First Vita Plus SC Mindoro
OFFICIAL Satellite Center of First Vita Plus Marketing Corporation in ORIENTAL and OCCIDENTAL MINDOR
29/07/2026
🙏🏻🙏🏻🙏🏻🏆🏆🏆
Great Morning Mindoro Power Team!
27/07/2026
Go Full Blast
Gusto mo bang magkaroon ng magandang impact sa inyong opisina o negosyo? Then go full blast. How can you make a difference in your place of work? Let me share with you five simple tips from the word BLAST.
Magandang araw Partner para sa buhay, trabaho, at negosyong umaasenso.
Una, Be Positive. May nagsabing, "Bad things are often good things looked at from the wrong perspective." Kung positibo ang pananaw mo sa buhay at sa trabaho, kahit na crisis may nakikita ka pa ring opportunity. Kahit sa problema, may nakikita kang pagpapala. Such is the power of being positive. Ang mabuting pananaw ay nakapagpapabago ng iyong reaksyon kahit sa pinakamabigat na pagsubok na haharapin mo.
Pangalawa, Live to Leave a Legacy. Hindi ba't masayang isipin na kahit retired ka na sa iyong trabaho, naaalala pa rin ng inyong kumpanya ang naging contribution mo because you didn't just do your job, you left a lasting legacy. Ang sabi ni LeBronne James, "Dream as if you will live forever and live as if you'll die today." Ang magandang legacy ay kabuuan ng tama, mabuti at magandang pasyahin na iyong inaksyonan araw-araw. Making the right choices and living them out consistently help you build a good legacy.
Pangatlo, Aim to Excel. If you want to offer work that makes an impact, maging ubod husay sa iyong trabaho. Hindi ito madali, excellence requires going the extra mile not once but always. Mapapagod ka na rin lang sa trabaho, hindi ba mas maganda ng mayroon ka talagang pinagtrabahuhan at hindi nagbusy-bisihan lang? Ang mahusay natatandaan. Ang excellent binabalikan.
Pang-apat, Speak Words that Build Up. Mabisa ang salita, lalo na kung tama at tapat ang pagkakasabi natin nito. Sabi nga sa Proverbs 18:21, "There is life and death in the power of the tongue." Speak to appreciate, encourage, affirm and build-up.
At panghuli, Trust God. Di maiiwasan na minsan tayo ay nagkakamali at nakagagawa ng mga desisyon na hindi mo maintindihan kung bakit yun ang iyong napagpasyahan. Matalino ka naman! Pero talaga namang ang husay at kakayahan ng tao ay may hangganan. We cannot rely on our own strength, because surely we will get tired. Hindi naman natin maasahan ang karunungan lamang natin, dahil tiyak namang marami pa tayong hindi nalalaman. God is the only one worthy of our 100% trust because He is all-knowing, all-powerful and ever-present. Gary V. popularized a song based on Proverbs 3:5-6 "Teach me to trust in You with all of my heart. To lean not on my own understanding..." Ang magtiwala sa Diyos ang susi ng trabahong panalo.
Work full blast by Being positive, Live to leave a legacy, Aiming to excel, Speaking words that build-up and Trusting God.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY! GREAT MORNING!
cttoMMS
26/07/2026
Keep moving! Believe in yourself! Stay focused! Never stop learning! 💯
The person who improves everyday will always stay ahead of the person who never starts. 🏆
Thank you to our powerful and inspiring, FVP KaVITAan Top Network Builder Awardees July 2026, Sir RJ Lim(Top 5) and Sir Jan Patrick Deligero(Top 7). We appreciate your time in sharing your wisdom, skills, empowerment and energy with us. More blessings to both of you! 🙏
Thank you FVP Mindoro Power Team for giving yourself in training! You’re all in the right track. Power!!! 👏🏻👏🏻👏🏻
24/07/2026
One thing God keeps teaching me is this, blessings never go to the wrong address.
What God has prepared for you will not accidentally land in someone else’s hands.
So stop worrying if you feel delayed. Stop comparing if others arrived first. Stop forcing doors that God has not opened.
