Kagahapon
Loves to read,read,read...
23/04/2025
CHAPTER 4
Lingid sa kanyang kaalaman ay pinagmamasdan siya ni Lester, ng makalayo na si Cindy ay saka na siya huminto sa pagtakbo, sinadya niya iyon upang magpasuyo sa kaibigan. Susubukin niya ito kung ano rin ang pakiramdam ni Cindy para sakanya, halata naman niyang malungkot ang kaibigan. Nung alam niyang nakalayo na si Cindy ay saka na ito nagbalak na umuwi. Napapadaan siya sa bilihan ng mga paborito niyang pagkain ngunit hindi na niya ito pinapansin.
Makalipas ang ilang buwan ay pasukan na nila. Nagpaalam na din si Cindy kay Lester na hindi na sila magkakasama pang muli, malungkot man silang pareho ay wala na silang magawa kundi magpaalam na isat-isa.
"Sa weekend magkikita pa naman tayo diba kaya wag ka ng malungkot", ang wika ni Lester.
"Oo sige saka magkapitbahay naman tayo kapag namimis kita pwede kitang puntahan diba",
ang wika naman ni Cindy.
"Oo naman, walang magbabago ha mag-ingat ka palagi doon kung may problema ka sabihin mo agad sakin hah", ang malambing na tugon ni Lester.
"Oo walang magbabago sanay ikaw din kung may problema ka sabihin mo din sakin lalo na baka awayin ka nila Bryan", ang tugon ni Cindy.
Tumango si Lester at saka yinakap ang kaibigan bilang tugon sa sinabi nito. At ganun nga ang nangyari, nagkikita sila tuwing sabado at linggo at kapag gabi naman ay pumupunta si Lester kina Cindy kapag wala itong gagawin. Pinagpatuloy naman ni Lester ang planong pagpapapayat alam niyang magugustuhan iyon ni Cindy kapag nakikitang pumapayat ba siya.
Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat, hindi na nagpapakita si Cindy
kay Lester, Hindi na sumisipot sa usapan ang kanyang kaibigan, maging
sa kanilang pagpapasyal ay hindi na ito nakakapunta. Kapag dinadalaw
naman niya ito sa kanilang bahay ay laging nasa kwarto at ayaw
lumabas. Nagalala siya sa kabigan nung bakit ganun na lamang ang
pakikitungo nito. Kung magtatanong naman siya aa mga magulang niya
at sa driver nila ay lagi nilang sinasagot na hindi nila alam kung bakit
ayaw ni Cindy ang magpakita sakanya.
Lumipas ang mga araw at linggo hanggang sa umabot na ng isang buwan ay hindi parin nagpapakitą si Cindy kay Lester. Nahihiya siya sa kanyang itsura, hindi niya akalaing sa pagpasok niya sa pribadong paaralan ay makakaranas siya ng pang-aapi mula sa mga kaklase niya. May mga sugat at pasa siya sa mukha dahil sa mga kaklase niyang nang api sa kanya. Hindi na niya kayang naipagtanggol ang sarili dahil madami sila.
Sa unang pasok niya sa paaralang iyon ay maganda pa naman ang pakikitungo nila sa kanya. Hanggang sa sumunod na araw habang naglalakad siya papunta sa kanilang silid-aralan ay naisipan niyang pumunta sa likod nito upang pagmasdan ang mga tanim na puno. Matataas ang mga iyon malalago ang mga dahon at malamig sa lilim nito. Sumandal siya sa isang puno at saka pinikit ang kanyang mga mata upang damhin ang kapayapaang dulot ng lilim nito. Nagulat siya ng may marinig na mga ingay sa di kalayuan sa kinaroroonan niya. Dahan dahan siyang lumapit sa mga nag-iingay at nakita niya ang mga grupo ng kababaihan na tila may pinagkukumpulan. Nakita niya ang dalawang babaeng umiiyak at tila may iniaabot na pera sa isang babaeng umaastang lider ng mga kasama.
Nagalit siya sa nakikita at lalong sumidhi ang kanyang galit ng makitang sinasampal sampal ang dalawang babae na walang kalaban laban.
"Hoy tigilan mo nga yan", ang sigaw ni Cindy sa nagsampal sa dalawang babae.
Hinarap siya nito at sumunod din ang mga kasama niya.
"At sino ka para sitahin kami anak ka ba ng principal, bagong salta ka palang dito pero ang yabang mo na", ang galit na sabi ng babae.
