AdeeLine Cosmetics PH

AdeeLine Cosmetics PH

Share

I am ordinary writer, noisy but introvert.🥰❤️

WP: donnionsxx04❤️‍🔥
Dreame: Lovely Adeline🥳
Novelah: Lovely Adeline🤸

03/04/2025
03/04/2025

Chapter 1: Panaginip

ELLIEA BENESIO POV:)

Mainit na haplos ang naramdaman ko mula sa kanya. Napapahiyaw ako sa sarap tuwing pinapasok niya ang kanyang daliri sa aking kaibuturan, kasabay ng masuyong pagsipsip sa aking mga labi. Hindi ko maintindihan kung bakit nadadala ako sa bawat halik at haplos niya.

Alam kong mali, pero hindi ko magawang magpumiglas. Para akong pusang napaamo ng kanyang amo-nanghihina, hinayaan ko na lang ang sarili kong magpasakop sa kanya.

Matapos ang matinding init ng aming pagkakalapit, bumitaw siya mula sa aking mga labi. Pareho kaming hinihingal habang nakapatong siya sa akin. Tumama ang aming mga mata, at nanlaki ang akin nang makita kung sino ang lalaking katalik ko. Walang iba kundi...

****

Nagising ako mula sa tunog ng alarm clock ko. Agad kong kinuha ito mula sa ilalim ng unan at, kahit antok pa, pinatay ang nakakairitang ingay. Pabagsak kong ibinaba ang aking k**ay sa k**a habang sinusubukang burahin ang panaginip na iyon sa aking isipan.

Napahawak ako sa aking noo at napasabunot sa sarili kong buhok.

"Sa lahat ng taong pwede kong mapanaginipan... bakit siya pa? Ni hindi nga kami close!"

Bumuntong-hininga ako at minabuting bumangon. Dumaan muna ako sa k**a ng anak kong mahimbing pang natutulog at hinalikan siya sa pisngi bago nag-ayos para sa klase.

Pagkapasok ko pa lang sa classroom, napansin kong wala pang tao sa loob. Lahat ng upuan ay bakante, at tila ako na naman ang pinakaunang dumating ngayong linggo. Oo, may pasok kami tuwing Linggo.

Third-year college na ako sa kursong Bachelor of Physical Education (BPED)--night shift! Ang klase namin ay tuwing Lunes hanggang Huwebes, mula 5:30 PM hanggang 8:30 PM, at Linggo naman ang whole-day class namin.

Isa ang paaralan namin sa may pinak**alaking populasyon ng estudyante dito sa Bicol, may higit-kumulang limang libong naka-enroll. Kahit pampubliko ito, kilala na rin dahil sa dami ng estudyante-o sabihin na nating, dahil walang tuition fee. Isa rin ito sa iilang paaralan na nag-aalok ng day shift at night shift classes, kaya karamihan sa mga estudyante rito ay working students.

Tahimik akong pumasok sa silid.

Hindi pa ako nakakaapat na hakbang nang mapatingin ako sa harapan. May pumasok sa kabilang pinto-nagtagpo ang aming mga mata, parehong nagulat sa hindi inaasahang pagkikita.

Himala! Sa unang pagkakataon, maaga siyang pumasok.

Ngunit, gaya ng nakasanayan, mabilis siyang bumawi. Para bang wala lang nangyari, agad niyang iniwas ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang upuan. Nonchalant, as always.

Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na naupo.

Kinuha ko ang cellphone ko at isinuot ang earphones. Sinimulan kong mag-scroll sa Facebook habang hinihintay ang pagdating ng iba pa naming kaklase.

Lumipas ang sampung minuto, at dumating na rin ang mga kaibigan ni Mr. Nonchalant. Napatingin ako mula sa likuran dahil sa ingay nila.

"Brother!" sabay-sabay nilang bati, kasabay ng pamilyar nilang hand sign.

Isa sa kanila, si Rouie, ang medyo close ko. Payat siya, matangkad, at may porselanang kutis. Sa itsura, pwede na-chariz!

"Hi, Ate! Good morning!" bati niya sa akin.

Nginitian ko siya. "Good morning!"

"Ate, meron ka na bang activity para sa first subject?" tanong niya.

"Oo, meron na."

"Patingin nga?" singit naman ni Diego, isa sa mga kaibigan niya.

Kinuha ko sa bag ang activity ko na kaka-print ko lang kahapon at iniabot sa kanila. Agad silang nagtipon-tipon para pag-aralan ito.

"Ganyan pala..." sabay-sabay nilang tango.

"Pahiram muna, Ate, ah?" sabi ni Rouie.

"Sige lang," sagot ko.

Unti-unti nang dumating ang ibang kaklase namin, kabilang ang grupo ng mga estudyanteng pinakaayaw ko.

"Whutta fck, beh! Sigurado ka?!"

"Oo nga! Iyon nga ang chikka ni beh sa akin!"

"Kadiri naman, beh! Di na nahiya!"

"Yaks! Kadirdir!"

"Eww!"

Sabay-sabay silang humagalpak sa tawa.

Napailing ako at mas piniling balewalain sila. Ipinagpatuloy ko na lang ang panonood ng reels sa Facebook.

Ngunit nagulat ako nang may biglang malakas na tumapik sa balikat ko.

Lumingon ako, at nakilala ko naman ang taong may gawa iyon.

"Beh! Tama na kaka-COD!" Nakangiting bati agad sa akin ng kaibigan kong si Fyanne. Katulad ko, isa rin siyang ina—may asawa at isang anak. Pareho kaming returnee noong second year, kaya naman agad kaming nagkasundo.

Si Fyanne? Kasal na. Ako? Hindi pa namin alam ng boyfriend ko kung kailan kami magpapakasal. Siguro, kapag medyo maayos na ang buhay namin at may naipon na. Sa ngayon, siya lang ang nagtatrabaho habang ako ay nag-aaral.

Umupo siya sa tabi ko, kaya mabilis kong inalis ang bag kong nakalagay roon at inilagay na lang sa likuran ko.

