Ante Kler
Funny news reels and photos.
20/06/2026
'Hindi ako mag-play sa ego niya'
Binatikos ni Senator Ping Lacson si Senator Rodante Marcoleta matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa isang pagdinig ng Commission on Appointments kaugnay ng kumpirmasyon ng mga promosyon sa Armed Forces of the Philippines at foreign service officials.
Ayon kay Lacson, hindi niya pinagbigyan ang hiling ni Marcoleta na bawiin ang kanyang manifestation.
“Ano siya, hilo? Ang gusto niya, ego 'yan eh... Hindi ako mag-play sa ego niya,” ani Lacson.
Dagdag pa niya, madalas umanong ipilit ni Marcoleta ang kanyang posisyon at hindi ito nakikinig sa paliwanag ng iba.
“Kilala naman natin siya. Basta maipilit ang kanya, 'yan ang tama. Ayaw niya makinig ng explanation, ayaw niya makinig ng reason,” dagdag ng senador.
20/06/2026
Lacson sinagot ang 'tuta' remarks ni Cayetano
Sinagot ni Senator Ping Lacson ang naging pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano na tinawag na “tuta” ang ilang miyembro ng bagong majority bloc sa Senado.
“Kawawa naman. Kung anu-ano na sinasabi. Parang malapit nang bumigay. Sana hindi matuluyang mag meltdown,” ani Lacson.
Nauna rito, sinabi ni Cayetano na sina Senate President Pro Tempore Tito Sotto at Senator Raffy Tulfo ay umano'y “tuta ng Malacañang,” habang inilarawan naman niya si Senator Erwin Tulfo bilang nakahanay kay Lacson.
Kalaunan ay nilinaw ni Cayetano na ang paggamit niya ng salitang “tuta” ay tumutukoy sa mga taong sumusunod at nagpapatupad ng utos.
20/06/2026
Abalos, ibabalik sa Gabinete ni PBBM?
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang magkaroon ng mas aktibong papel sa pamahalaan si dating Interior Secretary Benhur Abalos, na nagbigay-daan sa mga espekulasyon tungkol sa kanyang posibleng pagbabalik sa administrasyon.
“I want Benhur to play a more active role in government,” ani Marcos.
Ayon sa Pangulo, patuloy na tumutulong si Abalos sa administrasyon kahit wala na ito sa Gabinete.
“He has been helping us in many ways, informally, privately. I wouldn’t mind finding a way for him to help us in an official capacity,” dagdag niya.
Nilinaw naman ni Marcos na ang posibleng pagbabalik ni Abalos ay hindi nangangahulugang may papalitang kasalukuyang miyembro ng Gabinete.
20/06/2026
‘Kuya Ping ang tawag niya sa akin matagal na’
Sumagot si Senator Ping Lacson sa naging pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano tungkol sa mga miyembro ng bagong majority bloc sa Senado.
“ASO? I WILL NEVER ADMIT THAT. Pero, siya — Kuya Ping ang tawag niya sa akin — matagal na… SELF-ADMISSION yata ang tawag dun,” ani Lacson sa kanyang social media post.
Nauna rito, tinawag ni Cayetano na “tuta” sina Senate President Pro Tempore Tito Sotto at Senator Raffy Tulfo, habang sinabi niyang si Senator Erwin Tulfo ay nakahanay umano kay Lacson.
Nilinaw naman ni Cayetano kalaunan na ginamit niya ang salitang “tuta” upang tukuyin ang mga taong sumusunod at nagpapatupad ng utos.
20/06/2026
Hontiveros umaasang maibalik ang maayos na ugnayan kay Pia Cayetano
Umaasa si Senator Risa Hontiveros na maibabalik ang kanilang propesyonal na ugnayan ni Senator Pia Cayetano matapos ang naging mainit na palitan nila sa special session ng Senado noong Hunyo 17.
“I expect magkakausap kami ulit and I’m hoping na magpatuloy o maibalik sa professional na conduct namin sa isa’t isa,” ani Hontiveros.
Ayon sa senador, patuloy silang magtutulungan sa iba’t ibang panukalang batas, budget deliberations, at sa impeachment trial kung saan magsisilbi silang senator-judges.
20/06/2026
Malacañang binati si Win Gatchalian
Binati ng Malacañang si Senator Win Gatchalian matapos siyang mahalal bilang Senate President at nagpahayag ng kumpiyansa na maipagpapatuloy na ng Senado ang mga prayoridad na panukala.
“Pinapahatid ng Palasyo ang pagbati sa bagong halal na Senate President Sherwin Gatchalian,” ani Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
Ayon kay Castro, layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mabilis at maayos na paglilingkod sa publiko at ang agarang pagpasa ng mga priority legislative measures para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Click here to claim your Sponsored Listing.