"Masama yang ginagawa mo nagkikikil ka sa kapawa mo estudyante at saka mo pa sinasaktan anong klaseng tao ka", ang wika ni Cindy at saka lumapit sa dalawang babaeng nagpupunas na ng luha sa kanilang mukha. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at saka iniabot sa kanila upang may magamit. Hindi niya namalayang lumapit ang babaeng kausap sa kanya at saka sinabunutan ang kanyang buhok.
Napaangat ang ulo niya dahil sa sakit ng sabunot ng babae, kinuha niya ang k**ay ng babae at saka pinilipit upang mabitawan ang kanyang buhok. Ng nabitawan ng babae ang kanyang buhok ay saka niya itinulak ito upang lumayo sa kanya. Tinalikuran na niya ito at pumuntang muli sa dalawang babae at sinabihang umalis na lamang silang tatlo upang makaiwas sa mga babaeng nang gugulo sa kanila. Akma ng aalis sila Cindy ng bigla silang harangin ng mga kasama ng babaeng nakaaway niysi kung kaya hindi na sila makadaan.
"Dahil pakialamera ka nababagay lang sayo na bigyan ng leksyon, ang sabi ng isang babaeng nasa gilid nila.
Agad siyang sinunggaban ng babaeng nagsalita ngunit naiwasan niya ito, dahil sa mga turo ng kanyang mga magulang.
"Ganyan ba ang tinuturo sa inyo ng mga magulang niyo ha, wala ba kayong mga baon? Hindi pa ba sapat ang binibigay sa inyo kaya ganyan ang ginagawa niyo sa mga kapwa niyo estudyante?" ang galit na wika ni Cindy.
"Aba talagang matapang ka ha", sagot ng lider ng mga babae sabay sampal kay Cindy
Lumaban naman si Cindy dahil hindi na siya nakapagtimpi at kawawa ang babae sa sunod-sunod na sampal na ginawa niya. Ngunit ang hindi niya namalayan ay ang palo ng isa pang babae sa kanyang binti dahilan upang manghina siya. Saka siya pinagtutulung tulungang sinampal at tinadyakan. Napasigaw ang mga babaeng tinulungan niya at nagmamakaawang itigil nila ang kanilang ginagawa. Napa ungol si Cindy sa sakit ng nararamdaman niya at saka tinignan ang mga kasamang babae at sininyasang umalis na lamang sila para hindi idamay.
Agad namang kumaripas ng takbo ang dalawa at iniwan si Cindy na halos nanghihina na sa sakit na nararamdaman. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay dumating ang mga guwardiya ng kanilang paaralan at inawat ang mga babae. Nagsi datingan na din ang mga ibang g**o at nasaksihan ang hirap na dinanas ni Cindy.
Agad nilang tinulungan si Cindy upang tumayo ngunit hindi na nito kaya. Sa pagtayo niyang muli ay nawalan na siya ng malay kung kaya nagpanic ang mga g**o ng tumulong sa kanya. Agad siyang tinakbo sa ospital at agad namang pinatawag ang mga magulang ni Cindy.
Na hindi alam ng mga nanakit kay Cindy na pulis ang mga magulang niya kung kaya laking pagsisisi ng mga ito dahil sa ginawa nila. Agad na pinatanggal ang mga ito sa kanilang paaralan, matagal na palang ginagawa nila iyon sa mga kapwa mag-aaral ngunit hindi nabibigyan ng pansin ng mga g**o dahil wala manlang nagsusumbong. At isa pa ay malalakas ang mga pamilya nila sa paaralan, ngunit ngayon ay wala na silang magawa dahil sa matinding dinanas ni Cindy ay malaki na itong ebedensya.
Pagkagising ni Cindy ay naalala niya si Lester, dati din niyang tinulungan sa mga nangungutya sa kanya ngunit hindi siya napano. Ngunit ngayon ay inulit niyang tumulong pero siya na ngayon ang nalagak sa ospital. Sinabihan niya ang mga magulang niya at ang kanilang driver na wag ng
ipaalam kay Lester ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang magalala ang kaibigan at ayaw niyang kaawaan siya nito. Itinuring pa naman siyang superhero ng buhay ni Lester ngunit ano na lamang ang sasabihin niya kapag nakita nito na ganun ang kalagayan niya.
23/04/2025
CHAPTER 3
Lumipas ang ilang buwan ay magtatapos na sila, pareho silang nakakuha ng awards, medals at honors. Kahit naman laro ang alam nila ay pinagbubuti nilang ang kanilang pagaaral. Masayang masaya ang kanilang mga magulang dahil sa mga natanggap nila. Masayang masaya din sila sa isat isa dahil natupad ang pangarap nilang makuha ang ganung gantimpala.