"Nakagawa ka na ba ng activity kay Ma'am Nasayao?" tanong ko.

"Oo, pina-print ko na sa labas. Kay Rorenz ako nagpasuyo," sagot niya. "Be, gusto mo? May dala akong almusal."

Nanlaki agad ang mga mata ko. "Talaga?! Pahingi?!"

Dahil sa bugso ng damdamin, hindi ko namalayan na napalakas ang boses ko, dahilan para mapatingin sa akin ang ilang kaklase ko. Tahimik silang nagtinginan, kita sa mukha nila ang inis at pagkainis—lalo na ang grupo ng mga taong hindi ko naman kasundo.

Hindi ko na lang sila pinansin. "Gutom na ako, di pa ako nag-aalmusal," dagdag ko na lang, sabay ngiti.

Kinuha ni Fyanne ang baunan sa bag niya at inilabas iyon. Nang makita ko ang laman—mga prinitong kamote—napangiti ako.

"Thank you, be!" sabi ko bago agad kumain. Sarap na sarap ako habang nilalantakan iyon.

"Wow, penge!"

At, speaking of the devils, dumating na ang mga kaibigan naming boys—ang tunay na circle of friends namin.

Kanya-kanya silang kuha sa dala ni Fyanne at agad na nilantakan iyon. Pero bago ang lahat, hindi nila kinalimutang makipag-fist bump sa amin. Ang swerte namin dahil may mga kaibigan kaming laging nandiyan, kahit sa simpleng tulungan lang sa school.

"Ate Fyanne, ang tigas naman ng kamote mo," pabirong sabi ni Dean, na katabi ko nang maupo.

Humagalpak kami ng tawa.

"Bws*t ka, Dean!" sigaw ni Fyanne, kunwari ay galit.

"Joke lang!" sabay tawa nito.

"Ate Fyanne, ito na 'yung pinapa-print mo. Libre ko na," sabat ni Rorenz, sabay abot sa kanya ng papel.

"Salamat, kapatid!" sagot ni Fyanne bago lumingon sa akin. "Be, bait naman ng anak mo."

Si Rorenz kasi ang pinakabata sa grupo, kaya parang anak ko na rin.

"Sana all, anak, mayaman!" pabiro kong sagot. "Ikaw, Hagorn? Napa-print mo na ‘yung sa’yo?" tanong ko naman kay Herbert, isa pa naming kaibigan.

"Okay na, ate. Salamat po," sagot niya mula sa unahan namin, kung saan nakaupo siya katabi ni Rorenz.

Biglang may dumating pa.

"Wow? May pa-foods pala kayo..."

At dumating na nga ang pinaka-leader, pinaka-kuya, at—pinaka-matampuhin sa amin.

Si Kuya Raven.

Dumaan siya sa harapan namin at dumiretso sa upuan niya, katabi ni Fyanne.

"Kuya, kuha na! Nahiya ka pa!" pabirong sabi ni Rorenz, sabay abot sa kanya ng baunan.

"Very good! Dapat binibigyan ako. Ayaw ko, ako pa mismo ang kukuha," sagot naman ni Kuya Raven bago kinuha ang isa sa mga prinitong kamote. Pareho kaming tatlo nila Fyanne at Kuya Raven na returnee noong 2nd year. Huwag na magtataka bakit close kami kaagad.

****

"Saan tayo kakain?" tanong ni Rorenz pagkalabas namin ng room.

"Sa dati ba?" sagot ko.

"Kayo?"

Kumibit-balikat na lang ako. "Tanungin na lang natin sila."

Bigla akong napatigil nang kalabitin ni Fyanne ang likuran ng damit ko. "Wait, be! Hintayin natin ‘yung tatlo!" pigil niya.

Sabay kaming lumingon ni Rorenz. Mula sa bintana ng room, natanaw namin ang tatlo naming kaibigan kasama ang dalawa pa naming kaklase. Nagchi-chismisan pa sila sa loob, pinag-uusapan ang gagawin nilang activity para sa third subject mamaya—magka-miyembro kasi sila sa group work.

Habang naghihintay, sumandal ako sa railings sa hallway, tumalikod, at tumanaw sa labas. Mula rito, tanaw na tanaw ang napakagandang view ng Bulkang Mayon. Nasa third floor lang naman ang room namin—kinaiinggitan ito ng mga estudyanteng nasa unang at ikalawang palapag. Madalas itong puntahan ng iba para mag-selfie o may mai-myday lang.

Napapikit ako nang maramdaman ang malakas na simoy ng hangin. Ramdam ko ang bawat hampas nito sa balat ko, halos mag-wave pa ang medyo mahaba kong buhok. Dahil doon, nagulo ang cute kong bangs, kaya mabilis ko iyong inayos.

Napatingin ako sa kaliwa. May isang grupo ng mga lalaki na nagtitipon at nagtatawanan. Sino pa ba sila? Siyempre, ang mga "boys at the back"—ang tropang nasa likod namin sa classroom. Hinihintay din nila si Rouie, na miyembro pala ng group ni Kuya Raven.

Sa kak**asid ko sa kanila, biglang dumapo ang tingin ko sa isa nilang kasama. Hindi sinasadya, nagtama ang mga mata namin. Agad nawala ang ngiti niya at napakunot-noo pa siya bago ako pasimpleng inirapan.

Sino pa nga ba iyon? Si Lyle Schiechorst—ang matalinong nonchalant at rich kid sa room namin. Ang ganda ng apelyido niya, parang pang-Hollywood! Pero hindi ko siya close. Ang alam ko lang, laging salubong ang kilay niya at piling-pili lang ang kinakausap. Dahil doon, tinagurian siyang "Nonchalant" sa klase.

Alam kong ayaw niya sa akin. Siguro kasi ang ingay ko? O baka career niya lang talaga ang pagiging nonchalant niya?

Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi. Mabilis nag-flash sa utak ko ang isang scenario—isang lalaking pamilyar ang nakatitig sa akin na puno ng… pagnanasa?

What the—?!

