Albay Touch & wellness by Z&D

Albay Touch & wellness by Z&D

Share

restart-reset-renew

HOME SERVICE/ HOTEL SERVICE

10/08/2026

πŸ†πŸ₯ˆ 2ND PLACE OVERALL β€” KAMPANARYO ULTRA MARATHON 2026! πŸƒβ€β™‚οΈπŸ”₯
Isang malaking CONGRATULATIONS sa ating client na nag-uwi ng 2nd Place Overall sa Kampanaryo Ultra Marathon 2026! πŸ’ͺπŸ†
Bilang bahagi ng kanyang preparation at recovery, naging mahalagang support ang sports massage bago at pagkatapos ng race.
πŸ”Ή BEFORE THE RACE β€” nakatulong ang massage para ma-relax ang muscles, ma-improve ang mobility at maihanda ang katawan para sa matinding physical demands ng ultra marathon.
πŸ”Ή AFTER THE RACE β€” recovery-focused massage naman ang ginawa upang makatulong sa pag-relax ng pagod at tense na muscles, mabawasan ang pakiramdam ng muscle tightness, at masuportahan ang recovery pagkatapos ng mahabang takbuhan.
Sa ultra marathon, hindi lang lakas at endurance ang kailanganβ€”maayos na preparation, recovery, nutrition, hydration at tamang training ay malaking bahagi rin ng performance. πŸƒβ€β™‚οΈπŸ”₯
2ND PLACE OVERALL! πŸ₯ˆ
Saludo kami sa sipag, disiplina at tapang mo, champion! πŸ‘
ALBAY TOUCH β€” Para sa mga atleta na laging umaabante. πŸ’†β€β™‚οΈπŸƒβ€β™‚οΈ

05/08/2026

πŸ‘£ Alagaan ang iyong mga paa, dahil sila ang unang sumasalo sa bawat hakbang ng iyong pangarap..

01/08/2026

πŸ’‘ TRIVIA OF THE DAY
Alam mo ba? Ang sciatic nerve ang pinakamahabang ugat sa ating katawan. Kapag ang mga kalamnan sa balakang, puwitan, at hita ay sobrang naninigas, maaari nitong mapalala ang discomfort na nararamdaman ng ilang taong may sciatica.
Sa tamang assessment, ang massage at ventosa ay maaaring makatulong na ma-relax ang masisikip na kalamnan, mapabuti ang sirkulasyon, at mabawasan ang pananakit para mas maging komportable ang paggalaw. Hindi ito kapalit ng gamutan sa pinagmumulan ng sciatica, pero maaari itong maging mabisang bahagi ng recovery plan.
✨ Relax the muscles. Move with comfort.

29/07/2026

"Ngayon ko lang narealize kung gaano kabigat ang pakiramdam ko dati. After ng session, parang nabawasan ang bigat ng katawan ko at nawala ang paninigas. Salamat sa napakagandang serbisyo."

21/07/2026

"Ang long run may recovery day.pero Ang iniwan ng jowa... bahala ka na." 🀣
Maraming salamat po sir sa tiwala πŸ™

10/07/2026

"Kasabay ng bawat hagod, unti-unting nawawala ang pagod. Kasabay ng bawat pressure, gumagaan ang Dala dalang stress... Dahil ang tunay na relaxation ay nagsisimula kapag pinakawalan mo ang bigat na matagal mo nang dala." πŸ’†β€β™‚οΈβœ¨

10/07/2026

Mga mare dito namin kayo dalahen oo. Mag book na mga kumare kong tunay. πŸ€—πŸ’†πŸ»β€β™€οΈ

03/07/2026

Hindi pare-pareho ang Ventosa para sa lahat.
Bawat katawan ay may kanya-kanyang kondisyon, kaya hindi rin iisa ang teknik na dapat gamitin.
Bago magsimula ang Ventosa Massage, mahalaga munang ma-assess ang katawanβ€”saan ang paninigas, alin ang overworked na muscles, at saan nagmumula ang discomfort.
Doon ibinabase ang tamang placement ng cups, tamang pressure, at tamang technique.
Hindi basta nagve-Ventosa... may proseso, may assessment, at may tamang approach.
Kapag tama ang technique, mas maganda ang posibilidad na makatulong ito sa pagpapagaan ng pakiramdam, pagbabawas ng muscle tension, at pagpapabuti ng blood circulation.

26/06/2026

Give your partner a foot massage like this... The secret.. isn't expensive gifts... it's knowing exactly how to melt away their stress. πŸ‘£πŸ’†

08/06/2026

⚑ SCIATICA PAIN? HUWAG TIISIN! ⚑
Ang pananakit ng ibabang likod na bumababa hanggang puwit, hita, o binti ay maaaring senyales ng sciatica. Kapag naiipit o naiirita ang sciatic nerve, maaari itong magdulot ng kirot, pamamanhid, tusok-tusok na pakiramdam, at panghihina ng binti.
πŸ’†β€β™‚οΈ Paano makakatulong ang Sciatica Massage Therapy?
βœ”οΈ Nakakabawas ng muscle tension at paninigas ng kalamnan
βœ”οΈ Nakakatulong sa mas maayos na blood circulation
βœ”οΈ Nakakapagbigay ng ginhawa sa pananakit ng likod at binti
βœ”οΈ Nakakatulong sa flexibility at mobility ng katawan
βœ”οΈ Nakakapagpababa ng stress na maaaring nagpapalala ng muscle tightness
✨ Kapag pinagsama ang tamang massage, stretching, sapat na pahinga, at wastong postura, mas malaki ang posibilidad na mabawasan ang discomfort at makabalik sa mas aktibong pamumuhay.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Daraga?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Tagas
Daraga
4500