Namamasyal muli sila sa parke, bakasyon na noon kaya dati na naman ang kanilang dinagawa. Malungkot si Cindy at wala itong ganang makipag usap kay Lester. Salita ng salita ang kanyang kaibigan ngunit hindi parin siya umiimik.
"May problema ka ba,may sakit ka ba", ang takang tanong ni Lester sa kaibigan.
Umiling lamang si Cindy at saka yumuko ito. Kahit anong gawin niyang tago sa nararamdaman niya ay pilit parin itong lumalabas. "Ano nga iyon sabihin mo baka matulungan kita", ang nagaalalang tanong ni Lester.
"Hindi kasi ako pag-aaralin sa napagusapan nating papasukan eih", ang malungkot na sabi ni Cindy.
Napagusapan kasi nilang doon sila magaaral sa pinapasukan ng mga kapatid ni Lester para magkasama muli silang papasok.
"Eh saan daw", ang malungkot na wika ni Lester.
"Sa private ako pag aaralin nila daddy", ang sabi muli ni Cindy.
Hindi na umimik si Lester alam niyang bihira na niya makakasama ang kaibigan. Parang nasasaktan siya sinabi nito, naninikip ang kanyang dibdib. Parang hindi na niya kakayanin na magkahiwalay sila ng kaibigan niya.
"Di bale pwede naman tayong magkwentuhan pagkatapos ng klase natin diba, saka sa weekend pwede naman tayong mamasyal", ang sabi ni Cindy na nakangiti. Napansin niya kasing malungkot na din ang kaibigan niya.
"Halika na uwi na tayo, ang wika ni Lester at saka na ito tumayo. Ayaw na niyang sagutin ang mga sinabi ni Cindy dahil pakiramdam niya ay
sasabog na ang dibdib niya.
Hindi na din umimik si Cindy dahil halata niyang nasaktan niya ang
kanyang kaibigan. Ngunit wala na siyang magagawa kundi sundin ang gusto ng mga magulang niya. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang doon na pumasok sa napagusapan nila ni Lester upang laging makasama ang kaibigan.
Habang naglalakad sila pauwi ay wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Nagpapakiramdaman at parehong umuwing hindi umiimik. Agad na dumeretso si Lester sa kanyang silid, sinubsub niya ang kanyang mukha sa unan at nagsimulang humikbi. Kahit lalaki siya ay marunong din siyang umiyak, dahil masakit sa kanya na hindi na makakasama sa susunod na pasukan ang kanyang kaibigan.
May pangamba siyang pwedeng makahanap ng bagong kaibigan si Cindy at baka makalimutan siya. May pangamba din siyang baka may manligaw sa kaibigan, hindi na Niya iyon kaya pa. Gusto niyang bantayan ang kaibigan dahil kahit babaeng matapang ito ay May kahinaan din, yun ay ang kanyang puso. Ayaw niyang mahulog sa iba ang kaibigan, ayaw niyang makitang may kasamang ibang lalaki si Cindy.
Nakatulog siya dahil sa pag iyak nagising siya dahil sa katok mula sa pintuan ng kanyang silid.
"Anak halika na kakain na", ang tawag ng kanyang ina.
Hindi siya umimik wala siyang ganang kumaen, kahit nagugutom na ito ay ayaw muna niyang kumaen.
"Anak halika na nagluto ako ng adobong manok", ang wikang muli ng kanyang ina.
Napabalikwas siya dahil paborito niya ang kanilang ulam. Napaupo siya sa gilid ng kanyang k**a, nag isip ng mabuti.
"Paano ako papayat kung puro kain lang ang gagawin ko, napapadami pa, gusto kong pumayat", ang bulong nito sa sarili. Tumayo siya sa harap ng salamin at tintigan ang sarili.
Hinawi niya ang kanyang buhok at inayos ang damit, napapangiti siya dahil naiisip na niya ang kalalabasan ng kanyang katawan kapag itutuloy niya ang kanyang plano. Kinuha niya ang kanyang cellphone at naghanap ng gym na pwede niyang puntahan kapag wala siyang gagawin.
"Anak kakain na uubusin na namin ang ulam", ang banta ng kanyang ina.
"Sige mommy lalabas na po ako", ang wika niya sa ina.
Ng makalabas na si Lester sa kanyang silid ay agad na tumungo sa hapag kainan. Takam na takam siya sa mga pagkaing nakahanda sa
mesa, dali dali siyang umupo at kinuha ang kanin. Ngunit kalahati lamang ng kanyang dating kinukuha ang ilinagay niya sa kanyang plato at saka kumuha ng isang hiwa ng karne. Laking gulat ng mga magulang at mga kapatid niya dahil sa kinuha niyang pagkain.