The Bible says, “No good thing does he withhold from those who walk uprightly.” -Psalm 84:11
What is meant for you will always find you.
Not because you chased it perfectly. But because God knows exactly where you are, who you are, and what you will be!
Great Morning! 🤗
24/07/2026
To Mindoro from Laoag Center with ❤️Raining hard here🌨️
After business work… read this, sharing the message and now heading to Antonio Luna St. ☔️-Jen
“Quit living worried, afraid, wondering what might happen. Calm your soul. The Lord your Shepherd is watching over you. He didn’t bring you this far to leave you. Keep walking through the valley, trusting and believing that there are some surelys in front of you. Surely, you’re going to see beauty for ashes. Surely, that child is going to get back on course. Surely, your health is going to turn around. God is saying to us today, “Do not fear, for I am with you. Do not be afraid, for I am your God. I will strengthen you and hold you with My victorious right hand.” Come on, let’s keep moving forward. Our greatest days are still in front of us. This setback is setting us up to go further, to shine brighter, to step into the fullness of our destinies.” -Joel Osteen
23/07/2026
🎂🎂🎂
Happy Birthday, Ma'am Gabbie! ❤️
Wishing you good health, happiness, and abundant blessings today and always. Have a wonderful celebration! We love you! ✨
22/07/2026
Blessing in Obedience
Naranasan mo na bang sumunod half-heartedly sa ipinapagawa sa iyo ng boss mo o ng Team Leader mo pero sa bandang huli ay sobrang thankful ka dahil nagpasya kang sumunod? Remember that there is blessing in obedience. Lilinawin ko lang na ang pagsunod na ito ay hindi sa mga bagay na taliwas sa kung ano ang tama at matuwid. We obey our superiors in accordance to what the word of God teaches. Kung ang ipinagagawa sa iyo ay illegal o masama, aba’y dapat lang na hindi mo ito sundin. Pero kung ang assignment naman na ibinibigay sa iyo ay walang lalabaging batas ng Diyos o batas ng tao, kahit hindi mo pa ito masyadong feel o type, obey your leader/boss. Tandaan mo, may pagpapala sa pagsunod.
Magandang araw partner para sa inspiradong buhay, trabaho at negosyong umaasenso.
Paano tayo susunod kahit na may mga panahong kay hirap nitong gawin?
Tip #1: Trust that your leaders know better. May mga pagkakataong hindi natin maunawaan ang takbo ng utak ng mga nakatataas sa atin. Pakiramdam natin ay hindi nila masyadong napag-isipan ang kanilang desisyon o kaya naman ay may mas maganda pa sanang ginawa ang management o team leaders para sa kapakanan ng kanilang mga empleyado o grupo. Iyon ang mararamdaman mo kung naniniwala kang mas mahusay ka kaysa sa iyong leader o boss. May element ng yabang hindi ba? Leaders and bosses almost always have a different view and perspective. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama sila. Pero mas madalas, mas malawak ang pananaw nila sa mga sitwasyon at pangyayari sa inyong organisasyon. You see a piece of the puzzle, they are expected and required to take care of the big picture. Trust that your leaders know better.
Tip #2: Trust what God’s word says about obedience. The Bible encourages obedience to authority. Para sa kaayusan ng ugnayan sa tahanan, sinasabihan tayong marapat lamang na sumunod ang mga anak sa kanilang mga magulang at sigurado hahaba pa at pagpapalain ang buhay ng anak. Para harmonious ang pagsasama ng mag-asawa, ang mga asawang babae ay hinihimok na pasakop sa kanilang mister. Gayundin naman sa ugnayan ng magkakatrabaho. Ang sabi sa Ephesians 6:4-6, “Servants, obey your leaders/boss. Respect him with all your heart and try to please him as you would like Christ. Obey not only when he is looking at you, as if you were pleasing a man. But obey as the servants of Christ, and do it with all of your heart what God wants you to do. Work gladly as if you were working for the Lord and not for men.” (Worldwide English – New Testament) Ang paggalang at pagsunod sa mga nasa positions of authority ay nagbibigay kaayusan sa ating kapaligiran – bahay man iyan, Negosyo man, opisina o lipunan.
