Kuyaman VAL
IT’S KUYAMAN Val Ortiz! Stay safe stay cool & Stay happy, Jah Bless!
GUGMA
😊
29/07/2026
Sabi ng iba sayang ang kasikatan, sabi ko naman aanhin mo ang kasikatan kong wala si Lord sa buhay natin😊✝️
28/07/2026
Roma 1:16
“Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya”
Magandang Umaga🌞
BALANG ARAW LALAPIT KA DIN
KAY LORD
🥹
PATAWARIN NYO PO AKO SA MGA KASALANAN KO SA MGA NASAKTAN KO SA MGA NAGAWAN KO NG MALI AT PATAWARIN NYO PO AKO KUNG ISA KA SA MGA
NASUGATAN KO
🤍✝️🙏
Ctto: GUGMA Jayson in TOWN
27/07/2026
Panginoon, ihayag Mo ang Iyong sarili sa akin. Hayaan Mo akong makita Ka gaya ng pagkakita ni Isaias sa Iyo. Ipakita Mo rin sa akin kung sino talaga ako, isang makasalanang lubos na nangangailangan ng Iyong biyaya.
Panginoon, bigyan Mo ako ng pag-ibig mo na hihigit sa lahat ng bagay sa mundong ito. Ito ang aking panalangin para sa aking sarili.
Panginoon, gibain Mo ang bawat diyus-diyosan sa aking puso mga plataporma, sariling kaluwalhatian, pera, entablado at anumang bagay na mas minamahal ko kaysa sa Iyo.
Wasakin Mo ang mga diyus-diyosang iyon sa aking puso. Kalagin Mo ang bawat tanikala na gumagapos sa aking puso.
Panginoon, punuin Mo ako ng pag-ibig mo upang Ikaw ang aking mithiin ng higit sa lahat ng bagay sa buhay na ito. Nawa’y maging totoo, malinis, at tapat ang aking pagsamba sa Iyo.
Nawa’y maranasan ko ang Iyong presensya at hangarin kong manatili roon. Nawa’y pumasok ako sa aking lihim na silid-pananalanginan at hindi ko na gustuhing umalis.
Kapag tumitingin ako sa mga ulap, nawa’y Ikaw ang aking maisip. Habang naglalakbay ako, nawa’y Ikaw ang laman ng aking isipan. Habang ginagawa ko ang aking mga gawain, nawa’y patuloy Kitang maalala.
Habang binabasa ko ang Iyong Salita, nawa’y lalo Kitang makilala. Habang naglalakad ako, nawa’y ang puso ko ay nakatuon sa Iyo. Habang nakikinig ako ng mga awiting nagpupuri sa Iyo, nawa’y lalo akong mapalapit sa Iyo.
At kapag ako’y nasa simbahan, nawa’y malaya kong maitaas ang aking mga kamay sa pagsamba sa Iyo, umawit nang buong puso para sa Iyo, sumigaw ng papuri sa Iyo, at magalak sa Iyong presensya.
Sa pangalan ni Jesus, amen 🙏
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Iloilo City