"Anak tama na ba yang kanin at ulam mo?", takang tanong ng kanyang ina.
"Naku mommy kukuha pa yan mamaya", ang wika naman ng kanyang kuya.
"Ok na po ito, kakain nalang ako ng prutas mamaya", ang sagot naman ni Lester.
"Aba magpapa macho kana anak", ang wika ng kanyang ama.
"Opo daddy sawa na ako sa mataba', ang sagoy ni Lester.
"Oh baka naman may dahilan, baka may nagugustuhan kana", ang asar na sabi ng kanyang ate.
"Baka naman si Cindy yan, napapansin ko kasi lagi silang magkasama at lagi mong tinititigan pag naglalaro kayo eh", pang-aasar naman ng kanyang kuya.
Namula siya sa sinabi ng kanyang ate at kuya, ngunit ayaw niyang ipahalata iyon dahil aasarin lamang siya ng mga ito. Natawa naman ang mga magulang niya sa pang-aasar sakanya ng mga kapatid niya. Umiling nalang si Lester at nakitawa saka na tinuon ang pansin sa kanyang kinakain. Gusto pa sana niyang kumuha pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Pagkatapos niyang kumaen ay pumanhik na siya sa kanyang kwarto at binuksan ang tv, nanood siya ng palabas na nagpapakita kung paano mag ehersesyo at kung paano pumayat. May
mga natutunan na din siya kaya iyon ang gagawin niya. Samantala ay hindi mapakali si Cindy, nagiisip siya ng paraan kung paano niya susuyuin ang kaibigan. Ayaw niyang magtampo ito sa kanya, kaya mag-iisip siya ng paraan upang masuyo ang kaibigan. Hindi parin makatulog si Cindy dahil iniisip niya si Lester gusto niya itong makasama palagi dahil nakasanayan na niya. Mahal niya ito bilang
isang kaibigan at ayaw niyang may magbago sa pagsasama nila.
Kinaumagahan ay agad na pumunta si Cindy sa bahay nila Lester. Ngunit hindi niya naabutan ito, maaga daw siyang umalis at mukhang mag jojogging sa. Napaisip naman si Cindy bakit iyon gagawin ng kaibigan samantalang lagi niyang sinasabi na nakakatamad daw gawin iyon. Sinundan niya si Lester at nakita niya ito sa parke, paikot ikot siyang tumatakbo sa may fountain at siya naman ay pinagmamasdan niya ito sa di kalayuan. ilang sandali pa ay linapitan na ni Cindy si Lester.
"Best hindi ka ba napapagod?", ang tanong niya ng makatapat si Lester sa kinatatayuan niya.
Walang sinabi si Lester at liningon niya lang ito, at saka pinagpatuloy ang pagtakbo. Nasaktan si Cindy sa ginawa ng kaibigan, halata niyang iniiwasan na nga siya. Inulit niya iyon ng makatapat muli si Lester sa kanya. "Uy best tama na yan pawis na pawis kana oh magpahinga ka muna", ang wika muli ni Cindy.
Ngunit ganun parin, hindi parin siya pinansin ni Lester na para bang hindi niya ito kakilala. Umupo nalang si Cindy sa gilid ng pinagtatakbuhan ni Lester at saka yumuko. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya, nasasaktan siya, hindi siya galit kundi may kung anong pakiramdam na naramdaman niya sa kanyang puso. Gusto niyang maiyak dahil sa ginawa ni Lester, liningon niyang muli ang kaibigan at patuloy parin ito sa ginagawa. Kung kaya tumayo na lamarig ito at saka humakbang papalayo, ayaw na niyang guluhin ang kaibigan sa ibang araw nalang sila mag-uusap.
23/04/2025
CHAPTER 2
Tuwang-tuwa ang dalawa dahil magkalapit na sila, mas madami na silang oras sa paglalaro kapag wala na silang importanteng gagawin. Pinagpatuloy nila ang pagkwentuhan habang kumakain.
Tumulong ang mga magulang ni Lester sa pagaasikaso sa mga pagkain. Si Mr. Harold ang nag-iihaw ng isda at karne samantalang si Mr. Joe Fontanilla, ang ama ni Cindy naman ang nagkukuha ng mga naluto na at linalagay sa mesa.
Samantalang si Mrs. Digna Cordero at Mrs. Carmen Fontanilla ay abala sa pagaayos ng mesa at upuan, tumulong din si Jim at Jenny, ang kuya at ate ni Lester. Nagkapalagayan ng loob ang bawat pamilya. Ang mga magulang ni Cindy ay parehong pulis at dito sa Pangasinan sila idenistino dahil nagkukulang ang mga pulis dito.
