Skip to content
Salons10
Bhs-kibayao Rhu-kapalawan

Bhs-kibayao Rhu-kapalawan

Glan Health/Beauty

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan, Health/Beauty, Glan.

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 27/10/2026

๐Ÿ’š FEEDING PROGRAM & FAMILY PLANNING ACTIVITY ๐Ÿ’š๐Ÿ“… October 27, 2026 (Tuesday)

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Feeding Program sa Kibayao Day Care Center, na sinabayan ng pagbibigay-kaalaman tungkol sa wastong paghuhugas ng kamay na tinalakay ni Maโ€™am Farrahmia Qashmeera C. Panolimba , RN- Sanitary Inspector at wastong pagsisipilyo na itinuro naman ni Maโ€™am Silfah Ainie,RN. Barangay Nurse Assigned ๐Ÿงผ๐Ÿชฅ at ni ma'am Nhorbibz Bayao, RM, BSM, Barangay midwife.๐Ÿ’š

Nagpakita rin ng buong suporta ang ating Nutrition Program Coordinator na si Maโ€™am Nars Vi,RN, MPA at ang ating butihing Sanitary Inspector na si Maโ€™am Almond Ganion Balah Kusain-Ulangkaya RM. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta sa pagsusulong ng kalusugan at wastong nutrisyon ng ating mga kabataan. ๐Ÿซถ๐Ÿพ

Kasabay nito, isinagawa rin ang Family Planning Implant Insertion para sa mga inang kusang nagpasyang gumamit ng implant bilang kanilang paraan ng pagpaplano ng pamilya. Pinangunahan ito ni Maโ€™am @ Viannexysa S. Kasim,RN,MPA, na isang trained provider sa paglalagay at pagtanggal ng Implanon at siya ring RHU Family Planning Coordinator. ๐Ÿ’š

Ang mga programang ito ay naglalayong mapabuti ang kalusugan ng ating mga bata, maitaguyod ang wastong kalinisan, at mabigyan ang mga ina ng tamang impormasyon at serbisyong pangkalusugan upang makapili ng angkop na family planning method.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito! Mapa magulang, g**o maam Asma Alilaya, bhw and bnw, Sa sama-samang pagkilos, mas napapalapit tayo sa isang malusog, ligtas, at maunlad na komunidad. ๐ŸŒฟ

Serbisyong may malasakit, para sa mas malusog na kinabukasan! ๐Ÿ’š

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 22/10/2026

๐Ÿ’‰๐Ÿฉบ SCHOOL-BASED IMMUNIZATION ACTIVITY sa PANTADEN PRIMARY SCHOOL ๐Ÿซ๐Ÿ’š

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang School-Based Immunization Activity sa Pantaden Primary School, kasabay ang Feeding Program para sa mga mag-aaral. ๐Ÿฒ๐Ÿฅ—

Naging bahagi rin ng aktibidad ang pagbibigay-kaalaman tungkol sa kahalagahan ng wastong kalinisan, partikular ang tamang paghuhugas ng kamay, na itinuro ni Maโ€™am Farrahmia Qashmeera C. Panolimba, SI ng RHU Kapalawan, at ang wastong paggamit ng toothbrush at tamang pagsisipilyo, na ibinahagi ni Maโ€™am Silfah Ainie Nurse assigned ng Barangay Kibayao. ๐Ÿงผ๐Ÿชฅ

Lubos po ang aming pasasalamat sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Pantaden Primary School, G**o, BHW,at BNW sa kanilang pakikiisa at suporta sa mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng ating mga kabataan. โค๏ธ

Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog, malinis, at ligtas na komunidad, dahil ang kalusugan ng ating mga anak ay responsibilidad nating lahat! ๐Ÿ’š
Bakuna para sa proteksyon, masustansyang pagkain para sa paglaki, at tamang kalinisan para sa malusog na kinabukasan! ๐ŸŒฑโœจ






๐Ÿ’š

20/10/2026

๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENT | FREE MOBILE X-RAY ๐Ÿฉป
Assalamo Alaykom Warahmatullahi Wabarakatuhu, People of Kapalawan! ๐Ÿ’š
Mayroon po tayong LIBRENG MOBILE X-RAY bukas, October 21, 2026, na gaganapin sa Barangay Nasapian Covered Court.

๐Ÿฉป Sino-sino po ang maaaring magpa-X-ray?

โœ… Mga taong may matagal na ubo (2 linggo o higit pa)

โœ… Mga nakararanas ng pagpapawis sa gabi, lagnat, o hindi sinasadyang pagbaba ng timbang

โœ… Mga nakasalamuha o kasama sa bahay ng pasyenteng may Tuberculosis (TB)

โœ… Mga taong nais magpa-screening para sa TB, ayon sa pamantayan ng health team

๐Ÿ“Œ Makipag-ugnayan po sa inyong Barangay Health Worker o health team. Ang libreng X-ray ay depende sa patakaran ng programa.