Mabilis kong iniling ang ulo ko para mawala iyon.

Sa dami ng taong kilala ko, bakit siya pa ang napaginipan ko? Ni hindi nga kami nag-uusap! Ang weird! At parang… parang sobrang lapit ng mukha niya sa akin sa panaginip.

Yaks! Ang creepy! Parang bigla akong nagka-kasalanan sa boyfriend ko dahil sa nakakailang na panaginip na iyon.

"Tara na! Tara na!"

Bumaling ako sa likuran ko. Nakalabas na ang mga baliw naming kaibigan.

Mabilis akong inakbayan ni Fyanne, sabay-sabay na kaming naglakad.

"Saan tayo?" tanong ulit ni Rorenz. Gutom na talaga ang anak ko.

"Sa dati na lang!" sagot ni Kuya Raven.

"Tara! Tara!"

Sabay-sabay kaming bumaba, handa na para sa susunod na adventure ng araw namin---ang kumain.

****

"Binigyan ko na kayo ng topic at bahala na kayong mag-usap-usap at maghati ng ire-report ninyo. Kayo na rin ang pumili ng leader at secretary ng grupo ninyo."

Boses ng teacher namin sa Third Subject.

Kanya-kanya na kaming pwesto ng mga kaklase ko ayon sa napag-grupuhan namin. Watak-watak kami ng tropa ko dahil nag-counting kami ng 1-6, at sakto—napunta ako sa Group 4.

Hindi ko alam kung minamalas ba ako o sinubok lang ng tadhana, pero napunta ako sa grupong hindi ko naman ka-close. Worse, nandito pa ang ilang may atraso sa akin.

"Sino ang magiging leader?" panimula ni Adie—isang bakla, at sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang pinagpala sa lahat… ng masasamang ugali. Oo, enemy kami. May dahilan kung bakit kami magkaaway, at isa siya sa mga dahilan kung bakit bumalik ulit ang trauma at anxiety ko.

Tahimik ang buong grupo. Wala ni isang gustong sumagot. Ako naman, nakatitig lang sa ibang direksyon, pilit iniiwasan ang kahit anong eye contact.

"Okay, dahil nahihiya kayo, si Lyle na lang ang leader at ako na lang ang secretary," sabi ni Adie, may bahid ng kaartehan sa boses.

"Luh?! Pala-desisyon?!" Napairap na lang ako sa isip ko.

"Payag kayo? Baka may magreklamo-reklamo na naman d’yan ah!" sabay tirik ng mata.

"Wow. That shading. Tss!" Pinipigilan kong mapa-react. Napaka-immature talaga niya! Pero kapag ginantihan mo siya, daig pa niya ang sinaktan nang wala namang ginawa.

Bumaling siya kay Lyle, ang lalaking tahimik lang sa tabi ko. "Lyle, okay lang ba sayo na ikaw na ang leader?" Nagpapacute pa siya. Napaka-papansin!

Pero gaya ng inaasahan, seryoso lang ang mukha ni Lyle. Walang bakas ng emosyon.

"Sige lang." Sagot niya, diretso, walang pag-aalinlangan.

"So, okay na. Kami na ni Lyle ang bahala sa paghahati ng report. I-send na lang namin sa GC. Sino pwedeng gumawa ng GC?"

"Ako na lang," prisinta ni Bea.

"Okay, ikaw na bahala mag-add ng members, Bea."

"Noted." Nag-okay sign pa siya.

Matapos noon, nagsitayuan na kami para ayusin ang mga upuan.

Sa pag-aayos ko ng upuan ko, napansin ko si Lyle—halatang nahihirapan siyang buhatin ang kanya. Dali-dali akong lumapit at sinalo iyon.

"Ako na," sabi ko, sabay kuha ng upuan mula sa kanya at inayos ito sa tamang pwesto.

Nagulat siya sa ginawa ko.

"Thank you." Walang ekspresyon, pero ramdam kong genuine ang pasasalamat niya.

Tumango lang ako bago tumalikod.

Hindi ko naman talaga siya close, pero naawa lang ako. Hindi kasi siya masyadong nakakabuhat ng mabigat dahil sa paa niya. Medyo pahika-ika siyang maglakad, at ang sabi-sabi, kailangan niya ulit operahan ang paa niya. Ibig sabihin, inoperahan na siya noon.

Pagkaupo ko, biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa bag.

Pagkakuha ko, sunod-sunod na text messages ang bumungad sa akin. Galing kay live-in partner ko.

Binasa ko ang mga mensahe niya. Napakunot-noo ako.

****

Lunes na naman!

Sana Huwebes na bukas.

Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga.

Gusto ko na rin makasama at makabonding nang matagal ang anak kong si Adeliea. Palagi na lang siyang naiiwan sa bahay kapag pumapasok ako sa school.

Pero wala akong magagawa. Kailangan kong magsakripisyo, gaya ng ginagawa ng asawa ko. Siya ang nagtatrabaho para sa amin—siya rin ang nagpapaaral sa akin. Kaya hindi ko sasayangin ang tiwala at pagmamahal niya… sa amin ng anak ko.

Pagdating ko sa room, wala pa ring ibang tao.

Tinignan ko ang relo ko. 4:00 PM pa lang. 5:30 pa ang klase namin.

Wala pa ring pagbabago—ako na naman ang naunang dumating.

Sa dating gawi, umupo ako at nagpahinga saglit bago nag-CR.

Pagbalik ko sa room, may dalawa nang tao—si Bea at si… Lyle?

Himala! Maaga na naman siya.

Nakaupo siya sa sulok, may suot na headphones habang abala sa pagta-type sa laptop. Sa lap niya, may nakapatong na yellow paper—mukhang may sinusulat din siya.

Tahimik akong naglakad pabalik sa pwesto ko. Pero bago pa ako makaupo—

Nahulog ang yellow paper niya.

Agad akong yumuko para damputin iyon, pero bago pa ako makuha ang papel—

Yumuko rin si Lyle.