Ang ina naman ni Lester ay isang g**o sa paaralan nila sa elementarya, samantalang ang kanyang ama ay isang manager sa isang bangko sa lugar nila. Nagsidatingan ang mga bisita at masaya nilang tinaggap sa lugar nila ang bagong lipat na pamilya.
Kinabukasan, maagang nagbihis si Lester para pumasok sa paaralan nakikisabay siya sa kanyang ina pero bago siya lumabas ng kwarto niya ay sumilip muna siya sa bintana. Magkatapat kasi ang kwarto nila ni Cindy kaya makikita niya kung gising na ang kaibigan. Nakasarado pa ang bintana kaya alam niyang tulog pa ito, bumaba nalang siya at saka kumain ng almusal.
Nagulat si Cindy sa katok mula sa kanyang pintuan, ginigising siya ng kanyang mommy. Pagtingin niya sa orasan late na pala siya sa paggising kaya nagmamadali na siyang naligo at nagbihis, hindi na siya kumain ng almusal at nagdala nalang ng tinapay na kakainin niya sa sasakyan.
"Bakit late ka?" ang tanong ni Lester.
"Napagod kasi ako sa kakalaro natin kagabi kaya late ako gumising. kung hindi pa ako kinatok ni mommy baka hindi na ako nakapasok", ang sagot ni Cindy.
"Hindi ka sig**o sanay sa buhay dito sa probinsya nuh?" ang tanong muli ni Lester.
"Hindi nga eh kaya mabuti nalang at nakilala kita, may magtuturo sa akin", ang nakangiting sagot ni Cindy.
"Oo naman andito lang ako para sayo", ang wika ni Lester.Muling ngumiti si Cindy at saka na humarap sa librong binabasa niya. Namula ang mga pisngi ni Lester dahil sa ngiti ng kaibigan, malakas ang kabog ng kanyang dibdib na tila ba gusto ng kumawala ang puso niya. Dahil sa unang pagkikita palang nila ni Cindy ay crush na niya ito. Maganda, maputi, makapal ang kilay at maamo ang mukha nito at higit sa lahat ay mabait pa kaya kahit sino ang magkakacrush sa kaibigan niya. Habang nagbabasa sila ng libro ay hindi niya maiwasang titigan si Cindy.
"Hoy anong tinitingin tingin mo jan magbasa ka na nga", pairap na sabi ni Cindy.
Napayuko si Lester dahil nahuli siya ni Cindy na tinititigan niya ang ito. Namula ang mga pisngi niya kaya tinakpan na lamang niya ito ng libro upang hindi mahalata ni Cindy.
Napagpasyahan ni Lester na itatago na lamang ang nararamdaman niya kay Cindy, hindi din naman siya magugustuhan nito dahil sa itsura niya. Mataba siya pero may katangian din naman siyang tinatago, moreno siya at may kagwapuhan din, ang problema lang sa kanya ay ang kanyang malaking katawan. Nag-iisip siya na baka hindi katulad niya ang tipo ni Cindy kaya hindi nalamang siya aamin.Mas okay na sa kanya ang makasama niya ito at masulyapan paminsan-minsan.
Lagi na silang magkasama, sa mga gawin sa paaralan ay sabay nilang ginagawa. Kapag sabado at linggo naman ay lagi silang naglalaro kapag may oras sila. Halos hindi na sila mapaghiwalay dahil gusto nilang magkasama palagi.
Dumating ang bakasyon nila kaya sa bahay lamang sila namamalagi. Hindi naman boring ang kanilang bakasyon dahil magkatabi lang naman ang bahay nila kaya magagawa nilang magkita kahit anong oras. Minsan ay si Lester ang pupunta sa bahay nila Cindy, magdadala ito ng pagkain at sabay nilang uubusin. Minsan naman ay si Cindy, kung wala ang kanyang mga magulang ay mas gusto niyang mamalagi kina
Lester. Mababait naman ang mga magulang ng lalaki kaya
nakapagpalagayan na niya ng loob ang mga ito ganun din ang kuya at ate ni Lester.
Mahilig si Lester na gumuhit kaya minsan ay ginuguhit niya ang mga nais ni Cindy na larawan. Binibigay niya ito sa kaibigan at si Cindy na ang bahalang magkulay. Isang araw ay napag isipan nilang mamasyal
sa parke, nagdala si Lester ng papel at lapis.
"Anong gusto mong wedding gown", ang tanong ni Lester kay Cindy habang nakaupo siya sa may upuan at nagduduyan naman si Cindy.
"Bakit bibilhan mo ako?", ang tanong naman ni Cindy.
