Manny Potter
Personalize and homemaid shiny cement pots for sale. οΏ½
30/10/2026
( October 31,2026- Saturday) Our daily bread for today.
Pahayag 1:3πβ€
( Mga kapatid, paniwalaan at isabuhay kung ano ang mga nakasaad sa Banal na Kasulatan ( Magandang Balita) dahil ang mga nakasaad dito ay unti-unti ng nagaganap. Kaya nga, Mapapalad ang mga sumusunod at nagsasabuhay dito, may Karunungan, kamalayan at kaligtasang matatamo. Kaya sa mga oras na ito , ikaw na nakakabasa nito, nasa iyo na ang desisyon kung paniniwalaan mo ang mga ito. Kapatid, ang Salita ng Diyos ay nagpapaalala at binbigyan tayo ng babala upang paghandaan ang muling pagbabalik ng ating Panginoong Hesukristo, upang tayo ay maligtas sa walang hanggang pagdurusa. Mga kapatid, huwag na tayong mag-aksaya ng panahon, gawin na ang nararapat, tanggapin si Hesus bilang ating Diyos at Tagapagligtas ng ating buhay. Malapit na malapit na itong maganap, magsisi at talikdan na ang ating mga kasalanan. Ang Diyos natin ay mapagpatawad at handang tanggapin tayo sa oras na tayo ay lumapit sa Kanya. Amen.)πππ
29/10/2026
( October 30,2026- Friday) Our daily bread for today.
Salmo 37:23πβ€
( Mga kapatid, lagi nating pakaisipin na DSa bawat ginagawa natin ay, ito ba ay kalugud-lugod sa Diyos. Alam naman natin na kapag tayo'y sumusunod sa kalooban ng Diyos, buhay natin ay kanyang iingatan at pagpapalain. Kaya mga kapatid, nagkasala at tumalikod man tayo sa ating Panginoon, ihingi natin ito ng patawad at handang magpatawad ang ating Diyos na mahabagin at mapagmahal. Tandaan natin ito mga kapatid, kinamumuhian ng Diyos ang mga gumagawa ng masama at iniingatan naman ng Diyos ang patuloy na sumusunod sa kanyang kalooban . Lalo na ngayon na malapit ng dumating ang Takdang panahon. Hinding hindi pababayaan ng Diyos ang Kanyang mga anak sa panahon ng kagipitan. Amen.)πππ
28/10/2026
( October 29,2026- Thursday) Our daily bread for today.
Salmo 37:5πβ€
( Mga kapatid, napakabuti ng Diyos sa atin dahil sa mga Salita at pangako Nya ay nagkakaroon tayo ng lakas at pag-asa. Mga kapatid tunay ngang ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan at dapat natin itong paniwalaan at bigyang halaga dahil ang Diyos natin ay tumutupad sa lahat ng Kanyang mga pangako sa atin, magtiwala at manalig lamang tayo sa Kanya. Salamat po O Diyos sa kabutihan at pagmamahal mo sa amin. Purihin ka at sambahin sa Espiritu at katotohanan. Amen.)πππ
27/10/2026
( October 28,2026- Wednesday). Our daily bread for today.
Juan 15:7πβ€
( Mga kapatid, kung nais natin talaga na ipagkaloob ang mga hinihingi o hinihiling natin sa Diyos ay manatili lamang tayo sa Kanya at bigyan halaga ang Kanyang mga Salita. Isabuhay ang bawat Salita ng Diyos na ating naririnig o nababasa. Kung nais talaga nating pagpalain at magkaroin ng kapayapaan ng ating buhay, gawin natin ito, hindi sinungaling ang Diyos natin. Bawat pangakong binibitawan Nya ay Kanyang tutuparin. Amen)πππ
26/10/2026
( October 27,2026- Tuesday) Our daily bread for today.
Juan 15:5πβ€
( Mga kapatid, panahon na upang tanggapin ang ating Panginoong Hesukristo sa ating buhay lalo na ngayon na ramdam na natin ang Kanyang muling pagbabalik. Manatili at maging sentro nawa Siya sa ating buhay sa bawat ginagawa at paglilingkod Siya ang dapat maparangalan. Manatili tayong nakakapit sa Kanya at huwag nang humiwalay, dahil kung wala ang ating Panginoong Hesukristo sa atin, buhay natin ay walang katiyakan kung saan patungo ang ating kaluluwa. Kaya mga kapatid, panahon na upang ilaan ang ating buhay sa paglilingkod sa Diyos at tanggapin ang ating Panginoong Hesukristo bilang ating Diyos at Tagapagligtas ng ating buhay. Pansinin mo lang kapatid, marami ng nangyayaring nakasaad sa Banal na Kasulatan at di na ito mapipigilan, gumising na sa katotohanan at sumamba sa tunay na Diyos na Siyang makapagliligtas sa atin. Amen.)πππ
25/10/2026
( October 26,2026- Monday) Our daily bread for today.