Tip #3: Obey not just when it’s easy, obey what is right. May mga kilala akong sumusunod lamang kapag ito’y madaling gawin. They obey when it is easy and convenient to follow. Pero sa oras na ang kanilang obedience ay mangangailangan na ng sakripisyo, hindi na sila makasunod. The test of real obedience is following the order of your superior even when it is difficult to do.
May God give you the heart to obey Him and the leaders whom He has placed above you. May pagpapala sa pagsunod.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
cttoMMS
22/07/2026
Vita Nation, here are some business tips to help you grow..
20/07/2026
Timing is Everything
Malaking bagay ang tamang panahon sa negosyo, pag-ibig, pag-aaral at maraming pang aspekto ng buhay. Kahit sariwa ang isda na gusto mong ihain kung ito ay undercooked, hindi ito masarap kainin, maliban na lang kung sushi o kilawin ang plano mong gawin. Ang pag-ibig, kahit na sa tamang tao, kung mali naman ang panahon, ay magiging hinog sa pilit pa rin. Sa trabaho, kahit mahusay ang isang tao, kapag napromote ng wala sa panahon, hilaw pa rin. Sa negosyo naman, kahit pagkaganda-ganda ng isang konsepto, kung hindi napapanahon, ay mahirap pa rin tangkilikin ng mga mamimili. Timing is everything. Pero paano mo nga ba malalaman kung ngayon na ang tamang panahon?
Magandang araw Partner para sa inspirado at productive na buhay sa pagtatrabaho at pagnenegosyo.
Paano mo malalaman kung ngayon na ang tamang panahon para isakatuparan ang iyong mga balak at plano sa iyong trabaho at buhay?
1) Ask yourself. Tanungin mong mabuti ang sarili mo, handa ka na ba? Kaya mo na ba? At kahit mahirapan ka, kakayanin mo ba? Sometimes we get too excited with the thought of change, promotion and expansion that we fail to count the cost of having added responsibilities. Timbangin mo kung ano ang mga bagay na kailangan mong gawin at baguhin para sa gusto mong gawin. Kaya mo bang ibigay ito? If your heart, mind and body are in agreement that you are indeed ready, baka nga, ngayon na ang tamang panahon. Pero kung nagtatalo pa ang puso at utak mo, huwag ka munang sumige. You should be 101% sure of what you are getting into.
2) Ask others. Hindi masamang magtanong sa iba, lalo na ang mga taong nagmamalasakit sa iyo kung napapanahon na nga ba ang iyong mga plano. Ang sabi sa Proverbs 15:22, "Plans fail for lack of counsel, but with many advisers they succeed."
3) Ask God. Ang pinakamabuting pagtanungan kung kailan ang tamang panahon ay ang Diyos. Ang sabi sa Eccelesiastes 3:11, "Yet God has made everything beautiful for its own time. He has planted eternity in the human heart, but even so, people cannot see the whole scope of God's work from beginning to end." Limitado ang ating kaalaman. Kahit na magplano tayo ng magplano, hindi pa rin natin alam kung ano ang eksaktong mangyayari bukas o sa mga darating na panahon. Pero ang lahat ng ito ay alam ng Diyos. Kaya Siya lamang talaga ang nakaaalam kung ano ang perfect timing para sa mga nais mong gawin. If you are truly wise, you will consult God and commit your plans to Him.
Sa kantahan, mahalaga ang timing. Kahit na pagkaganda-ganda ng boses ng isang mang-aawit, kung wala naman sa tiempo, hindi pa rin ito masarap pakinggan. Mahalaga ang timing, mainam na naghihintay tayo sa tamang panahon.
WHEN THE TIME IS RIGHT, I, THE LORD WILL MAKE IT HAPPEN! (ISIAH 60:22)
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY! Great Morning!
cttoMMS
17/07/2026
What's Good About Rejection?
