.
This run is dedicated to my wife and to every woman silently fighting Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).
I am with you. I know how hard this journey is because I've witnessed the heartbreak, the tears, the disappointments, and the pain this condition has brought into our lives. APAS is a serious autoimmune condition that can lead to recurrent pregnancy loss and other life-changing complications.
There were moments during the run when I was exhausted, drained, and wanted to stop. But every time those thoughts came, I reminded myself that the pain I felt for a few hours was only a fraction of what my wife and every APAS Mommy endures every single day.
So I kept going.

Every step was for hope. Every kilometer was for strength. And the finish line was for the women who refuse to give up.
You are stronger than you know.

I am with you.


Takbo Tarlaqueño

18/07/2026

Bakit ko pinasok ang mundo ng Low Carb?

“Boy Kanin” yan ang tawag sakin ng ilan sa mga kakilala ko. Sobrang lakas ko kumain ng kung anu-ano. YOLO.
Hanggang isang beses, nirequire ako ng blood chem bago sumalang sa next work contract. Ayun na. Borderline na ang triglyceride at cholesterol ko. Pero sabi ko sa sarili ko “borderline lang, bakit ako matatakot?”
YOLO nga e.
Tuloy lang sa buhay. Fast forward after a year, nagpa check uli. Mataas na kasi ang BP ko. Mataas na din cholesterol, triglyceride ko at may bonus pa; uric acid.

ATORVASTATIN, FEBUXOSTAT
Yan na naging bestfriend ko.
Maintenance. Ok naman, bumaba naman BP ko. Hangang dumating na ako sa point na mataas na uli ang BP ko maski may maintenance meds na ako. Kasalanan ko din, YOLO nga e.

Pa check uli ng blood chem.
May extra bonus ulit; blood sugar.
Nasa pre diabetes stage na din pala ang inyong lingkod.
Hanggang sabi ng kaibigan kong Doctor na kailangan ko mag dagdag uli ng extrang gamot.
AMLODIPINE daw para ma kontrol ang bp, at yung sa blood sugar daw kino-consider na din nyang resetahan.
Dun na ako biglang nakaramdam na parang may sumapok sa akin at ginising ako sa katotohanan na hindi na ako bumabata, kailangan may gawin na ako sa sarili ko kasi ayaw kong habang buhay dumependa sa maintenance meds.
Research, research at research.
Napadpad ako sa isang grupo ng Low Carb lifestyle. Binigyan ko ng chance maski alam kong sobra sobra akong mahihirapan at baka hindi ko kayanin dahil ako nga si Boy Kanin.
Tama nga. Sobrang hirap nung una. Halos sumuko ako lalo na pag nakaramdam ka na ng sinasabi nilang “Keto Flu”.
Buti nalang may pinsan akong nauna ng pumasok sa mundo ng LC. Pinalakas nya lang loob ko, hanggang sa naka adjust ako.

Fast Forward ngayon, wala na akong maintenance meds. Mas magaan pakiramdam ko, at extra extra bonus pa na nabawasan ang timbang ko ng mahigit 20 kilos.

Hindi ko naman sinasabing ito ang tamang paraan para sa lahat. Iba-iba ang katawan at sitwasyon ng bawat isa. Ang gusto ko lang ibahagi ay ang naging karanasan ko na minsan kailangan lang talaga nating makaramdam na may sumapok sa atin bago tayo magising na kailangan may baguhin tayo sa sarili natin. Hindi pa huli ang lahat.

Kwento pa ako nyan ulit. 😁

26/06/2026

Welcome to Takbong Low Carb!

Hindi ako coach.
Hindi rin ako elite runner.

Isa lang akong ordinaryong tao na natutong mahalin ang pagtakbo habang sinusubukang mamuhay nang low carb.
Ginawa ko ang page na ito para i share ang journey ko. Mga training runs, karanasan sa mga fun runs, mga pagkain na gumagana para sa akin,kung anu-anong mga kalokohan at kakengkoyan, at mga aral na natututunan ko sa bawat kilometro.

Hindi ito tungkol sa pag kumbinsi na eto ang tamang paraan o anuman. Lagi ko ngang sinasabi na “you do you”.

Ito ay tungkol sa paghahanap ng lifestyle na sustainable para sa akin, at baka sakaling may mapulot ding inspirasyon ang iba.
Kung runner ka, low carb ka, o gusto mo lang magsimula sa pagtakbo - welcome ka dito.

Sabay-sabay tayong umusad.

Isang hakbang. Isang kilometro. Isang finish line sa bawat pagkakataon.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Gerona?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Gerona