Mateo 6:1πβ€
( Mga kapatid, alam na alam ng Diyos kung ano ang nasa puso natin, isipan, at mga binabalak natin at wala tayong maitatago sa Kanya. At alam din ng Diyos kung tunay ang ating paglilingkod sa Kanya. Inihahalintulad nito ang buhay ng isang tao sa isang nitso na ang ganda ng panlabas at puting puti ito ngunit sa kaloob looban nito'y puno ng kabulukan, nawa'y maging aral sa atin ito at maging totoo tayo sa ating sarili. Ang pagtulong at paggawa ng mabuti sa kapwa ay kalugud-lugod lugod sa Diyos, ngunit kung ito ay pakitang tao lamang ay kinamumuhian ito ng Diyos at maituturing itong isang panlilinlang sa kapwa . Kaya nga, mga kapatid, anuman ang ginagawa natin sa ating mga kapwa mananampalataya ay gawin natin ito para sa Diyos at hindi sa tao para lang mapapurihan sya. Gumawa nang may pagmamahal at hindi pakitang tao lamang . Amen.)πππ
24/10/2026
( October 25,2026- Sunday) Our daily bread for today.
1 Pedro 5:8-9πβ€
( Mga kapatid, maging matatag nawa tayo at laging manalangin upang mapagtagumpayan natin ang lahat ng balak ng kabila, Hinding-hindi tayo tatantanan hangga't di tayo nasisila, aali-aligid lamang sila at nais sirain ang ating relasyon sa Diyos, kaya mga kapatid, mag- ingat tayong mabuti dahil kung kailan tayo lumalapit sa Diyos ay doon naman maraming gustong humila sa atin pababa o papalayo sa Diyos. Magmalasakitan nawa ang bawat isa at magpalakasan, iwasan ang siraan upang maipagpatuloy natin ang paglilingkod natin sa Diyos na makapangyarihan.. Amen.)πππ
23/10/2026
( October 24,2026- Saturday) Our daily bread for today.
Hebreo 4:13πβ€
( Mga kapatid, ang lahat ay hayag at wala tayong maililihim o maitatago sa ating Diyos sapagkat Sya'y Diyos na makapangyarihan. Kaya't habang tayo'y nabubuhay ay gumawa na tayo ng ayon sa Kanyang kalooban, dahil ang lahat magsusulit sa Kanya. Anuman ang ginagawa natin sa ating kapwa, paraan ng ating pagsamba sa Kanya, mga plano natin ay batid Niya. Kaya mga kapatid, habang may panahon pa ay isipin na natin kung ano ang maaaring makapagliligtas sa atin sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Hesus. Manalangin palagi upang bigyan tayo ng karunungan upang maunawaan natin ang lahat ng nangyayari sa ating mundong ginagalawan ngayon , may pag-asa pa at pagkakataon pa upang ituwid ang ating mga kamalian . Mapagpatawad ang ating Diyos at minamahal Niya tayo nang lubos . Amen.)πππ
22/10/2026
( October 23,2026- Friday) Our daily bread for today.
Hebrew 9:27-28πβ€
( Mga kapatid, ito ay katotohanan na ang lahat ay minsan lang mabuhay at minsan lang daraan sa mundong ito - kamatayan. Kaya habang may panahon at tayo ay may buhay pa, ipaglingkod na natin sa Diyos at upang sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Hesus ay maging karapat dapat tayo na makasama sa Kaharian ng langit. Marami pang pagkakataon at paraan upang paglingkuran natin Sya. Gawin ang kalooban ng Diyos at sambahin Siya sa Espiritu at katotohanan. Habang palapit na palapit na at hindi pa binabawi ang ating buhay , hingin natin sa Kanya ang karunungan upang malaman natin ang tunay na pagsamba at pagkilala sa Kanya, huwag nating sayangin ang ating buhay, may oras pa. Amen)πππ
21/10/2026
( October 22,2026- Thursday) Our daily bread for today.
Filipos 3:8πβ€
( Mga kapatid, tanggapin at papasukin si Hesus sa ating buhay sapagkat Sya lamang ay sapat na sa atin. Walang ibang bagay ang makapagbibigay sa atin ng kapayapaan, kaginhawaan, kagalakan, kasapatan at kaligtasan kundi ang ating Panginoong Hesus lamang. Kaya mga kapatid, kung di mo tinaggap ang ating Panginoong Hesus bilang ating Diyos at Tagapagligtas ng ating buhay, ito na ang pagkakataon ,tanggapin si Hesus sa iyong buhay dahil ang mabuhay na may Kristo sa buhay ay panatag tayo anuman ang sitwasyon ng ating buhay. Amen.)πππ
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Manny Potter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.