Kagawad- Jason Cama
Barangay kagawad of brgy. Minuyan proper
PANOORIN: Ang Audio-Visual Presentation (AVP) na tampok ang mga programa, proyekto, at mahahalagang nagawa ng ating Punong Barangay, Kapitana Irene Biteng, sa loob ng dalawang taon ng kanyang panunungkulan.
Patunay ito ng tuloy-tuloy na serbisyo, malasakit, at pagkilos para sa kapakanan at pag-unlad ng bawat Pamilyang Minuyeño.
Tuloy-tuloy ang Pag-unlad ng Minuyan Proper!
24/07/2026
22/07/2026
TINGNAN
Maraming salamat po sa buong Aldaba Street Phase2 Towerville sa masaya, mainit, at taos-pusong pagtanggap sa Team Biteng at Team Aram sa ginanap na Kumustahan sa Barangay 2026.
Lubos din ang pasasalamat ng buong partido kay Pres. Emily Villazor sa kanyang mahalagang gabay, suporta, at pakikipagtulungan upang matagumpay na maisakatuparan ang nasabing programa.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kapitana Irene Biteng, patuloy nating ilalapit ang serbisyo at malasakit sa bawat Pamilyang Minuyeño.
Tuloy-tuloy ang Pag-unlad ng Minuyan Proper!
21/07/2026
Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ng KLIK Group 2 at sa buong-pusong suporta sa Team Biteng at Team Aram.
Humigit-kumulang 100 kalahok ang nakiisa at nakinig sa Kumustahan 2026, isang pagkakataon upang maibahagi ang mga programa, adhikain, at planong nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay President Hazel Combalicer sa kanyang patuloy na tiwala, pakikiisa, at suporta sa Team Biteng at Team Aram.
Maligayang kaarawan, President Hazel! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod.
"Tuloy-tuloy ang Pag-unlad ng Minuyan Proper"
Ating kilalanin ang kagawad na mangunguna sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa edukasyon at pagbibigay ng suporta upang higit pang mapalakas ang mga programang naglalayong makapaghatid ng maayos at dekalidad na edukasyon sa bawat kabataang Minuyeño.
Ang adhikaing ito ay bahagi ng 7-Point Agenda ng ating Punong Barangay, Kapitana Irene Biteng, na naglalayong suportahan at bigyang-kakayahan ang bawat kabataan upang magkaroon ng mas magandang oportunidad sa pamamagitan ng edukasyon.
Kagawad Junie “Kuya Junie” Cama
“Dapat Tama, Dapat si Cama”
Ating kilalanin ang kagawad na mangunguna sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa serbisyong pangkalusugan at pagpapalawak ng kamalayan hinggil sa kalusugang pangkaisipan.
Ang adhikaing ito ay bahagi ng 7-Point Agenda ng ating Punong Barangay, Kapitana Irene Biteng, na naglalayong gawing mas mabilis, mas accessible, at mas malawak ang mga serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Minuyeño.
Kagawad Kyla Bacaron
“Serbisyong KYLA-ngan, Kayang-Kaya ’Yan!”
Ating kilalanin ang kagawad na patuloy na magsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa Barangay Minuyan Proper!
Ang pagpapanatili ng seguridad sa bawat lansangan at pamayanan ay isa sa mahahalagang bahagi ng 7-Point Agenda ni Kapitana Irene Biteng. Layunin nitong higit pang mapatatag ang kaayusan, disiplina, at kaligtasan ng bawat pamilyang Minuyeño.
Kagawad Joel “Jojo” Balboa
Ang Big Bro sa Serbisyo!
"Tuloy-tuloy ang Pag-unlad ng Minuyan Proper"
Click here to claim your Sponsored Listing.