Nagkasabay kaming abutin iyon, at hindi sinasadyang magdikit ang k**ay namin.

Sabay din naming inangat ang ulo namin.

Nagkatitigan kami.

At sa sandaling iyon, parang huminto ang oras.

Chapter 2: Lihim

ELLIEA BENESIO POV:)

Pagkatayo ko, inunahan na ako ni Lyle sa pagsungkit ng yellow pad niya mula sa k**ay ko.

"Salamat," maikli niyang sabi, pero ni hindi man lang tumingin sa akin.

Napakunot ang noo ko. Anong problema niya?

Totoo nga ang sinasabi nila. Hindi lang siya tahimik—suplado at bastos pa! Akala mo naman sobrang bigat ng utang na loob niya para hindi man lang makatingin habang nagpapasalamat.

Okay, Elliea, ‘wag mo nalang pansinin.

Alam ko namang isa rin siya sa mga kaklase naming hindi ako trip. At bakit nga ba ako palaging mabait sa mga taong obvious namang ayaw sa akin?

Baka kasi hindi ko sila kasing age kaya iba ang takbo ng utak nila. O baka naman, masyado ko lang talagang pinapansin ang mga bagay na hindi naman big deal.

Kibit-balikat akong bumalik sa upuan ko at kinuha ang cellphone sa bag. Pero habang ginagawa ko ‘yun, napatingin ulit ako kay Lyle.

Tahimik siyang nagta-type sa laptop niya, pero mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya.

Allergic ba siya sa tulong?

Ayaw ba niya talaga na may nakikialam sa gamit niya?

Kung ganun, sana sinabi niya agad! E ‘di sana hinayaan ko na lang siyang yumuko at pumulot ng basura niya!

Suplado! Porket mayaman? Porket sosyal ang germs niya? Nakakahiya naman sa germs kong alipin!

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya ng matalim habang kinukurse siya sa isip ko.

Hanggang sa...

Nagtagpo ang mga mata namin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Paktay!

Mabilis akong nag-plastic smile, tipong "Hala, ang ganda ng mundo! Wala lang ‘to!" para hindi niya mahalata na kanina ko pa siya sinusumpa sa isip ko.

Kumunot lang ulit ang noo niya bago niya ako iniwasan at bumalik sa ginagawa niya.

Lakas talaga ng amats ng lalaking ‘to! Tsk!

"Fyanne!" Napalakas ang tawag ko nang makita kong pumasok ang kaibigan ko.

Paktay!

Ramdam ko ang ilang maiiritang tingin mula sa iba naming kaklase. Napansin na naman nila ang pagiging natural kong attention-seeker.

"Sige, lakasan mo pa! Paabutin mo sa Bulkang Mayon," sarkastikong sabi ni Bea.

Natawa na lang ako nang mahina at pinigilan ang sarili ko sa paghagalpak.

Naupo si Fyanne sa tabi ko at agad kong hinatak ang bag niya.

"May dala ka na namang grasya? Labas mo na, kanina pa nagugutom ang mga gummy worms ko," sabi ko habang walang habas na hinahalungkat ang laman ng bag niya.

"Wala! Mahirap ako ngayon," irap niya.

Sinilip ko ang loob ng bag niya. Walang laman.

Tsk! Nganga na naman ako ngayon.

****

"Lyle?" tawag ko.

Tumigil agad sa kwentuhan ang mga kaibigan niya. Agad siyang lumingon sa akin, seryoso ang mukha, parang palaging walang gana sa mundo.

"Yung sabi mo kanina, bukas na agad gagawin yung activity?" tanong ko.

May group activity na naman kasi kami, at malas—o swerte?—naka-grupo ko na naman siya. At syempre, siya na naman ang leader.

Tumango lang siya nang tipid at agad na bumalik sa barkada niya. Pero hindi pa ako tapos.

"Hindi ko kasi alam yung lugar niyo. Hindi ko kabisado ang Legazpi," amin ko.

Yes, sa bahay nila Lyle kami gagawa ng activity—isang DIY volcano project.

"Taga saan ka ba, te?" singit ni Rouie, isa sa mga ka-grupo namin.

"Camalig."

"Saan sa Camalig?"

Sinabi ko naman ang eksaktong barangay.

"Magkalapit lang pala tayo, ate! Sabay ka na lang sakin," alok niya.

Thank you, Lord! At least, hindi ako mag-iisa.

"Talaga? Salamat!"

Sa sobrang tuwa, napalakas na naman ang boses ko—at ayan na naman ang mga tingin ng mga kaklase ko. Ako na naman ang maingay at OA. Hmp!

Umupo na lang ako pabalik sa tabi ni Fyanne. Pagkaupo ko, agad niyang ipinulupot ang braso niya sa akin.

"Kila Lyle daw kayo gagawa?" tanong niya.

Tumango ako. "Kayo?"

Hindi kami magkasama sa grupo. Watak-watak na naman kaming magkakaibigan dahil si Ma’am mismo ang nag-groupings.

"Be, maganda daw bahay nila Lyle," pabulong niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. "Ha? Sino nagsabi?"

"Si Diego."

Naalala kong magka-grupo sila sa activity na 'to dati.

"Ah…" patango-tango kong sagot.

Maya-maya, pasimpleng sumulyap si Fyanne sa direksyon nila Lyle, kaya napatingin din ako.

Eksakto namang lumingon siya sa amin, kaya nahuli niya akong nagnakaw ng tingin. Mabilis akong umiwas at binaling ang atensyon ko ulit kay Fyanne.

"Na ano?" bulong ko.

Lumapit siya sa akin at lalo pang binaba ang boses. "Napakayaman daw ng pamilya ni Lyle. Tapos transferee lang daw siya dito sa school natin."

"Transferee?!" bulalas ko.

Mabilis akong tinakpan ni Fyanne. "Sshh! Ang lakas mo talaga!"

Natawa lang ako nang mahina.

"Architecture daw dati ang course niya," dagdag niya.

"Architect? Wow! Sayang naman. Bakit lumipat siya sa Education?"

