Janice Catubig Muñez
mangarap kalang sabayan mo ng sipag chaga at tiwala kay lord sgurado ako ibibigay din lord soonđ€đđ
July 12, 2026
Sunday - morning devotion
"God's Promise"
Genesis 9:13 MBBTAG12
[13] Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo.
*** Sa lumang tipan Ang pangako Ng Diyos ay nakabase sa bahaghari bilang tanda Ng kanyang pangako sa mga Israelita.
*** Sa panahon naman natin ngayon, Ang pangako Ng Diyos ay si Jesus na nasa buhay na mismo natin na siyang covenant ng Ama sa pamamagitan Ng kanyang Banal na Espiritu na sumasaatin.
*** Jesus is the fulfilment of God's promise.
Sa biyaya mo lamang ako Panginoon nabubuhay, sa mga pangako mo na kahit kailan di mo ako iiwan ni pababayaan man sa pangalan ni Jesus!
Nothing can separates me from the love of God!
July 10, 2026
Friday - morning devotion
"God sees the heart"
Genesis 7:1 MBBTAG12
[1] Sinabi ni Yahweh kay Noe, âPumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid.
*** Kapag tayo ay namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos, nakikita sa atin Ng Ama Ang kanyang anak na si Jesus sa ating mga buhay.
*** Si Jesus Ang kaloob Ng Ama sa buhay natin Kaya mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos sa atin.
*** No one can please God without faith, and that faith is Jesus alone.
Amang Diyos na nasa langit purihin Ang iyong pangalan sa buhay ko. Sa araw na ito Panginoon, guide me Holy Spirit to walk in the righteousness that pleases God through Christ Jesus.
I am the carrier of God's glory!
July 9, 2026
Thursday - evening devotion
"God's Principle"
Mateo 6:33 MBBTAG12
[33] Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
*** Make God be our top priority.
*** Matuto tayong sumunod sa kalooban ng Diyos at Lumakad tayo ayon sa kanyang katuwiran.
*** Ang mga pagpapala Ng Diyos ay laging available sa mga sumusunod sa kanya.
Salamat po sa buong maghapong ito dakilang Ama at muli mong ipinaranas sa amin Ang iyong katapatan sa pamamagitan Ng mga pagpapalang buhat sa iyong kayamanang Hindi nauubos sa pangalan ni Jesus!
God is my very good provider!
July 3, 2026
Friday - evening devotion
"The Power of God's Word"
Mateo 4:4 MBBTAG12
[4] Ngunit sumagot si Jesus, âNasusulat, âHindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.ââ
*** Sa panahon ngayon laging abala Ang tao, Wala Ng Oras sa Panginoon.
*** Nalalayo Ang tao sa Diyos dahil sa pag-aalala sa pang araw-araw na pangangailangan.
*** Hindi masama Ang pagsusumikap upang makamtan Ang mga pangangailangan sa buhay, ngunit dapat nating i-priority Ang salita ng Diyos higit sa lahat dahil ito Ang mas higit na kailangan natin upang magkamit tayo ng Buhay na walang hanggan sa langit.
Lord God you are indeed my great provider, maraming salamat sa araw na ito dahil nararanasan ko Ang kapangyarihan Ng iyong salita sa pamamagitan Ng iyong pagkilos sa Buhay ko sa araw na ito sa pangalan ni Jesus!
God is faithful!
July 3, 2026
Friday - morning devotion
"The Author of our Faith"
Genesis 1:31 MBBTAG12
[31] Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umagaâiyon ang ikaanim na araw.
*** Kailangan nating manampalataya dahil Ang Diyos Ang unang nanampalataya para sa atin.
*** Kasiyahan Ng Diyos Ang mabago Ang Buhay natin dahil iyan Ang nais ng Diyos na Makita sa atin.
*** In every situation have faith because that is the expertise of God.
Ang bawat sitwasyon ay temporary lang Panginoon Kaya ako ay naniniwala na Ang Hindi ko Kayang Gawin ay Kaya mong Gawin sa Buhay ko sa pangalan ni Jesus!
God is the author and the finisher of my faith!
Shalom! Shalom!
July 1, 2026
Wednesday - morning Devotion
"The Creation"
Genesis 1:1 MBBTAG12
[1] Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;
*** Our God is the creator of heaven and earth.
*** Ang lahat ay buhat sa Diyos at para lang sa Diyos.
*** We are God's masterpiece.
Dakilang Ama purihin Ang iyong kadakilaan sa lahat Ng iyong nilikha. Walang imposible sa iyo dahil Ang lahat ay Kaya mong Gawin sa pangalan ni Jesus!
I am fearfully and wonderfully made by God!
June 30, 2026
Tuesday - morning devotion
"Be Rooted"
1 Mga Taga-Corinto 16:13 MBBTAG12
[13] Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay,
*** Sa bawat pagsubok, Dito napapatunayan Ang ating pananampalataya sa Diyos.
*** Ang salita ng Diyos Ang naghahanda sa atin upang tayo'y tumatag sa mga pagsubok na darating.
*** Maging matapang tayo sa bawat sitwasyon Ng ating Buhay dahil ito Ang nagpapatatag sa ating pananampalataya sa Diyos.
Thank you God for everyday in my life you are changing me from glory to glory in Jesus name!
I declare a Shalom kind of life today in Jesus name!
June 29, 2026
Monday - morning devotion
"Forgiveness"
Mga Taga-Colosas 3:13 MBBTAG12
[13] Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
*** Magkaroon nawa tayo ng pusong mapagpakumbaba at mapagpatawad alang alang sa Panginoon.
*** Ingatan natin Ang nilalaman Ng ating puso.
*** Mahal tayo ng Diyos bagkus huhukuman tayo ayon sa ating mga gawa.
Holy Spirit I allow you to take over in me sa araw na ito, gabayan mo po ako upang ako'y mamuhay ayon sa katuwiran Ng Diyos sa buhay ko sa pangalan ni Jesus!
I am forgiven and set free!
June 27, 2026
Saturday- evening devotion
"God Given Life"
Juan 10:28 MBBTAG12
[28] Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman.
*** Ang Buhay natin ay buhat sa Diyos.
*** Ang Diyos Ang may bigay Ng Buhay natin Kaya Siya din Ang may kakayanang magbawi nito.
*** No one can sn**ch us in the hands of God.
Salamat sa buong araw na ito Panginoon dahil patuloy Kong tinatamasa Ang Buhay na buhat sa iyo, at ito ay biyaya mo sa akin sa pamamagitan Ng iyong anak na si Jesus.
Si Jesus Ang aking buhay na walang hanggan!
June 26, 2026
Friday - evening devotion
Mga Awit 37:5 MBBTAG12
"Commit yourself"
[5] Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
*** Ang Diyos Ay handang tumulong sa mga nagtitiwala sa kanya.
*** Tanging sa Diyos lang natin italaga ang ating buhay dahil Siya lang Ang may magandang Plano sa atin.
*** Ibigay natin Ang ating buong tiwala sa nag-iisang Diyos na nasa langit.
Maraming salamat dakilang Ama dahil sa araw na ito muli ko na namang naranasan Ang iyong pagkilos sa Buhay namin, thank you for the answered prayers Lord in Jesus name!
In you O' Lord I put my trust!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Quezon City
1100
