Stephany in China
黄斯蒂芬妮 👑
✨ Just a sinner saved by grace through Jesus Christ ✨
🥹🙌🙏
“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a future and a hope.” - Jeremiah 29:11 🤍
Isa ito sa pinakasikat na verses sa Bible. Yung iba sa atin kabisado talaga at life verse pa ‘to. Ang comforting kasi ng promise ni Lord. May plano Siya para sa atin. May future. May hope.
Pero madalas, dito lang tayo humihinto.
Ang kasunod kasi nito ay:
“Then you will call on me and come and pray to me, and I will listen to you. You will seek me and find me when you seek me with all your heart. I will be found by you…” - Jeremiah 29:12–14 🤍
Yung promise pala ni Lord ay may invitation.
Sa context ng verse na to, ang Israel ay nasa exile sa Babylon. Malayo sila sa bahay nila. Nalulungkot, nalilito, at naghihintay kung kelan sila ililigtas ni Lord. Hindi sinabi ng Diyos na “Bukas okay na ang lahat.” Pero sinabi Niya na may plano Siya…
At habang naghihintay sila, tinawag Niya silang hanapin Siya nang buong puso.
Minsan gusto natin ang plano ni Lord, pero nakakalimutan nating hanapin ang Planner.
Gusto natin ang blessing, breakthrough, promotion, healing, o answered prayer. Pero ang pinakamahalagang relationship ay ang relationship natin sa Kanya.
Napansin mo ba? Hindi sinabi ni Lord, “Makikita ninyo Ako kapag minsan ninyo Akong naalala.”
Ang sabi Niya “You will seek Me and find Me when you seek Me with all your heart.”
WHOLEHEARTED.
Hindi half-hearted. Hindi kapag convenient lang. Hindi kapag may problema lang. Buong puso.
At ang napakagandang promise: “I will be found by you.” Hindi nagtatago ang Diyos sa taong tunay na naghahanap sa Kanya.
Kaya kung nasa season ka ng paghihintay, uncertainty, o hindi mo pa nakikita ang plano ni Lord, baka ang invitation Niya ngayon ay hindi lang maghintay kundi hanapin Siya nang mas malalim.
Kapag nahanap natin ang Diyos, mas nagiging panatag tayo kahit hindi pa natin nakikita ang buong plano Niya. Kasi alam nating hawak Niya ang ating future.
Seek Him first. The plans will unfold in His perfect time. 🤍🙏🏻 Good night.
10/07/2026
🙌🙌🙌🤍🤍🤍
💖
coach bag muna as of now hihihi ✨🌸
puhon 🙌🙏
🤍🤍🤍
08/07/2026
🤍🤍🤍
Hindi ako ang CEO ng Tenderoo. Ako ang Registered Trademark Owner ng Tenderoo.
Magkaiba ang pagiging CEO at pagiging trademark owner. Ang CEO ang namamahala sa day-to-day operations ng kumpanya, habang ako ang legal na may-ari ng Tenderoo trademark.
Noong una, ang plano talaga ay ako ang magiging CEO ng Tenderoo. Kaya ko namang magpatakbo ng maliit na negosyo, kahit aminado akong halos lahat ng mga nauna kong negosyo ay nag-fail. 😞 Pero hindi ako tumigil. Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng sarili kong baby products.
Bago kami nakarating sa kung nasaan kami ngayon, marami kaming manufacturers na kinausap dito sa Pilipinas. Nalaman din namin na marami sa mga raw materials at packaging na ginagamit ng iba’t ibang manufacturers ay galing din sa China at iba pang bansa. pero hindi kinaya ng budget naming mag-asawa ang production cost at formula na gusto namin,
Doon namin nakita ang opportunity sa Guangzhou, China, isa sa pinakamalalaking manufacturing hubs sa China. Nang personal naming makita ang manufacturing capabilities nila, talagang napahanga kami kung gaano sila ka-advanced. Kaya nilang gumawa ng iba’t ibang baby products, kabilang ang diapers at wipes. May access din sila sa iba’t ibang suppliers, kabilang ang mga supplier mula sa Japan para sa ilang raw materials na ginagamit sa aming mga produkto. Marami rin sa mga manufacturers doon ang gumagawa ng mga produktong binebenta sa iba’t ibang bansa. Dahil doon, nagkaroon kami ng confidence na makipag-partner sa kanila.
