MWCC of Agoncillo
Municipal Womens Coordinating Council
16/07/2026
Dumalo at nakiisa ang ating MWCC President, bilang PWCC President sa ginanap na GAD CapDev Training
29/06/2026
25/06/2026
Lumahok ang MWCC Agoncillo sa Tree Growing activity ngayong araw bilang pakikiisa sa Luntiang Bukas: Arbor Day ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Isinagawa ang nasabing activity sa EcoPark, Barangay San Jacinto, Agoncillo, Batangas.
Pinangunahan ito ng MWCC President, Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes na nagwikang “Patuloy tayo’ng magmalasakit sa kalikasan. Itong park ay pupunuin natin ng mga puno at magsisilbing lungs ng ating bayan.”
Nakiisa rin ang mga kawani ng LGU mula sa iba’t-ibang departamento, kasama ang Tourism Head at OIC Budget Officer Ms Charlyn Dela Luna, PIO Sir Christian Dave Luya, Environment Personnel Antonio Maligaya, Konsehal Atty. Tagay Sarah Mendoza.
Nagtanim din ang Agoncillo PNP sa pangunguna ni Deputy De Leon, BFP Deputy Joan Bantogon, PCG Bersabe, Director Josie Encarnacion(Batelec I).
Nakisali rin ang mga Boy and Girl Scouts kasama ang kanilang mga Adult Leaders, at iba pang civic organizations.
10/06/2026
LIVELIHOOD TRAINING FOR CANDLE MAKING ISINAGAWA
June 9, 2026 - Nagkaroon ng pagsasanay para sa mga kababaihan at solo parents para sa paggawa ng kandila, sa Gregorio Brotonel Events Center, sa pangunguna ng ating Municipal Social Welfare and Development Office.
Mababa ang puhunan at maaaring gawin sa bahay, kaya inaasahan na makakatulong sa ating mga sektor na nabanggit ang nasabing training.
06/06/2026
Nakiisa ang MWCC Agoncillo sa taunang Brigada Eskwela at Bayanihang Bulilit para sa panuruang 2026-2027, June 5, 2026.
Nagsanib ang pwersa ng Barangay Subic Ilaya, sa pamumuno ni Punongbarangay Mario Almanzor, LGU at MWCC na pinangunahan ni Mayor Cindy Valenton-Reyes, PNP, VMRT Law Office, Child Representatives, at PWD officers ang Bayanihang Bulilit para sa Day Care Center ng Subic Ilaya.
Bago, maganda, airconditioned ang bagong center ng mga bata, kaya tuloy na ring pinasinayaan ang gusali.
Dahil sa pagkakaisa, pagtutulungan at mabilis na pagkilos, madaling naisagawa ang activity, na pinamunuan rin ni Ms Josalyn Cortez, kasama ang mga taga MSWD.
Pagkatapos nito ay tumungo naman sa Agoncillo National High School. Nag-donate ang MWCC ng 15 stool chairs para sa paaralan at 10 walis tingting.
Kada taon ay kasama ng ating komunidad ang ating mga kababaihan na boluntaryo at masayang nag-aalay ng kanilang oras para makatulong.
19/05/2026
Livelihood training para sa bangus deboning ginanap kahapon.
Isang makabuluhang proyekto ang isinagawa kahapon, Mayo 18, 2026 ng Samahang Batangueña Agoncillo chapter kasama ang mga kababaihan ng San Pascual, Alitagtag, Nasugbu at mga provincial officers.
Ang trainors ay taga Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na masusing itinuro ang pagtatanggal ng maraming tinik ng bangus. Itinuro din nila ang tamang pag-marinade ng mga bangus, at ganundin ang tama at malinis na proseso sa pag-handle ng pagkain.
Si Konsehala Atty. Sarah Mendoza ang pangulo ng Samahang Batanguena Agoncillo, samantalang si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes naman ang Executive Vice President sa provincial board. Si dating Nasugbu Mayor Charito Apacible ang presidente.
Kasama ang mga pangulo ng ibang chapters, naisakatuparan ang proyekto. Ito rin ay sa collaborative efforts ng Municipal Agriculturist, Municipal Social Welfare and Development Office, Lokal na pamunuan ng Barangay Subic Ibaba, sa pangunguna ni Kapitan Dolph Reyes.
07/05/2026
Inilatag at naaprubahan sa regular meeting ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCC) ang mga nakatakdang mga programa, proyekto at mga aktibidad ng samahan para sa 2026.
Halos binigyan ng continuity ang mga dati nang mga proyekto, better version. Kabilang dito ang lecture series, environmental advocacies at ang pagpapalakas sa VAW Desk at VAW Desk Officers sa lalawigan.
Ang ating presidente, na pangulo rin ng PWCC ang nanguna sa pagpupulong na ito na ginanap ngayong ika-7 ng Mayo 2026 sa PSWDO conference hall.
Bilang pagtugon sa panawagan ng pagtitipid sa enerhiya, ginawang blended ang meeting na pwedeng online at pwede ring harapan ang pagdalo.
14/03/2026
Ginanap kahapon, Marso 13, 2026 ang Gender Sensitivity Training. Dinaluhan ito ng ating mga kababaihan, taga LGU Agoncillo sa pangunguna ni Mayor Cinderella Valenton- Reyes at ng MSWD head Ms Josalyn Cortez.
Binigyang diin ng ating Resource Person na si Gng. Eva Pallas Morillo, mula sa Batangas Provincial Social Welfare and Development Office, na ang gender sensitivity training ay nag-uumpisa sa bahay, habang bata pa.
Halimbawa, hindi dapat iugnay ang kulay ng kasuotan sa kasarian ng bata. Kahit lalaki ay maaaring magsuot halimbawa ng pink. Ganundin, kahit mga batang lalaki ay dapat tinuturuan magluto, manahi at iba pang gawain na dati akala natin ay pawang pambabae lamang.
Sa mga ganitong paraan tunay na magkakaroon ng kahulugan ang isinusulong natin na gender equality.
Ginawa ang pagsasanay sa pamamagitan ng online platform bilang pakikiisa sa pagtitipid ng enerhiya.
03/03/2026
Masaya ang mga kababaihang nagsusulong ng Gender Equality sa kick-off ng Women’s Month celebration kahapon, Marso 2, 2026.
Sa kabila ng pag-ambon ay tuloy ang pag-ikot sa may Plaza Elena ng lahat ng nakiisa, sa pangunguna ng Municipal Women’s Coordinating Council at ng ating Mayor Atty. Cinderella Valenton- Reyes.
Nagkaroon din ng wellness dance / exercise at nakiisa sa flag raising ceremony. Kabilang sa dumalo ang PNP women’s desk, Philippine Coast Guard, Women with Disability, Child Development Workers, Samahang Batanguena, VAW Desk Officers, BFP, Deped, at mga taga LGU.
Naghandog rin ang MWCC ng libreng lugaw at pa raffle.
21/02/2026
Ginanap ang unang regular na pagpupulong ng mga opisyal ng Municipal Women Coordinating Council - Agoncillo noong ika-19 ng Pebrero 2026 sa Vicente Maligalig Conference Room.
Tinalakay ang mahahalagang paghahanda lalo’t higit para sa darating na Marso, na buwan ng Kababaihan.
Ipinakita rin ang sertipikasyon galing sa Sanguniang Bayan na kumikilala sa MWCC Agoncillo bilang accredited Civil Society Organization.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Agoncillo, Batangas
Agoncillo
4211
