Barangay Salinas 1
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Salinas 1, Health/Beauty, 3rd Street Salinas 1, Bacoor.
06/07/2026
JULY BIRTHDAY CELEBRANTS
Maaari nyo n po makuha ang bigas ng may birthday ng July handog ng ating 24/7 MAYOR STRIKE B. REVILLA . Slamat po
Time: 8:00am to 5:00pm
MONDAY TO FRIDAY
04/07/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na isinagawa ang Nutri Quiz Bee ng Bacoor Action Center 3 noong Hulyo 4, 2026 sa Barangay Salinas 1, City of Bacoor, Cavite. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng iba't ibang sektor ng komunidad tungkol sa wastong nutrisyon, tamang pagkain, at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay.
Nilahukan ang paligsahan ng limang (5) barangay mula sa Action Center 3: Barangay Dulong Bayan, Barangay Mabolo, Barangay Real, Barangay Salinas 1, at Barangay Salinas 2. Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga Pregnant Women, Lactating Women, Adults, Elderly, Elementary, High School, at Senior High School participants. Ang buong aktibidad ay pinangunahan ng mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng bawat kalahok na barangay, na nanguna sa paghahanda, koordinasyon, at paggabay sa kanilang mga kinatawan.
Naging masigla at matagumpay ang paligsahan dahil sa aktibong pakikilahok ng mga kalahok at sa suporta ng mga Barangay Officials, Barangay Nutrition Scholars, at mga organizers. Sa pamamagitan ng Nutri Quiz Bee, higit na napalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mahahalagang konsepto ng nutrisyon at naitaguyod ang pagpapahalaga sa malusog na pamumuhay sa komunidad.
26/06/2026
05/04/2026
LIGTAS SUMVAC 2026
IWAS LUNOD SAFETY TIPS
Sa panahon ng bakasyon at Semana Santa, inaasahan ang pagdami ng mga tao sa mga dalampasigan, ilog, at iba pang anyong tubig. Paalala sa lahat na mag-ingat at sumunod sa mga safety tips at mga alituntunin upang maiwasan ang sakuna.
Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Manatiling alerto at mag-ingat palagi.
05/04/2026
𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐓𝐈𝐏𝐒
𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐋𝐔𝐍𝐎𝐃
04/04/2026
LIGTAS SUMVAC SAFETY TIPS 2026
Para sa mga Pupunta sa Resort/Beach:
• Bantayan ang mga bata sa lahat ng oras.
• Iwasan ang paglangoy kapag may babala o masama ang panahon.
• Huwag maligo kung lasing o bagong kain.
• Siguraduhing may lifeguard sa lugar.
• Magdala ng first aid kit kung kinakailangan.
04/04/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
3rd Street Salinas 1
Bacoor
4102
