Mga salitang hindi malabas ni sól
poetry is my world.
Nobody talks about how heavy it is to show up.
Saksi ang langit kung gaano ko ka-mahal magsulat para sa'yo, binibini ko.
Sana mahalin mo rin ako sa paraan na minamahal niya ako.
May isang tao akong nakilala, kay tamis ng mga salitang nailalabas niya, kinakaya niyang mag hintay sa mga oras na wala akong ibang maibigay kundi katahimikan lamang, may paraan siya ng pagpili saakin ba kailan man alam kong hindi mo maigagawa saakin, ang pagpili kahit ang kapalit man ay ang mga kaibigan niya.
Araw-araw kong hinihiling na sana ikaw na lang 'to, sana ikaw ang gumagawa ng paraan para guminhawa ng dibdib ko, sana ikaw ang naghihintay hanggang sa maging maayos na ako.
Ngunit hindi pala ikaw 'to. Akala ko ikaw na, ibang tao lang pala.
Kung naging maayos ba ang panukala natin, tayo na ngayon?
Kung mas pinili kong manahimik at kimkimin lahat ng sakit na ibinibigay mo noon, makukuha ko kaya ang "oo, sinasagot na kita" na salitang lalabas sa bibig mo? O mas pipiliin mo pa rin ang lalaking kasama mo palagi?
May mga araw na hinihiling pa rin kitang bumalik, sa mga gabing tahimik at sa masisikat na araw na sana kamay mo ang hawak ko—mararamdaman pa kaya ng lamig ng simoy sa mga nanginginig mong kamay? O kaya ang init sa halik mong hindi maipagkakaila ng kahit na sino?
Kung mas pinili ko bang ubusin ang sarili ko noon, nakuha na kita ngayon? Siguro oo.
Pilit sa pag sarado ng pintong gusto pang ibukas.
May mga pinto sa buhay na dapat nakasarado na lamang, hindi dahil walang papasok, kundi dahil delikado kung magpapapasok pa. May mga araw na ang tanging iniisip ay "sana may pumasok sa pinto ng puso ko at mahinahon ang dating"
Bilang isang taong hindi pa nakakatanggap ng pagmamahal na inaakam ko, sana sa pagdating ng panahon, ako naman ang alagaan at mahalin sa paraan na alam ko.
Bakit nga ba kailangan isarado ito?
Hindi ko pa kaya, ngunit kailangan ko na pala. Dahil hindi ka na naglalakad patungo sa daanan ng pintuan ko, hindi ka na nakasunod sa yapos ng mga paa ko—dahil iba na ang pinipili mo.
Sana hindi mabaliw kakaisip kung magiging okay pa ba.
Kasi kada pagmulat ng mga mata, parehong bigat pa rin ang dama—kahit anong iwas ang gawin ko, kahit anong paglilibang. Parang sobrang bigat pa rin pala ng dinadala ko. Hindi ko namalayan dahan-dahan na akong sumusuko sa mga dinadama ko.
Sana may huminto at sabihin sa'kin na magiging maayos lang ang lahat, sana may mag sabi sa akin na magiging okay ako kapag inuna ko naman ang sarili ko—na maayos lang unahin ang sarili.
Kasi hindi ko kaya ang gawain na 'yon. Hindi ko alam kung paano at para saan ang pagpili sa sariling damdamin, puso at nararamdaman, dahil hindi naman ayon ang itinuro sa akin.
Kaya ituro niyo sa akin—paano ko ba mamahalin at pipiliin ang sarili ko nang walang pag aawa sa ibang taong hindi ko mapipili at mamahalin?
Sa daang nilalakaran natin.
Sa paaralan kita nakilala, may mga daan na tanging ikaw lamang ang naaalala—ngunit talunan pala ang isang katulad ko.
Minahal kita ng buo, subalit iba ang pinili mo. Masakit man pero kailangan tanggapin. May saksak at dugo na lumalabas, pero patuloy pa rin kahit labag na nasa batas.
Batas na isinagawa ng puso ko—bawal ang mahulog sa taong hindi naman pala ako kayang ipaglaban. Bakit nga ba ako nakakilala ng taong akala ko pang habang buhay na? Pero hanggang isang daanan lang pala.
Masakit pero kailangan tanggapin, masakit pero hanggang dito na lang. siguro hanggang dito na lang ang mga nabuo nating mga pangako'y na minsa'y pinangarap.
17/06/2026
“Hindi mo siya maaabot” sabi nila ngunit siya ang kahilingan ko, masama bang humiling ng isang taong hindi naman talaga ako kilala ng buong-buo? Dahil wala akong ibang hangad kundi ito lamang.
Sabi ng mga magulang ko ay magpakatotoo ako sa buhay at baliwalain na lang ang mga ito, dahil imposibleng mapapasaakin o makikilala ako nito, pero hindi tumigil ang puso ko sa pag mahal sa isang koreanong hindi ako nakikita.
Mahal kita pero hindi mo ako makikilala.
17/06/2026
Gusto kita, pero paano ko maibibigkas ito kung ang kaharap ko ang diyos? Paano ko maisasabi na ikaw ang gusto kong kasama sa hirap at ginhawa, na tayong dalawa na lang sana hanggang dulo.
Sabi nga nila ang babae ay para sa lalaki, pero bigla ka namang ibinigay ng kalangitaan sa akin—hindi mawari kung para mahalin ba o gawing kaibigan na lamang, dahil ang sigaw ng puso ko ay ikaw.
Hindi ko itatanggi ito, dahil mahal na mahal kita na kaya ko silang talikurang lahat para lamang sa iyo, mahal ko.
29/05/2026
“Kasalanan ang mag mahal sa kapwa babae” pero kasalanan pa rin ba ito kung ang pakiramdam na ibinibigay nito sa akin ay parang na sa langit na rin ako? Kung paano hawakan nito ang mga kamay ko sa tuwing humihina ang puso ko.
Kasalanan pa rin ba ito kung ito at siya ang tanging rason kung bakit pakiramdam ko ay buo ako mag mahal kahit wasak na wasak na ang pag mamahal ko? Siguro naman ay hindi, hindi na kasalanan ito.
Hindi naman talaga kasalanan ang mag mahal ng isang tao, lalo na kung wala naman akong inaapakan at sinasaktan—walang iba kundi nag mamahal lamang.
Click here to claim your Sponsored Listing.