Ang totoo, hindi naman lahat kayang bumili ng sobrang mamahaling products. Gusto naming makapagbigay ng dekalidad at ligtas na produkto na mas abot-kaya para sa mas maraming pamilya. Isa rin sa mga dahilan kung bakit kami nakipag-partner sa aming Chinese partners ay dahil bukod sa Direct na tayo from China, mayroon pa silang kakayahang maglabas ng malaking puhunan sa umpisa, dahilan upang mapababa namin ng husto ang product price sa quality parin na product, may malawak na warehousing at distribution network sa Luzon at Visayas, at may malawak na karanasan sa pagpapatakbo ng malaking kumpanya.
Kung ako ang magiging CEO, malamang mababawasan din ang oras na naibibigay ko sa mga anak ko. Kaya sa napagkasunduan namin, ang business partner namin ang humahawak sa day-to-day operations ng kumpanya. (na sobrang hirap talaga)
Bukod sa pagiging registered trademark owner, aktibo rin akong nakikibahagi sa pagbuo ng Tenderoo. Kasama ako mula sa pagbuo ng konsepto ng produkto, pagpili ng formulation, pagsusuri ng samples, product testing, quality control, hanggang sa pagbibigay ng final approval bago ito ilabas sa market. Nakikibahagi rin ako sa pakikipag-usap sa mga offline retail partners at sa pamamahala ng aming Facebook operations. Mahalaga sa akin na masigurong ang bawat produktong inilalabas namin ay pasado sa quality standards na gusto naming ibigay sa bawat pamilya. Ayon din sa aming kontrata, ako ang nagbibigay ng final approval sa mga produkto bago ito ilabas at ako rin ang magiging face ng brand.
Sa kumpanya namin, may kanya-kanya kaming responsibilidad at ang mahahalagang desisyon ay pinag-uusapan at pinagdedesisyunan namin bilang team. Para sa akin, hindi ang titulo ang pinakamahalaga, ang mas mahalaga ay ang aktwal na kontribusyon at responsibilidad na ginagampanan ng bawat isa para mapalago ang Tenderoo.
Sa totoo lang, wala akong pinagsisisihan sa naging setup namin. Ang pinakamahalaga para sa akin ay makapaglabas kami ng mga produktong ligtas, dekalidad, at mapagkakatiwalaan ng bawat pamilya.
Lahat ng inilalabas ng team namin ay dumadaan sa tamang proseso at kinakailangang approvals at testing na naaangkop para sa bawat produkto, kabilang ang FDA registration o notification (kung kinakailangan para sa naturang produkto), dermatological testing, at iba pang quality at safety assessments.
As long as maibigay namin ang best quality products na deserve ng mga customers namin, proud at confident ako sa ginagawa namin. 🫶🏻
Ngayon, sobrang laki na ng naabot ng Tenderoo. Makikita na ang mga produkto namin sa iba’t ibang malls, at lubos akong nagpapasalamat sa aming mga partners na naging malaking bahagi ng paglago ng brand.
Alam kong hindi lahat ay maiintindihan ang setup namin, at okay lang iyon. Ang mahalaga, ginagawa namin ang lahat nang naaayon sa batas at sa tamang proseso. Kung sakaling magkaroon ng anumang legal na usapin, haharapin namin iyon nang maayos at sa tamang paraan.
Patuloy naming pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng ligtas, dekalidad, at abot-kayang mga produkto para sa mga pamilyang nagtitiwala sa amin.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagtitiwala, kay Tenderoo. Hindi namin maaabot ang lahat ng ito kung wala kayo. 🫶🏻💙💛
24/06/2026
Magandang hapon! 🤍🤍🤍
at dumating na nga ang pabitbit ni regular client sissy plus may pa souvenir, snack and coffee pa from 🇻🇳 huhuhu my heart is so full 🥹❤️🔥
hindi man po palagi palapost at mapost mga help at gifts niyo sakin. Always po kayo nasa prayers ko. Again, thankyousomuch!! 🙌🙏😇
05/06/2026
🤍🙌🙏
05/06/2026
Everyday, everyday La,la,la,la,la,la,la,la 🎶🫣🥹
Thank You, Lord, for this privilege. 🙏🏻 Forever grateful for moments like this and for the chance to experience a place that continues to inspire and humble me every time. 🥹🤍
maraming salamat palagi mga mahal kong clients 🙌
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Telephone
Website
Address
Guangzhou