Mas lalo siyang lumapit sa akin. "Varsity player daw dati si Lyle sa Manila, sa De La Salle…"

"D-De La Salle?!" napalakas na naman ang boses ko.

Mabilis akong tinakpan ulit ni Fyanne. S*t!

Nang tuluyan na niya akong binitiwan, bumulong ulit siya, pero ngayon, mas seryoso ang tono niya.

"Tapos, may nangyari… kaya siya napilitang lumipat."

Napakunot ang noo ko. "Ano nangyari? Bakit bagsak ni Manila boy dito sa school natin?"

Lumapit siya sa akin at bumulong ng isang bagay na nagpatayo ng balahibo ko.

Nanlaki ang mata ko.

Grabe! Kung totoo ‘yon… hindi lang siya basta suplado. May mabigat siyang pinagdadaanan.

****

Kanina pa ako nakatitig sa screen ng cellphone ko, paulit-ulit na nire-refresh ang chat sa messenger. Ang sabi kasi, gagawa sila Lyle ng group chat namin, pero alas nuwebe na ng gabi—wala pa rin. Magpapaalam sana ako kung puwede kong isama ang anak ko bukas.

"Mommy?" tawag ng anak ko.

"Yes, baby? Sleep na tayo," sagot ko, sabay inilapag ang cellphone at humiga sa tabi niya.

Mahigpit niya akong niyakap.

"Good night, Mommy," aniya.

"Good night, baby. Tandaan mo palagi, mahal na mahal kita," sagot ko bago siya hinalikan sa noo.

Lalo pang humigpit ang yakap ng anak ko bago ipinikit ang kanyang mga mata.

Habang natutulog siya, dahan-dahan kong kinapa ang ulunan ko para hanapin ang cellphone ko. Nang mahawakan ko na ito, agad kong chineck kung may update na sa group chat—wala pa rin. Napagpasyahan kong i-chat na lang si Lyle nang direkta.

Elliea: Good evening! Lyle, may itatanong lang po sana ako.

Pagkatapos ng ilang segundo, nakita kong seen agad ang chat ko. Bigla akong kinabahan nang makita kong in typing… siya. Pero sa tagal niyang nagta-type, isang "like" lang pala ang isinagot niya.

"Whutta!" napabulong akong sarkastikong napatawa.

Nag-reply ako ulit.

Elliea: Kung puwede ko sanang isama si bebe bukas. Wala kasing magbabantay at wala akong mapag-iiwanan. Kung okay lang sa’yo?

Mabilis niya itong sinend, pero hindi agad nag-reply. Sampu… labinlima… dalawampung segundo na akong naghihintay.

"Ayaw siguro niya?" bulong ko sa isip ko.

Kung ayaw niya, sabihin na niya agad! Nakakainis kapag seen lang.

Dahil sa inis, ipinatong ko na lang ulit ang cellphone sa unan ko at pumikit na para matulog.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Mabilis ko itong kinuha at binasa ang message niya.

Lyle: K.

Sa isang simpleng letra, alam ko na ang sagot niya. Pinapayagan niya akong isama si bebe. Mabuti naman.

Sa wakas, makakatulog na rin ako.

---

Kinabukasan...

"Mommy, punta tayo kay Daddy?" inosenteng tanong ng anak kong si Analleia, na kaka-apat na taong gulang lang noong isang taon.

Lumuhod ako sa harap niya at inayos ang kanyang damit.

"Hindi, baby. Pupunta tayo sa bahay ng classmate ni Mommy," sagot ko.

"May Elsa doon? Olaf? Anna? Kristoff?"

Napatawa ako sa tanong niya. Minu-minuto, puro Frozen ang iniisip niya. Pati kulay ng pananamit niya, gusto niya palaging blue—kaya ngayon, naka-blue siya mula ulo hanggang paa.

"Ewan ko, anak. Tingnan na lang natin," natatawang sagot ko.

Biglang may tumigil na motor sa tapat namin. Pag-alis ng rider ng kanyang helmet, napansin kong si Rouie pala iyon.

"Oh? Rouie!" gulat kong sambit.

"Sakay na, ate," yaya niya.

"Wait, akala ko magko-commute tayo? Akala ko magkikita na lang tayo sa bayan?" tanong ko.

"Ah? Hindi ko ba nasabi sa’yo na magmo-motor tayo?" nagtatakang sagot niya.

"Hindi! Wala kang sinabi!" sarkastiko kong tugon.

Tumawa lang siya ng mahina. "Kasama mo si bebe?"

"Oo. Nagpaalam ako kagabi kay Lyle, pumayag naman siya."

Bigla siyang natigilan, bakas sa mukha ang gulat.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Paano ‘yan? Hindi kami puwedeng sumabay sa’yo. Wala siyang helmet," sabi ko.

"Okay lang, teh. Daan tayo sa bahay nila Tita, hihiram tayo ng helmet para kay bebe."

"Sige, sige."

Matapos makuha ang helmet, sumakay na kami ng motor at bumiyahe na papunta kina Lyle.

---

Nang makarating kami, tumigil kami sa harap ng isang napakalaking gate. Napatingin ako sa paligid—puro malalaking bahay at magagarang sasakyan ang nakaparada. Hindi ko alam kung subdivision ba ito o isang barangay na puro mayayaman ang nakatira.

Pinindot ni Rouie ang doorbell. Ilang saglit lang, bumukas ang gate at isang guard ang sumalubong sa amin.

"Classmate po kami ni Lyle," sabi ni Rouie.

"Pasok kayo."

Habang papasok kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa engrandeng fountain sa harapan ng bahay at sa napakaraming sasakyan sa driveway.

Isang maid ang lumapit sa amin.

"Sumunod kayo sa akin. Kanina pa kayo hinihintay ni Senyorito," sabi nito.

Napatingin ako kay Rouie. Senyorito?

Umakyat kami sa hagdan hanggang makarating sa isang study room.

"Hintayin n’yo na lang po si Senyorito rito," wika ng maid bago kami iniwan.

