She Blogs for Christ
The Lord is my Shepherd. I shall not want. Proverbs 23:1
Her devotional blog
16/03/2026
https://collshp.com/ersheyjeansalas240?linkId=29545938&view=storefront
If you're looking where to buy your own Bible.
Here's mine π
Sa lahat ng gusto kong makamtam sa buhay, Ikaw pa din ang una kong hahanapin.
Matthew 6:33
"But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you."
KJV
04/03/2026
Jesus is not yet done with you.
Hello kapatid! Ang tagal na noong huli akong nagshare dito sa aking page. Since I came back from Nueva Ecija, I asked God to what He wants me to share pero kahit anong pilit kong pagtatype walang nabubuo hanggang this night I was reminded ng devotion ko kagabi. I'll be honest with you, I'm struggling with sin lately. Madaming lubak akong naranasan na parang bangungot na ayaw ko na balikan. Pero God meant it good for even naranasan ko yun I have the courage to choose Him daily. Kahit mahirap, kahit may kaunti akong naramdaman na shame. Nagpatuloy lang ako at hindi magpasakop sa nararamdaman ko. A quick update lang sa akin kapatid. π I turned 33 na pala last February.
So for a start kaya din shinare ko yun is because connected ito sa devotion ko tonight. Ito ay sa Luke 9:33 nasaksihan na ni Peter dito ang transfiguration ng Panginoon at nakita pa si Moses at Elijah na gusto nya pa gawan ng tent para may matuluyan sila. Dito ako naremind ng Panginoon na even lahat ng kahanga-hanga at kakaiba noong panahon na iyon ay nasaksihan ni Pedro pero nagawa parin niya na i-deny si Jesus. Not just once but thrice (Matthew 26:69-75) . Ano ang amazing dito? Kahit nangyari yun noong nabuhay maguli ang Panginoon sa ikatlong araw, personal pa rin na kinausap ni Jesus si Peter para tanungin kung mahal ba siya nito, not once but thrice too. And command him to take care of His sheep. Nagkasala man si Peter laban sa Kaniya pinatawad Siya ni Jesus at entrusted Him for far greater things to do. Just like me kapatid I still fall short and sinned but it doesn't mean Jesus doesn't love me anymore. He knows magkakamali ako as my sinful nature but He already paid it on the cross by shedding His blood so I can be save. He will never condemned you but give you grace to live and die for Him. Hindi ka nagiisa kung sa palagay mo wala ka ng pag-asa. Remind yourself of the good things God given and do to you. Kung gumigising ka pa tuwing umaga it is a sign that the Lord is not yet done with you. His mercy is new every morning (Lamentation 3:23)
Jesus Loves you kapatid!
28/01/2026
Why I need to Love myself
Dito sa verse na ito isa sa mga reason I knew Lord is intentional when it comes to our relationship with Him. Kasi as an update, I am in a journey of Loving MYSELF Genuinely. Napapatanong ako sa Lord how am I supposed to love myself 100 % . Ito yung sagot kaya pala tinuturuan Niya ako to love myself not just for my own gain but para magamit Niya sa kaluwalhatian Niya.
Una Niya tinuro sa akin is a surrender life. Na with out Him I am nothing. Kaya Niyang alisin lahat ng nagbibigay comfort sa akin hanggang sa wala na akong choice kundi bumalik sa Kaniya at maging God-reliant.