"Hindi ah wala naman akong perá, saka kung may pera ako ipambibili ko nalang ng pagkain", ang sagot naman ni Lester.
"Puro ka naman pagkain pati isip mo tataba na yan", ang tawang sagot ni Cindy.
"Kasi seryuso ako gusto ko kasing iguhit", seryusong sabi ni Lester.
Lumapit si Cindy sa tabi ni Lester at saka tumingin sa malayo.
"Ang gusto kong wedding gown yung off shoulder, tapos mahaba ang manggas, yung nakikita ang likod para syempre sexy na tignan. May mga makikinang na palamuti, saka mahaba, diba ang ganda", ang nakangiting sabi ni Cindy.
"Mas maganda kung nakasuot na sayo", ang wika naman ni Lester.
"Oo naman saka maglalakad ako sa altar papunta sa taong mamahalin ko habambuhay, ang sabi ni Cindy habang nakatingin parin sa kalayuan.
"Sana ako na iyon", ang bulong ni Lester sa sarili.
"Anong sabi mo?", ang tanong ni Cindy dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng kaibigan.
"Ang sabi ko maganda yung pangarap mong wedding gown", ang sabi ni Lester upang hindi na mangulit pa ang kaibigan.
"Ah akala ko kung ano na sinasabi mo, iisipin ko tuloy na nasapian na ang kaibigan ko", ang tawang sabi ni Cindy.
"Ikaw puro ka kalokohan, alam mo din iniisip ko, bingi na ata kaibigan ko", ang halakhak na sabi ni Lester.
Napikon naman si Cindy kaya pinalo palo niya si Lester sa braso, upang makaiwas na si Lester sa mga masasakit na palo ni Cindy ay linapag niya ang kanyang hawak na papel at lapis at saka kumaripas ng takbo. Hinabol naman siya ni Cindy at sila ay nagtakbuhan sa parke. Ng makaramdam na sila ng pagod ay humiga na lamang sila sa damuhan sa may lilim ng punong kahoy at saka pinagmasdan ang mga ulap.
Kinuha ni Lester ang kanyang ginuguhit at tinapos iyon. Pagkatapos niya ay iniabot niya iyon kay Cindy, namangha naman si Cindy dahil nakuha ng kaibigan niyang iguhit ang nais niyang wedding gown. Tinupi iyon at saka inilagay sa kanyang pitaka.
"Remembrance ko na iyon ha", ang wika ni Cindy.
"Oo naman para sayo talaga yan', ang sagot naman ni Lester.
Sa bakasyon nilang iyon ay puro masasayang araw ang nagagawa nila. Minsan lang sila magkatampuhan, ngunit nagkakaayos din naman agad. Ng matapos na ang bakasyon na iyon ay muli silang pumasok sa paaralan na noon ay nasa ika anim na baitang na sila. Lalo pang sumidhi ang pagmamahal ni Lester sa kaibigan. Hanggat kaya niyang pigilan ay gagawin niya, kung kaya napag pasyahan niyang baguhin muna ang sarili.
Hindi na din siya kinukutya pa ni Bryan dahil sa takot ang lalaki kay Cindy. Bagay na nagpapasaya kay Lester, ganado na itong pumasok dahil malaya na siyang nakakalakad sa kanilang paaralan, hindi tulad dati na lagi siyang umiiwas sa kanila.
23/04/2025
CHAPTER 1
"Tababoy, tababoy!!", ang sigaw ng mga batang kaklase ni Lester sa kanya. Palagi nila itong kinukutya dahil siya ay matabang bata. Noong una ay palagi siyang umiiyak kapag ganito ang sinasabi nila sa kanya ngunit di kalaunan ay nasanay na siya at hinayaan na lamang ang mga ito. Kapag papatulan pa kasi niya ay lalo lang siyang sasaktan.
"Ano taba kakain ka na naman pa hingi naman niyan", ang angas na sabi ng isang kaklase niya habang kumakaen siya sa kantina ng kanilang paaralan. Kinuha ng bata ang pagkain ni Lester at saka inumpisahang kainin ito. Walang magawa si Lester dahil hamak na mas malakas ang kaklase niya kesa sa kanya.
"Ibigay mo nga yan!", ang narinig nilang boses ng babae mula sa kanilang likuran. Liningon nila ito ngunit hindi ito pamilyar na mukha. Hindi nila ito nakikita sa mga mag aaral na pumapasok sa kanilang paaralan ngunit naka uniporme ito na kagaya ng mga babaeng k**ag aral nila. Hinarap siya ng mga nangungutya kay Lester at siga silang naglakad papunta sa kinalalagyan ng babae.
