Skip to content
Salons10
BHS DIGAL

BHS DIGAL

BRGY. DIGAL, BULUAN, MAGUINDANAO DEL SUR, Buluan Health/Beauty

BRGY HEALTH STATION DIGAL

07/10/2026

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infant pa siya?

Narito ang kasagutan.




!

Photos from BHS DIGAL's post 07/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!

Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga paaralan laban sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:

✅ measles;
✅ rubella;
✅ diphtheria; at
✅ human papillomavirus.

Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:

Para sa Grade 1 at Grade 7:
✅ Measles-Rubella
✅ Tetanus-Diphtheria

Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
✅Human Papillomavirus (HPV)

Magpabakuna Na!





!

Photos from BHS DIGAL's post 03/10/2026

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟲

Ngayong October 2026 magsisimula ang ating taunang School-based Immunization campaign sa mga pampublikong paraalan sa Bayan ng Buluan, Maguindanao del sur.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang ating mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Ang mga estudyanteng 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟏 𝐚𝐭 𝟕 ay babakunahan laban sa 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬, 𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚, 𝐓𝐞𝐭𝐚𝐧𝐮𝐬 𝐚𝐭 𝐃𝐢𝐩𝐭𝐞𝐫𝐲𝐚. Habang ang mga estudyantengg nasa 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟒 𝐚𝐭 𝟓 ay babakunahan laban sa 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐩𝐢𝐥𝐥𝐨𝐦𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐮𝐬 (𝐇𝐏𝐕) 𝐚𝐭 𝐂𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫.

Ano ang dapat gawin ng mga magulang?
1. Dumalo sa PTA meeting
2. Pirmahan ang Consent Form
3. I-monitor ang ating mga anak pagkatapos mabakunahan.

Para sa karagdagang impormasyon, magtanong lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

02/10/2026

💉 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆, 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!

Sa mensahe ni Provincial Health Officer II 𝐃𝐫. 𝐌𝐨𝐡𝐚𝐦𝐦𝐚𝐝 𝐀𝐫𝐢𝐟𝐟 𝐀. 𝐁𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐥𝐢, hinihikayat ang mga magulang na suportahan ang Bakuna Eskwela at samantalahin ang libreng bakuna na hatid sa mga paaralan.

Ang pagbabakuna ay isang mahalagang paraan upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan.

🤝 Kapag sama-sama ang paaralan, health workers, mga magulang, at komunidad, mas napapalakas natin ang proteksyon ng ating mga kabataan.

Protektahan ang ating mga anak. Suportahan ang Bakuna Eskwela. 💚

02/10/2026

💉 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀: 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!

Mga magulang, may libreng proteksyon para sa ating mga anak. ❤️

Sa ilalim ng Bakuna Eskwela, isinasagawa ang School-Based Immunization upang mabigyan ng proteksyon ang mga batang kwalipikado laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

📚🏫 Abangan ang vaccination activities sa inyong paaralan at makipag-ugnayan sa mga health workers para sa karagdagang impormasyon.

Libreng bakuna. Dagdag proteksyon. Mas ligtas na kinabukasan para sa ating mga anak.

💚 Sama-sama nating suportahan ang Bakuna Eskwela!

Photos from BHS DIGAL's post 02/10/2026

10 - 02 - 2026 (Friday)
Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuhu!!!

Ngayon po ay nagkaroon tayo ng Orientation para sa nalalapit na BAKUNA ESKWELA sa paaralan ng BAI BAGUNGAN PAGLAS ELEMENTARY SCHOOL ng Barangay Digal Buluan Mds na magaganap ngayong october 5 - 31,2026...

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa punong G**o ng paaralan sir TATO KAMSA para maging matagumpay ang aming orientation. Nagpapasalamat din po kami sa mga magulang na dumalo sa naganap na programa.

Ang target po ng nasabing programa ay nasa📌 grade 1 para sa bakunang 💉MR/TD ( MEASLES RUBELLA/TENANUS DIPHTHERIA) laban sa Tigdas (ABAS) at tetano at📌 grade 4 females para naman sa bakunang💉 HPV( HUMAN PAPILLOMA VIRUS)...

Inaanyayahan po namin ang mga nanay,tatay,lola,lolo,tita,tito na ipabakuna ang inyong mga anak para sila ay maprotektahan laban sa mga nasabing nkkhawang sakit...


/TD

20/09/2026

LABIS NA PAG-INOM NG MATATAMIS, MAAARING HUMANTONG SA CHRONIC KIDNEY DISEASE

Ang regular o labis na pag-inom ng SB o Sweetened Beverages gaya ng softdrinks, tetra pack juice, ready-to-drink iced tea o coffee, flavored milk, sweetened o flavored yogurt, at electrolyte drinks ay maaaring makasama sa kalusugan.

Hindi agad nakikita ang sintomas ng pag-inom ng matatamis, ngunit maaari itong mauwi sa malubhang komplikasyon gaya ng diabetes, overweight o obesity, at ibang noncommunicable disease gaya ng chronic kidney disease.

Paalala ng DOH, Isip-isip before you sip! Mas piliin ang tubig kaysa sa SBs — mas abot-kaya ng bulsa, ligtas ka pa sa panganib ng sakit!

20/09/2026

Alam mo ba na ang Pentavalent Vaccine o mas kilala sa tawag na “Penta” ay may limang pinagsamang proteksyon sa isang bakuna.

1. Diptheria- impeksyong maaaring makaapekto sa lalamunan at paghinga

2. Pertussis-whooping cough o matinding ubo

3. Tetanus- sakit na dulot ng bacteria na maaaring pumasok sa sugat

4. Hepatitis B- viral infection na umaatake sa atay

5. Haemophilus influenzae type b- maaaring magdulot ng malubhang sakit gaya ng meningitis (pamamaga ng lamad na nakapalibot sa utak at gulugod) at pulmonya.

Ngayon alam mo na?

Photos from BHS DIGAL's post 10/09/2026

Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuhu!!!

What a wonderful wednesday!!!

Sukran Sukran Sukran po sa mga mamamayn ng Barangay Digal Buluan Mds sa patuloy na pagtitiwala sa mga serbusyong ming nabbgay😊😊😊

18/08/2026

Barangay Digal Buluan Mds

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS DIGAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Buluan.