Suprimo & Mom Recipes Philippines

Suprimo & Mom Recipes Philippines

Share

Suprimo & Mom Update ✨🍒

18/01/2026

Somebody’s watching me is my anxiety

😔 POSTPARTUM DEPRESSION IS REAL 😞

Alam niyo ba? Ayon sa mga psychiatrists, kahit hanggang 7 years old na ang anak mo, maaari ka pa ring makaranas ng postpartum depression.

HINDI ITO “PAG-IINARTE”, TOTOO ITO, AT MARAMING NANAY ANG TAHIMIN NA DUMADAAN SA GANITO ARAW-ARAW.

•••••

Kung ikaw ay:

• Madaling magalit o mainis kahit sa maliliit na bagay. Pakiramdam mo, walang nakakaintindi sa’yo.

• Buong araw kang nakahiga pero hindi ka pa rin makatulog.

• Sumasagi sa isip mo ang mga bagay na matagal pa bago mangyari, pero sobrang iniisip mo na, may mga plano at output ka na.

• Nariyan ang overthinking, insecurities, jealousy, fear, at hopelessness.

• Minsan, mismong asawa mo ang pinaka-ayaw mong makita — lalo na kung hindi ka pakikinggan, hindi susunod, o laging taliwas ang desisyon sa gusto mo. Dumadating sa punto na ayaw mo na siyang kausapin at nagdadabog ka na lang. Bakit? Dahil minsan, ang utak at katawan mo ay hindi nagko-communicate.

• Ramdam mo ang pagka-overworked sa bahay. Kahit na wala ka namang ginagalaw, parang ang dumi ng bahay at ang dami mong kailangang gawin.

• Dumadating ang panic attack — kahit napakaliit ng problema, kahit kayang-kaya namang solusyonan, sobrang nagpa-panic ka pa rin.

• Pakiramdam mo wala ka nang silbi dahil hindi ka na kumikita tulad noong dalaga ka pa. Si mister lang ang may income, at iniisip mo pabigat ka na lang sa pamilya.

Pero tandaan, hindi totoo ‘yon. Ang pagbubuntis at panganganak ay hindi biro. Ang katawan at isip ng isang babae ay dumadaan sa “shutdown mode” dahil nauubos ang nutrients at lakas. Ang mismong proseso ng pagluwal ng buhay ay isa nang sakripisyo at malaking tagumpay.

Ayon sa pag-aaral, sinasabi na ang katawan ng babae ay nangangailangan ng at least 1 year para maka-recover mula sa panganganak. Pero ang totoo, kung hindi mo matututunang i-relax at alagaan ang sarili mo, maaaring manatili at magtagal ang mga sintomas ng postpartum.

At dito papasok ang pinakamahalagang parte ng journey ng isang nanay: ang suporta ng asawa.

‼️ Para sa mga Mister ‼️

Ang “understanding” ang pinakamahalagang bagay na maibibigay ninyo. Dahil sa mga panahong hindi kayang mag-adjust ng MISIS ninyo, kayo ang kailangang gumawa nito.

❎ Hindi madaling manganak.
❎ Huwag bigyan ng dagdag na bagay na ayaw ng bagong panganak, dahil kahit gustuhin niyang intindihin, ang puso at isip niya ay hindi magkasundo.
❎ Huwag iparamdam na wala silang kwenta dahil hindi sila kumikita.

Tandaan: parehong pagod ang mag-asawa — magkaiba lang ng laban.

✅ Mag-unawaan.
✅ Magdamayan.
✅ Palaging pag-usapan ang problema.
✅ Itaas sa Panginoon ang lahat ng bagay.

Ang tunay na pagmamahalan ay hindi lang puro saya. Ito ay sinusubok ng panahon at sitwasyon. Pero kung magkasama kayong haharap, mas matibay kayong lalabas sa laban. 🙌🏻

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Bacoor?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


464 M. Reyes Compound Zapote V
Bacoor
4102