"Sino ka naman?",, ang tanong ng isang bata." Cindy Fernandez", ang sabi ng batang babae at saka inilahad ang k**ay upang makipagkilala sa batang lalaki.
"Ah Cindy pala, ako si Bryan", ang sabi naman ng batang lalaki at inabot ang k**ay ni Cindy. Ngunit pagkahawak palang ng k**ay nito ay agad na pinisil ni Cindy at saka itinaas.
"Alam mo ayaw na ayaw ko ang bully lalo na sa mga katulad mong nang aagaw ng pagkain", ang taray na sabi ni Cindy.
"Aray ko aray ko tama na", ang sabi ni Bryan at saka pinipilit na hinihila ang k**ay nito. Binitawan naman agad ni Cindy kung kaya napahiga si Bryan sa sahig. Nagtawana ang mga batang nasa loob ng kantina, lumapit naman ang nagtitinda dito upang awatin ang dalawa. Hindi na umimik si Bryan at saka tumayo na ito, kumaripas siya ng takbo at sumunod naman ang mga kaibigan niya. Nagtawanan ang mga bata" babae lang pala katapat nun", ang wika ng iba. Kilala kasi si Bryan na bully sa paaralan nila, porke mayaman ay kinakayakaya na niya ang mga batang matitipuhan niyang kutyahin. Paborito niya si Lester dahil hindi siya nito linalabanan. Bumili si Cindy ng dalawang pagkain na katulad ng kinakain ni Lester at saka lumapit ito sa kinalalagyan ng lalaki."Oh ayan kumain kana", ang nakangiting sabi ni Cindy sabay abot sa pagkain kay Lester. Hindi kinuha iyon ni Lester at nakayuko lamang."Sige na magugutom ka niyan", ang wika muli ni Cindy. Kinuha naman İyon ni Lester at saka ngumiti.
"Salamat", ang tipid na wika ni Lester.
"Anong pangalan mo?", ang tanong ni Cindy habang kurmakaen."Lester Cordero", ang sagot naman ni Lester."Ako naman si Cindy Fontanilla", ang sabi ni Cindy at saka inabot ang k**ay kay Lester para makipagk**ayan, tinugunan naman iyon ni Lester. Masaya silang kumain hanggang sa tumunog na ang bell ng kanilang eskwelahan hudyat sa oras ng klase. Tumayo na sila pareho at saka nagpaalam na upang pumasok sa kanilang klase.
Naupo na si Lester sa kaniyang upuan, liningon niya ang kinaroroonan ni Bryan at mga kaibigan nito at nakitang nakatitig sila sa kanya at masakit ang tingin nila, sila ay nasa ika-limang baitang na. Pumasok na ang kanilang g**o at umayos na ang bawat isa sa kanilang upuan. May kasamang batang babae ang kanilang g**o."Okay class siya ang bago niyong kaklase, makipagkaibigan kayo sa kanya at huwag aawayin, maging mabait kayo sa bago niyong kaklase maliwanag", ang wika ng kanilang g**o "Opo ma'am", ang sagot ng mga bata, ngunit si Lester ay hindi na umimik at nanatiling nakayuko."Sige na iha magpakilala kana", ang sabi ng kanilang g**o. Humakbang ang batang babae at saka nagsalita."Magandang araw mga kaklase ako si Cindy Fontanilla, ako ay nanggaling sa lungsod ng Maynila at dito na kami titira sa probinsya. Gusto ko kayong maging kaibigan lahat", ang sabi ni Cindy. Napa angat ng ulo si Lester at tinignan ang nagsalita upang makasigurado. Si Cindy nga ang babaeng nakilala niya sa kantina."Pili kana ng mauupuan mo iha", ang sabi ng kanilang g**o. Naglakad na si Cindy at saka lumapit sa kinaroroonan ni Lester, may bakanteng upuan doon kaya doon na umupo si Cindy. Nagtama ang kanilang paningin at saka nginitian ang isat isa.Mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan. Sabay na din silang kumain ng tanghalian, nagbaon si Lester ng pagkain niya samantalang si Cindy ay bumili nalang sa kantina."Ito oh share kita", ang sabi ni Lester sabay abot kay Cindy ang isang hiwa ng fried chicken na baon niya. "Nako wag na ubusin mo na yan saka kunti lang kinakain ko eh', ang sabi naman ni Cindy."Sige na pasasalamat ko sa ginawa mo kanina, saka simula ngayon bibigyan na kita ng pagkain na meron ako", ang nakangiting sabi ni Lester."Sige na nga ang bait mo kasi eh", ang pilyang sabi ni Cindy. Masaya silang kumain at katulad ng dati ay sabay silang pumasok sa kanilang silid aralan. At sa uwian habang hinihintay ang kanilang sundo ay nag kwentuhan muna sila.