Kapag mayroon kang gustong-gustong mangyari sa buhay, trabaho o negosyo mo kaya lang ay hindi ito naaprubahan ng dapat na magbigay ng go signal, ano ang gagawin mo? Tiyak na makararamdam ka ng disappointment. Baka nga mainis o medyo magalit ka pa dahil hindi makita ng boss o kliyente ang value o potential ng iyong proposal. So what should you do when your idea is rejected? Paano nga ba maka-move-on buhat sa mga disappointing na kaganapan sa bahay, negosyo o opisina? Subukan nating sagutin yan ngayon.
Magandang araw partners para sa inspiradong buhay, trabaho at negosyong umaasenso.
Hindi sa lahat ng oras ay sasang-ayon ang iba sa gusto mong gawin o mangyari. Lahat tayo ay makararanas ng rejection sa iba't-ibang panahon at okasyon. Pero tandaan mo ito, rejection can be a blessing in disguise. Masakit sa simula, pero sa bandang huli ay makikita mong pwede itong magkaroon ng magandang bunga. Tatlong bagay ang gusto kong tandaan mo tungkol sa rejection.
1) Rejection is an opportunity to refine your proposal. Parang sa pagsusulat ng libro. Hindi naman sa unang pagpasa ng draft sa publisher ay maaaprubahan na agad ang isinulat mo. Ilang beses itong daraan sa mapanuring mata ng editor. Iparerebisa ito ng paulit-ulit hanggang sa makuha na pinakamagandang pagpapahayag ang mga ideya at kwento sa iyong libro. Hindi madali ang proseso, pero nagiging mas maganda at pino ang final product. If you are not willing to be rejected and corrected, then you are not prepared to succeed.
2) Rejection can lead to a better redirection. Maraming mahuhusay at kilalang tao ngayon ang makailang beses na nakaranas ng rejection. Si Soichiro Honda ang founder ng Honda Motors ay nireject ng Toyota Motors ng siya ay mag-apply sa kanila. Dahil dito, nagsimula siyang gumawa ng scooter na tinangkilik naman ng kanyang mga kapitbahay. Ang naranasang rejection ay naging daan para si Honda ay maredirect sa mas magandang oportunidad at negosyo. Hindi pala siya pang-empleyo kundi magiging founder pala siya ng malaking negosyo na kinalaunan ay naging competitor pa ng kumpanya na nagreject sa kanya. Rejection can be God's way of redirecting you to something better.
3) Rejection is motivation to press on. Ang sabi ni Sylvester Stallone "I take rejection as someone blowing a bugle in my ear to wake me up and get going, rather than retreat." Kapag ikaw ay hindi natanggap sa trabahong iyong pinag-applyan, huwag agad susuko. Sumubok pa sa iba. Alam mo bang noong unang mag-try out sa basketball team ng kanilang ekwelahan si Michael Jordan ay na-reject siya. Pero hindi siya nag-give-up. Mas lalo siyang nag-ensayo at nagpursige. Ngayon ay itinuturing siyang basketball icon at legend. Huwag mong hayaang takot ang maging epekto sa iyo ng rejection. Dapat ay maging motivation ito para ikaw ay magpatuloy at magsumikap.
Kahit ang Panginoong Jesus ay nakaranas ng rejection. Ang sabi sa Isaiah 53:3, "He was despised and rejected by mankind". Pero sa kabila ng di pagtanggap sa kanya ng tao, nagpatuloy si Jesus na gampanan ang kanyang misyon. He pressed on and obeyed God's will. Rejection can be a beautiful blessing wrapped in a unique package. Hindi man nangyayari ang gusto mo sa iyong trabaho o negosyo ngayon, kung tama ang ating attitude, makaaasa ka na "the best is yet to come".
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY! GREAT MORNING!
cttoMMS
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
2nd Floor, Infantado Street, San Vicente West
Calapan
5200
Opening Hours
| Monday | 9:30am - 5:30pm |
| Tuesday | 9:30am - 5:30pm |
| Wednesday | 9:30am - 5:30pm |
| Thursday | 9:30am - 5:30pm |
| Friday | 9:30am - 5:30pm |
| Saturday | 9:30am - 5:30pm |