Naupo kami sa sofa, habang si bebe naman ay nag-umpisang maglikot.

"Anak, huwag kang mangialam ng gamit, baka may mabasag ka," paalala ko.

"Otey, Mommy!" sagot niya, sabay baling ulit sa panonood ng Cocomelon sa cellphone ko.

"Ang yaman pala talaga nila Lyle. Nahiya tuloy ako," bulong ko kay Rouie.

"Oo nga, ate. Ganyan din ang reaksyon namin ni Diego noong una kaming pumunta dito," sagot niya. "Hindi namin alam na anak pala siya ng—"

Bigla siyang natigilan at mabilis na tinakpan ang bibig.

Halata sa mukha niya na muntik na siyang madulas. May alam siya tungkol kay Lyle, pero mukhang hindi niya puwedeng sabihin. Hindi ko na lang siya pinilit.

Hindi nagtagal, bumukas ang pinto, at pumasok ang bagong ligong si Lyle.

---

Tulong-tulong kaming tatlo sa paggawa ng bulkan, habang si bebe naman ay nakahiga sa sofa, abala sa panonood ng Cocomelon. Kaming tatlo lang ang gumagawa dahil ang isa naming kagrupo ay absent.

"Lyle, dapat lagyan natin ng palayan dito para maging realistic," suhestiyon ni Rouie.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Sige," tipid na sagot ni Lyle.

Maya-maya, tumunog ang cellphone ni Rouie. Pagkabasa niya sa natanggap na message, bigla siyang tumayo.

"Lyle, susunduin ko muna si Mama. Nasa Daraga siya ngayon, samahan ko raw muna siya sa ospital. Magpapa-check-up lang siya. Babalik din ako kaagad," paalam niya.

"Sige," walang emosyon na sagot ni Lyle. Tumayo siya at hinatid si Rouie palabas.

Iniwan niya akong mag-isa sa study room. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa namin. Ilang minuto ang lumipas, bumalik si Lyle.

Sa pagbukas ng pinto, nagkatinginan kami.

Bigla, parang may nagbago sa ihip ng hangin.

Chapter 3: Champorado

ELLIEA BENESIO'S POV

Tahimik kaming dalawa ni Lyle. Kanina pa. Ramdam ko ang malamig na hangin sa loob ng kwarto, pero mas malamig ang namamagitan sa amin—isang hindi maipaliwanag na hiya at pagka-ilang.

Hindi kami close. Hindi rin kami sanay na mag-usap nang matagal.

O baka dahil ngayon lang kami naiwan na kaming dalawa lang. Well, tatlo pala—kasama ang anak ko.

Pinagmasdan ko siya saglit. Mukhang hindi rin siya komportable.

"Lyle?" tawag ko, habang pareho kaming nakaupo sa sahig.

Nagulat siya. Sa sobrang kaba, nabitawan niya ang cellphone niya at tarantang pinulot ito bago bumaling sa akin.

"Huwag kang mahihiya sa akin," aniya ko, pilit pinapakalma ang awkwardness. "Ako dapat ang mahiya sa'yo kasi pamamahay mo 'to—"

"H-Hi-hindi! Hindi, okay lang," nauutal niyang sagot. Pero halata ko ang pamumuo ng pawis sa kanyang ilong. Kita ko rin ang bahagyang panginginig ng k**ay niya habang hawak ang cellphone.

Napatingin ako sa mukha niya. Bigla siyang dumilat-dilat, halatang kinakabahan.

Dahil doon, natawa ako. Hindi ka raw nahihiya, ha?

"Para maging komportable tayo, may itatanong ako sa'yo," aniya ko, iniisip kung paano basagin ang tensyon. "What is matter?" tanong ko bigla. Subukan nga natin kung matalino siya.

Napakunot-noo siya. "M-Matter? Science?"

Tumango ako, hindi ko pinahalata na amused ako.

"M-Matter is anything that occupies space and has mass," sagot niya.

Sus! Naka-chamba lang ‘yan!

"What is the hardest natural substance on earth?" sunod kong tanong, ngayon ay mas seryoso na ang tingin ko sa kanya.

"Diamond," mabilis niyang sagot.

Lah?

Very good! Isa pa nga...

"What is the only letter that does not appear on the periodic table?"

Tingnan natin kung masasagot mo ‘to.

Matagal siyang nag-isip. Pero maya-maya, napangisi siya nang pilyo—parang sigurado siya sa sagot niya.

"J and Q," sagot niya, diretso ang tingin sa akin.

W-WHAT?!!

Seryoso? Nasagot niya ‘yon? Ni mga kaibigan ko hindi ‘yan nasagot noon, pero siya?

Okay, okay. 75% na ang bilib ko sa katalinuhan mo. Last question na. Tingnan natin kung unique ang sagot mo.

"If you could choose to forget certain memories, what would it be?"

Napatigil siya.

Bigla siyang naging seryoso. Napatingin sa ibaba, para bang may biglang bumigat sa dibdib niya.

Ilang segundo pa, ipinikit niya ang mga mata at humugot ng malalim na hininga.

"If I had the chance to forget certain memories, I would choose not to," aniya, may lakas-loob sa tinig. "Every experience, whether joyful or painful, has shaped me into the person I am today. Challenges make us stronger, failures teach us resilience, and even heartbreaks remind us of our capacity to love. Instead of erasing memories, I would embrace them as stepping stones toward growth, wisdom, and compassion. Because true beauty is not in a flawless past, but in a heart that has endured, learned, and continues to shine."

Tahimik ako.

Hangang-hanga, pumalakpak ako kaagad.

Hindi ko namalayan, naka-nga-nga na pala ako habang sumasagot siya. Wala akong masabi!

Para akong judge sa beauty contest at ang sagot niya ang pinaka-nakabilib sa akin.

It's a 100% yes na! Siya na talaga—Lyle Schiechorst!

Mabilis kong inilapat ang k**ay ko sa kanya, may malaking ngiti sa mukha ko.