"Oh paano maya maya lamang ay darating na yung driver namin susunduin na ako", ang sabi ni Cindy habang nag aabang sila sa loob ng gate ng kanilang paaralan."Ako din susunduin ako ni daddy", ang sabi naman ni Lester.
Magkwekwentuhan pa sana sila ng dumating na ang driver nila Cindy kaya dali dali na itong sumakay at saka kumaway na kay Lester tanda na kanyang pamamaalam.Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na din ang daddy ni Lester upang sunduin siya. Habang binabagtas na ang kanilang daan pauwi ay nagkwento si Mr. Harold Cordero, ang ama ni Lester.
"Anak mamayang gabi pupunta tayo sa bagong kapitbahay natin, makikisaya tayo sa kanila", ang sabi ng ama ni Lester.
Hindi umimik si Lester iniisip kasi niya si Cindy, gusto pa niya itong makasama sa kanilang paaralan ngunit pinutol iyon ng oras. Oras upang umuwi na, dati lagi niyang hinihintay ang oras ng kanilang uwian. Ayaw na ayaw niyang manatili sa kanilang paaralan dahil sa grupo ni Bryan na laging nang aasar sa kanya. Kung maari lang ay ayaw na niyang pumasok ngunit iniisip niya ang mga magulang niyang nagsasakripisyo sa pag aaral nilang mag kakapatid.
Iniisip niya si Cindy ng oras na iyon, gusto niya ulit itong makasama sa paaralan. Kung maari lamang na hindi na sila umuwi ay gagawin na niya makasama lang si Cindy"Anak sasama ka ba madaming pagkain doon", ang tanong ng ama ni lester at saka tumatawa ito."Oo naman daddy ako pa hindi ko yun palalampasin, ang sabi naman ni Lester. Nagtawanan ang mag-ama sa loob ng sasakyan. Pagkarating nila sa bahay ay ahad nagbihis si Lester ng maganda niyang damit dahil madami ng tao sa kapitbahay, hindi siya papahuli dahil gutom na gutom na siya. Hindi na nga niya hinintay ang kanyang mga magulang at mga kapatid at nagpaalam na itong mauna na.Abala naman ang may-ari ng bahay sa pag tanggap sa mga bisita, habang naglalakad si Lester ay nabunggo siya ng isang batang babae.
"Ops, sorry", ang sabi ng babae.
Lumingon si Lester at nagulat siya ng si Cindy pala ang nakabunggo sa kanya."Cindy? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Lester."Bahay namin to, eh ikaw bakit ka nandito?" nagtataka ding tanong ni Cindy.
"Magkapitbahay pala tayo, diyan kami nakatira sa bahay na yan" ang wika ni Lester sabay turo sa bahay nila.
23/04/2025
PROLOGUE
"Nakalimutan man ako ng isip mo, pero kailan man ay hindi ako makakalimutan ng puso mo", ang bulong ni Cindy habang pinagmamasdan si Lester na lumalayo sa kanya.Si Lester ang matalik niyang kaibigan simula nung bata pa sila. Ang lalaking tinuring niyang kapamilya, ito din ang dahilan kaya siya nagbalik upang malaman ang mga sagot sa kanyang katanungan. Paano kung ang matalik niyang kaibigan ay nakalimutan na siya at sa makalipas ng limang taon ay hindi na siya maalala.Ngunit gagawin ni Cindy ang lahat upang maibalik sa kaibigan ang alaala niya. Magtagumpay kaya siya gayong madaming balakid sa kanyang gagawin. May Kasintahan si Lester, paano siya makalalapit kung alam niyang may pinaglalaanan ng oras ang kaibigan.Ang kaibigan niyang minsan ay nagpatibok ng puso niya. At minsan ding nag iwan ng sakit sa damdamin niya. Kaya ito siya ngayon at nagbabalik upang tulungan ang kaibigang maalala na minsan ay may pinagsamahan sila, mga alaalang hindi dapat kalimutan ni Lester. Mga alaalang lumipas man ang panahon ay sariwa parin sa pusot isip ni Cindy.Magagawa niya kaya ang nais kung mismong si Lester ay ayaw siyang makita? Maibabalik pa ba niya ang dating pagkakaibigan nila?Abangan ang isa na namang panibagong kwento ng pag ibig nila Cindy at Lester. Kwentong pag ibig na muling magpapaluha at magpapakilig sa inyong damdamin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Surigao City
