Gawain Ng DIOS sa huling araw
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gawain Ng DIOS sa huling araw, Health/Beauty, Bayawan negros Oriental, Bayawan.
19/07/2022
First time na sumamba sa INC 🇮🇹 ..? EXPECT TO NOTICE 🤗...
• Pagpasok mo, mapapansin mo, walang nagkukwentuhan, walang maingay, walang nagcecellphone. Walang nagtatawanan. Pagpasok mo at hindi pa nag uumpisa ang pagsamba, mapapansin mo nagsasagawa ng pansariling panalangin ang ibang mga kapatid. Sinasabi nila sa Diyos through devotional prayer lahat ng nasa loob nila. NO SCRIPT, JUST PURE AND STRAIGHT FROM THE ❤️. Lahat ng pinagdadaanan nila, lahat ng nagbibigay ng bigat sa kalooban nila, lahat ng stress sa isip nila nasasabi nila yon sa panalangin. Iniiyak nila lahat. Walang papansin sayo, walang makikialam, walang gagambala sa pananalangin mo.
• Sa umpisa ng pagsamba, may pag aawitan ng mga Hymno sa pangunguna ng mga Mang-aawit. TAKE NOTE: hindi mala concert na pag-awit 😅. Taimtim na pag-awit. Mafefeel mo sya talaga lalo na if may pinagdadaanan ka. Kahit sintonado ka, awit ka lang. Walang pupuna sayo, walang papansin sayo. Kung sa loob mo e feel na feel mo umawit, sige lang.
• After ng pag-aawitan ng mga Hymno, pupunta na tayo sa exciting part. Ang pinaka tampok na bahagi ng pagsamba. ANG BIBLE-BASED NA PAGTUTURO NG MINISTRO. Ang mga sumasamba, naka focus lang don sa nagtuturo. Walang maingay or nagkukwentuhan 😅..
• Yung pagtuturo ng mga Ministro, Q&A style. Magtatanong sila, Biblia ang sasagot. So regardless of your or anyone's personal opinion, kung ano ang nakasulat sa Bible, yun na yon 😅. Doon lamang ( only ) at palagi nagmumula ang mga sagot, mga halimbawa at interpretasyon na maririnig mo. No more no less. NO PERSONAL OPINION.
• After ng pagsamba, may mga kapatid na nagpapa iwan at nagsasagwa sila ng pansariling panata or devotional prayers.
Note: not because dumalo ka ng Pagsamba, Pamamahayag or Doktrina sa INC, ay INC kana hehe. It doesn't work that way 🤗. Mahaba ang proseso ng pag anib. EVERYONE is welcome to join. EVERYONE is welcome to attend our Worship Services and / or Pamamahayag kung interested ka, curious ka sa mga doktrina ng INC, or gusto mo lang maexperience 😅.
Original post from : Kapatid na Aebram Opas
07/07/2022
METRO MANILA SOUTH – Isang Tanging Pagtitipon at Panunumpa ng mga bagong maytungkulin ang isinagawa sa distritong ito, na idinaos sa gusaling sambahan ng Lokal ng Pasay. Pinangunahan ito ni kapatid na Diosdado Dades, Tagapangasiwa ng Distrito. Ibayong kasiglahan at katatagan ng pananampalataya ang idinulot nito sa mga dumalo at nangako silang lalong magtatalaga sa pagtupad ng tungkulin.
30/06/2022
21/06/2022
URDANETA CITY, PANGASINAN – Ipinakita ng mga kapatid sa Kapisanang Binhi sa distritong ito ang kanilang kakayahang mag-design ng magagandang gusaling sambahan sa pamamagitan ng mobile app na Minecraft, sa isinagawang "Binhi Minecraft Chapel Making." Pinaglaanan nila ng panahon ang pagbuo nito at masaya nila itong natapos.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Bayawan Negros Oriental
Bayawan
6221