"Ako si Elliea Benesio, kaklase mong OA at papansin," aniya ko, sabay abot ng k**ay ko sa kanya. Napakunot-noo siya.

"I-I'm Lyle," sagot niya.

Sinenyasan ko siya gamit ang mata ko. Mukha siyang naguguluhan sa gusto kong ipagawa sa kanya. Kaya, para hindi na tumagal pa, kinuha ko ang k**ay niya at kinamayan ko ito.

"Okay na. Kilala mo na 'ko, kilala na rin kita. Alisin na natin sa atmosphere ang awkwardness, okay?" natawa ako. "Saka huwag kang matakot sa akin. Parang ate mo lang naman ako e."

"Ate?" nagtatakang tanong niya, bahagyang kunot ang noo.

"Oo, parang ate mo na ‘ko. May anak at asawa na ako," sagot ko, pero napansin ko ang reaksyon niya—parang hindi siya sang-ayon. "Bakit ganyan mukha mo? Ilang taon ka na ba?"

"25," sagot niya, kalmado.

"Oh! 25 ka pala, edi ate—wait, what?!" bulalas ko. "Bente singko ka na?! Seryoso?!!"

Nakangiting tumango siya.

"Weeh? 25 ka na talaga?"

"Oo nga," sagot niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

"Naku, naku! Huwag mo ‘kong pinagloloko diyan!"

Tumawa siya. "Totoo nga! Magkasing edad lang tayo."

"Bwisit ka! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" sabay palo ko sa braso niya. "Lintik na ‘to! Kung nalaman ko lang na magka-level age lang tayo, hindi kita papayagang tinataray-tarayan ako ng ganyan!"

"A-Ako? Nangtataray?" natatawang tanong niya, tinuturo ang sarili.

"Oo! Hindi lang nangtataray, nagsu-suplado ka pa!" reklamo ko. "Sarap mong tirisin e!" Napalakas tuloy boses ko sa inis.

Tumawa lang siya, mas lalo akong nainis.

"Alam mo, okay lang sa akin kung babae o bakla ang uma-attitude sa akin. Pero pag lalaki? Iba! Mas masakit pala!" nagtaas pa ako ng k**ay, parang may sinasaksihan na.

Nahihiyang kinamot niya ang ulo niya. "Pasensya na kung nagawa ko ‘yon. Sa totoo lang, ayaw ko sa'yo—"

"Sus!" sabay hampas ko ulit sa kanya. "Okay lang! Immune na ako diyan. At saka alam ko naman kung bakit ayaw sa akin ng iba. Dahil sa maingay at malakas boses ko, 'di ba?"

Parang inosenteng bata siyang tumango.

"P-Pero nung una lang ‘yon," dagdag niya, sabay wave ng k**ay niya na parang pinapawi ang tension.

Hindi ko napigilan ang tawa ko.

Mas naging totoo siya sa harapan ko ngayon. Hindi na siya ‘yung usual na suplado at tahimik. Ito ang Lyle na gusto kong makilala.

"P-Pero ngayon..." tumigil siya bigla sa pagsasalita.

"Ngayon?"

Tinitigan ko siya, hinihintay ang sasabihin niya.

Nanatili siyang nakatitig sa akin, parang nagdadalawang-isip kung magsasalita pa. Maya-maya, napalunok siya ng laway. Namula ang mukha niya.

Napatitig ako sa gilid ng kanyang tainga. May maliit siyang sugat doon, at mukhang sariwa pa dahil may bahagyang dugo.

Dahan-dahan kong itinaas ang k**ay ko para hawakan sana ang pisngi niya nang—

Biglang yumakap sa akin ang anak ko.

"Mommy, gutom na ako."

At doon, naputol ang moment na hindi ko alam kung anong naging ending.

*****

Habang pinapanood kong sarap na sarap si Adaliea sa pagkain ng champorado, hindi ko maiwasang mapangiti. Si Lyle ang kumuha ng pagkain para sa kanya, at mukhang natumbok niya ang paboritong pagkain ng anak ko. Tuwing subo ni Adaliea, napapatalon siya sa tuwa sa sofa.

"Sarap!" bulalas niya habang ngumunguya.

"Anak, upo lang nang maayos. Huwag kang tumatalon habang kumakain," saway ko nang malambing.

Agad namang sumunod si Adaliea, kaya itinuloy ko ang pagsubo sa kanya. Tahimik na bumalik si Lyle sa paggawa ng DIY volcano namin, pero naramdaman kong may gusto siyang itanong.

"Ilan taon na siya?" tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa ginagawa niya.

"Kaka-apat na taon lang niya last year," sagot ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.

"Ang tangkad niya para sa edad niya. Parang nag-aaral na sa elementarya."

Napatawa ako. "Mana sa papa niya. Matangkad rin kasi."

Muling tumahimik saglit, pero maya-maya, nagtanong ulit siya.

"Nasaan ang asawa mo? Ano trabaho niya?"

Napalingon ako sa kanya. "Nasa Maynila, sa Quezon. Isa siyang construction worker," sagot ko sabay subo ulit kay Adaliea. "Siya ang nagpapaaral sa akin."

Saglit siyang tumigil sa ginagawa at tumingin sa akin, tila iniisip ang sagot ko. Hindi ko na iyon pinansin at binalik ang atensyon sa anak ko.

"Ikaw naman, ilan kayong magkakapatid?" tanong ko, gustong ipagpatuloy ang usapan.

"Dalawa," sagot niya agad.

"Babae o la—"

"Lalaki," mabilis niyang sagot, para bang alam na niya ang itatanong ko.

Tumango ako. "Ako kasi, only child kay Mama at Papa, pero kung isasama mo 'yong iba pa, bale apat kami."

Napakunot-noo siya. "A-apat? Anong ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat ako. "May isang kapatid ako kay Mama at dalawa kay Papa. Lahat sila nauna. Ako ang pangalawa, pero..." Saglit akong tumigil, saka mahina ngunit diretsong sinabi, "anak sa labas."