๐Ÿ“ Venue: Barangay Nasapian Covered Court
๐Ÿ“… Date: October 21, 2026
๐Ÿฉป Service: FREE MOBILE X-RAY

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa ating kalusugan. Ang maagang pagsusuri ay mahalaga upang maagapan ang sakit at maprotektahan ang ating pamilya at komunidad.
Shukran! Wassalamu Alaykom Warahmatullahi Wabarakatuhu. ๐Ÿ’š๐Ÿคฒ

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 15/10/2026

๐Ÿ’‰ ROUTINE IMMUNIZATION | BHS-KIBAYAO ๐Ÿ’‰
Alhamdulillah! ๐Ÿซถ๐Ÿพ
๐ŸฉบMatagumpay na isinagawa kahapon, Oktubre 14, 2026, ang Routine Immunization sa BHS-KIBAYAO.

โœจMaraming salamat po sa mga magulang na nagtiwala at nagdala ng kanilang mga anak upang mabakunahan. โค๏ธ
Patuloy po tayong magtulungan para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga anak laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Bakuna ay Proteksyon๐Ÿ’‰๐Ÿ‘ถ
๐Ÿ“ BHS-KIBAYAO
๐Ÿฅ RHU-KAPALAWAN
๐ŸŒฟ SGA-BARMM

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 08/10/2026

๐Ÿฉบ"Ang kalusugan ay kayamanan; sa sama-samang pagkilos at tamang pangangalaga, mas malusog at mas ligtas ang ating komunidad.โ€๐Ÿซ‚

๐Ÿ’‰ MARAMING SALAMAT PO! ๐Ÿ’‰ October 8,2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at nakiisa sa matagumpay na School-Based Immunization Activity sa Kibayao Elementary School at Kibayao High School. โค๏ธ
Maraming salamat sa mga magulang na buong pusong nakiisa at sumuporta sa ating adbokasiya para sa kalusugan ng ating mga anak.โœจ

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga advisers at g**o na naglaan ng oras at tumulong sa pag-assist sa kanilang mga pupils: Maโ€™am Norhaina G. Danggo-Guiamalon , Maโ€™am Jaya Abdul , Maโ€™am Sarah Lumuntod , Sir Angelo Unayan , at sa lahat ng iba pang g**o na nakiisa.๐Ÿซถ๐Ÿพ
Higit sa lahat, maraming salamat sa mga School Principal Sir Daton D. Ayob ng Kibayao Elementary School at Sir Esmail Alimao ng Kibayao High School, sa inyong suporta at pakikipagtulungan.๐Ÿซถ๐Ÿพ
RHU Kapalawan Staff, sa ating mga BHW at BNW, at sa buong vaccination team, maraming salamat sa inyong dedikasyon, serbisyo at malasakit. ๐Ÿ’™

๐ŸฉบSama-sama para sa mas ligtas, malusog at protektadong kabataan!๐Ÿ’ช๐Ÿพ

๐Ÿ’‰ Bakuna ay Proteksyon. Kalusugan ay Pananagutan.
โค๏ธ Para sa Bata. Para sa Pamilya. Para sa Komunidad.

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 07/10/2026

๐Ÿฉบ Para sa mas ligtas at malusog na paaralan. ๐Ÿ’š

๐Ÿ’‰ PAGHAHANDA PARA SA SCHOOL-BASED IMMUNIZATION! ๐Ÿซ
Bukas na po! โค๏ธ
Patuloy tayong magkaisa para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga anak.

๐Ÿ“Œ School-Based Immunization Activity
๐Ÿ‘ง๐Ÿ‘ฆ Para sa mga kwalipikadong mag-aaral๐Ÿ’‰

๐Ÿ’‰ Bakuna para sa proteksyon laban sa mga sakit
Maging handa, makiisa, at suportahan ang pagbabakuna!

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 06/10/2026

โœจ Pagkakaisa at Malasakit sa bawat isa, susi sa Malusog at maayos na kumunidad๐Ÿซ‚๐Ÿ˜Š

๐Ÿ“ŒMONTHLY MEETING / PLANNING (10/06/2026)

Mga Aktibidad para sa Buwan ng Oktubre 2026
Agenda / Pagpaplano:
๐Ÿ‘‰๐ŸพSchool-Based Immunization Activity + campaign
๐Ÿ‘‰๐ŸพHousehold Profiling Update
๐Ÿ‘‰๐Ÿพ Environmental Sanitation Update
๐Ÿ‘‰๐ŸพFeeding Program
๐Ÿ‘‰๐ŸพCatch-up / PuroKalusugan
๐Ÿ‘‰๐ŸพPrenatal Care at iba pang Maternal Health Services
๐Ÿ‘‰๐ŸพFamily Planning Services (insertion of implant)
๐Ÿ‘‰๐ŸพNew born screening
๐Ÿ‘‰๐ŸพPTb follow ups

At iba pang programa at aktibidad pangkalusugan sa komunidad.

Mga Isinagawang Aktibidad Ngayong Araw
๐ŸฉบPrenatal Care
๐ŸฉบFamily Planning Services
๐ŸฉบHealth counseling at iba pang pangunahing serbisyong pangkalusugan

Layunin:
Mapag-ugnay at maayos na maipatupad ang mga nakaplanong aktibidad upang mas mapalawak at mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng komunidadโ™ฅ๏ธ

๐Ÿ’ช๐Ÿพ

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 06/10/2026

โœจIsinagawa ang School-Based Immunization Advocacy para sa mga miyembro ng 4Ps kahapun ng oktobre 5,2026 sa madrasa, sa pangunguna ng midwife ng brgy kibayao maam Nhorbibz Bayao kasama ang bhw at bnw,upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata at kabataan.

๐ŸฉบTinalakay sa aktibidad ang mga benepisyo ng mga bakuna, mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna, at ang kahalagahan ng pagsunod sa tamang iskedyul ng bakuna.

๐ŸฉบHinikayat ang mga magulang na suportahan at hikayatin ang kanilang mga anak na magpabakuna bilang proteksyon laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

โ€œBakuna ay Proteksyon. Ibigay ang Tamang Bakuna sa Tamang Panahon.โ€

โœจLayunin ng adbokasiya na mapataas ang kaalaman at kamalayan ng mga magulang at komunidad tungkol sa kahalagahan ng School-Based Immunization Program.

Sama-samang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata at kabataan.โ™ฅ๏ธ

Photos from Bhs-kibayao Rhu-kapalawan's post 02/10/2026

1st day of October,2026โœจ

๐ŸฉบFAMILY PLANNING AT BAKUNA
Para sa Malusog at Ligtas na Pamilya
Ang Family Planning ay mahalagang bahagi ng responsableng pagiging magulang. Tinutulungan nito ang mag-asawa o mag-partner na makapagplano kung ilan ang kanilang magiging anak at kailan ang tamang pagitan ng pagbubuntis, ayon sa kanilang kalagayan at kagustuhan.
Ang bakuna naman ay proteksyon laban sa mga sakit na maaaring makasama sa ating mga anak at pamilya. Ang pagbabakuna sa tamang edad at iskedyul ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng buong komunidad.
Tandaan:
โค๏ธ Planuhin ang pamilya.
๐Ÿ’‰ Bakunahan ang mga anak sa tamang oras.
๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Bigyan sila ng sapat na agwat at pangangalaga.
๐Ÿฅ Kumonsulta sa Barangay Health Center para sa tamang impormasyon at serbisyo.

โ€œResponsableng Pagpapamilya, Kumpletong Bakuna โ€” Para sa Mas Malusog na Kinabukasan!โ€

Maraming salamat, butihing ina ng rhu kapalawan, ma'am Nars Vi๐Ÿ˜Œ๐Ÿซถ๐Ÿพ

โ™ฅ๏ธ

02/10/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿ“ขSCHOOL-BASED IMMUNIZATION Campaign
โ€œBakuna: Proteksyon Para sa Kalusugan ng Kabataanโ€
Kibayao High School
Para sa mga Grade 7 Learners at Kanilang mga Magulang/Tagapag-alaga
๐Ÿ“… Petsa: October 5, 2026
โฐ Oras: 9:00 AM
๐Ÿ“ Lugar: Kibayao High School
๐Ÿ“ข HALINA AT MAKIBAHAGI!
Inaanyayahan ang lahat ng Grade 7 students at kanilang mga magulang o tagapag-alaga na makilahok sa School-Based Immunization Campaign na isasagawa sa Kibayao High School.
Layunin ng aktibidad na maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna at mapalakas ang kamalayan ng mga magulang tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna.
๐Ÿ’‰ MGA BAKUNANG ISASAGAWA
Measles, Mumps and Rubella (MMR) Vaccine
Tetanus-containing Vaccine / Tetanus Toxoid
โค๏ธ BAKIT MAHALAGA ANG BAKUNA?
Ang pagbabakuna ay isang mahalagang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, maprotektahan ang bawat mag-aaral, at mapanatili ang ligtas at malusog na komunidad ng paaralan.
๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ง PARA SA MGA MAGULANG
Ang inyong kaalaman, pahintulot, at pakikiisa ay mahalaga upang maging matagumpay ang School-Based Immunization CAMPAIGN
Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak.
๐ŸŒŸ โ€œBAKUNA NGAYON, PROTEKSYON NGAYON AT SA HINAHARAP!โ€
October 5, 2026 | 9:00 AM
Kibayao High School

Other Health/Beauty in Glan

Show All

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bhs-kibayao Rhu-kapalawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Glan.