Natahimik siya. Para bang hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Hindi ko na hinayaan lumalim pa ang katahimikan, kaya iniba ko ang usapan. "Ano oras na? Bakit ang tagal ni Rouie?"

Kinuha ni Lyle ang cellphone niya at sinilip ang oras. "Mag-aalas tres pa lang. I-chat ko siya kung papunta na."

Habang nagta-type siya, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaseryoso. Ilang saglit lang, tumunog ang cellphone niya.

"Kakahatid lang daw niya sa mama niya sa paradahan, papunta na raw siya."

Tumango lang ako, hindi na nag-abalang tumingin.

Nagkaroon ulit ng katahimikan. Ramdam ko na naman ang awkwardness sa pagitan namin. Gusto kong basagin ang katahimikan, kaya tumingin ako sa kanya—sakto namang tumingin din siya sa akin.

Sabay kaming napatigil, tila parehong may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.

Natawa kami pareho at sabay umiwas ng tingin.

"Ano 'yun? Ikaw muna," sabay naming sabi.

Nagkatinginan kami ulit, parehong nagulat sa sabay na pagbigkas.

"Hindi, ikaw muna," sabay na naman naming sinabi.

Dahil doon, humagalpak na kami sa tawa. Para kaming ewan, paulit-ulit nagkakapareho ng sinasabi.

"Ano ba 'to? Hulihan ng tingin?" tawa kong sabi habang hawak na ang tiyan ko sa kakatawa.

"Oo nga e!" sagot niya habang natatawa rin.

"May gusto ka bang sabihin?"

Nagulat kami dahil sabay na naman naming sinabi iyon.

Mas lalo kaming natawa. Hindi na namin namalayan kung gaano na kalakas ang halakhakan namin—rinig na siguro hanggang labas.

Pinahid ko ang luha sa gilid ng mata ko habang patuloy sa kakatawa. "Tama na! Sumasakit na tiyan ko!"

Nakangiti pa rin si Lyle habang hinihimas ang leeg niya, tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Sa puntong iyon, naisip ko—parang unti-unting nagbabago ang dynamics namin. Kanina lang, hindi kami mapakali sa isa't isa. Pero ngayon, parang mas kumportable na kami.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan... pakiramdam ko, simula pa lang ito ng mas malalim na koneksyon.

Sa tingin ko, simula na ito nang pagkakaibigan namin.

"Mommy, subo."

Naputol ang tawanan namin ni Lyle nang biglang sumulpot ang anak ko. Sa sobrang kulit ng usapan namin, nakalimutan ko palang subuan siya.

"Last na 'to, anak. Open your mouth, ah."

"Ah..." Agad namang bumuka ang bibig niya, sabik na sabik.

Habang ngumunguya siya, kitang-kita ko ang sarap na nararamdaman niya sa pagkain.

"Gusto ko pa, Mommy," hirit niya, bitin na bitin.

"Ah? Tama na, anak, marami ka nang nakain—"

"Gusto pa ba niya?" biglang putol ni Lyle. "Papakuha ulit ako sa maid."

"Huwag na, nakakahiya," sagot ko kaagad.

"Okay lang. Sinadya ko talagang magpaluto niyan kasi paborito ng anak mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"P-Paano mo nalaman?" tanong kong curious.

Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumisi. "In-stalk kita."

Nanlaki ang mata ko. In-stalk?!

In-stalk niya Facebook ko?!

HORACIO SALVATIERRA'S POV:)

"Salamat sa pag-imbita sa amin, Racio. Sigurado akong ikaw ulit ang mananalo sa eleksyon. Sasabihan ko ang mga tao ko... at alam mo na iyon," wika ni Mr. Valderama, may kasamang ngiti.

Tinanggap ko ang pakikipagk**ay niya, ang ngiti ko'y kalkulado. "Salamat sa patuloy mong pagtitiwala. Huwag kang mag-alala, hangga't ako ang nakaupo, tuloy ang negosyo nating lahat."

"Asahan mong totoo ako sa'yo, at habang buhay akong tapat sa iyo," dagdag pa niya. "Sige, mauuna na kami."

Bahagya niya akong tinapik sa braso bago siya tumalikod.

"Mag-iingat kayo," sagot ko, pinapanood silang sumakay sa kanilang mga sasakyan.

Habang papalabas sila ng gate, nagpatuloy ako sa pag-wave ng k**ay. Pero nang mawala na sila sa paningin ko, agad ding naglaho ang pekeng ngiti ko. Bumalik ang seryoso kong ekspresyon—ang ekspresyon ng isang taong hindi basta-basta nagtitiwala kanino man.

Tumalikod ako at bumalik sa loob ng mansyon. Diretso na sana ako sa kwarto nang mapatigil ako sa sala. Mula sa itaas, may narinig akong tawanan.

Naglakad palapit sa akin ang isa sa mga maid.

"May problema po ba, Señorito?" tanong niya, may bahagyang pag-aalala sa boses.

"Sila Lyle ba 'yon?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa itaas.

"Oo, Señorito. Kanina pa dumating ang mga kaklase niya. Dito sila gumagawa ng project ngayon. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo?"

Napataas ang isang kilay ko. Hindi nga siya nagpaalam.

Mabilis akong nagbaling ng tingin sa maid at nginitian siya nang pilit. "Nagpaalam naman, nagulat lang ako sa ingay nila."

"Magpapahinga muna ako," dagdag ko pa.

Yumuko ang maid bilang paggalang, saka siya umatras upang bigyan ako ng daan.

Muli akong tumingin sa itaas, pero agad ding iniwas ang tingin. Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko, pero isang bagay ang sigurado—hindi ako natutuwa.

Nagpatuloy akong lumakad papunta sa kwarto, pero sa isip ko, isa lang ang tanong:

Ano na naman ang pinaggagawa ni Lyle?

Mababasa ito nang buo sa Wattpad App.

Story Link: https://www.wattpad.com/story/391099054?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=donnionsxx04

゚viralシfypシ゚ ゚viralシfypシ゚viralシalシ

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Alcala?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Alcala-Bayambang Road
Alcala
2425