2nd To be disciplined and driven sa pinapa gawa Niya sa akin. Ayun nga to focus on my faith(Matthew 6:33 to seek first) and myself by being healthy and productive. Haha Kasi hingalin na ako at sakitin na katawan. Sabi ko Lord matanda na ba talaga ako? Paano Niya ako magagamit kung sakitin na ko. Ayun binigyan Niya ko ng kalakasan at disiplina sa pag 10k step at cal def. Yohoo sa mga nagpapahealthy dyan ngayon 2026 kasama niyo ako. Hahaha π
3rd To be delivered from my past traumas and renewal of my heart. Ito yung struggling para sa akin in my season of refining. Ang sakit kasi napapaalala sa akin(dahil ineexpose ng Lord) ang mga bagay na akala ko wala na pero dala-dala ko pa pala hanggang ngayon. Example: Naparamdam na sa akin na "pwede na yan, babae ka naman, magaasawa ka lang din naman pwede ka na kahit hanggang 2nd yr may mahahanap ka ng trabaho". Hindi ko namamalayan yung sugat na yun na akala ko wala na nga nagbunga pala ng self pity and underserving feeling. Na taga palakpak at congratulate lang ako para sa ibang tao. Na anumang mabubuting bagay sa mundo ay hindi para sa akin. Kaya ang mga naging choices ko sa buhay "pwede na ko sa simpleng buhay lang". Ito pala yung sakit na sa 32 yrs ng buhay ko ngayon ko lang maaddress. Ngayon ko lang maiisip na mahalin ng tunay ang sarili ko. Na mahal ako ng Panginoon at ang pagkatao ko ay nasa Kaniya at hindi sa tingin at sinasabi ng ibang tao sa akin. Na deserving ako para sa mabubuting gawa at plano ng Panginoon dahil mabuti Siya. Nagkaroon ng disiplina sa 10k step at control sa pagkain ko. Matutunan ang self-control at setting my boundaries. Boundaries for my spiritual and mental well-being . Magkaroon ng courage to say No. hehe mahirap sa akin yun noon e. Masakit itong season na ito kasi open wound pero healing and freedom ang kapalit naman ng lahat.
Dito papasok ang verse 31 na Love your neighbor as yourself. How can I do the 2nd most important command kung di ko alam paano mahalin ang sarili ko upang mahalin ko ang aking kapwa? Na sa akin there is no such thing as 2nd chances. If you hurt me, bye! Ang peg ko. as in bye. Haha Kapag gusto ko matuto ang isang tao in a hard way talaga. Na kapag may di magandang nangyari sayo deserve mo yun kasi may mali kang nagawa. Walang compassion, walang grace. Ganun ako ka harsh sa tao, NOON. haha by God's grace nawa nabago na sa akin ng Panginoon ngayon yun.
Kaya this season mabuti ang Panginoon sa pagbibigay sa akin ng mahabang araw para maipakita Niya pa ang paguugali at area ng buhay ko na dapat matabas,mag grow at magbunga sa akin. Upang magawa kong mahalin ang aking kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili. Paano magmahal? 1Corinthians 13 :4-7 kapatid try to open the Bible βΊοΈ Hindi man perfect pero masasabi ko na I am a "working progress" ng Panginoon para sa kaluwalhatian Niya. Para makita ng tao na ang Panginoon ko at taga-Pagligtas na si Jesus ay totoo.
Kaya kapatid kung sa palagay mo need mo ng prayer or listener, just message me and I'm willing to pray and listen for you.
Jesus loves you.
20/01/2026
Marcos 9:49-50
Naranasan mo na bang "alatin"? Sa ating mga Pinoy ito ang tawag sa taong talo o malas. Kadalasan naririnig kapag nagsusugal tayo. Pero gusto kong i-share kung ano yung Word na binigay ng Panginoon sa akin. Ito ay ang word na "PRESERVE". Ayun sa aking research π ang asin daw ay isa sa mga ingredients or condiments na pwede natin gamitin sa pagluto. Napapasarap nito at naipapalabas ang aroma ng karne o even yung gulay na iluluto natin. Ginagamit din na pang alis-lansa ng mga isda. At isa pa na pwede nyang pag gamitan ay preservation. Ginagamit nga ito sa yelo para hindi matunaw agad. Maging sa mga kimchi at iba pang ginagawa para maburo ang prutas o gulay.
Sabi ko kay Lord, may preaching na ako na narinig tungkol sa asin Lord pwede po ba na ipaalala mo sa akin to. Ang word na "preserve" nga ang naalala ko na word dito. Sabi ko, "bakit Lord? bakit preserve". Bigla ko naalala lahat ng ginagawa nya sa buhay ko recently. Yung mga pinaalis nya na bad habits ko, yung pag refine nya sa pagkatao ko as a believer of Him at higit sa lahat yung panunumbalik ng panlasa ko sa Kaniya. Yung joy at peace na binibigay ng quite time(devotion,prayer and worship) na tinabangan na akong gawin nung nakakaraan taon. Yung pagbabalik church ko na kinatamaran at kinatakutan ko din puntahan.
Pinaalala ng Panginoon na gusto Niya Siya ang maging "asin" ko na magpapalabas ulit ng sarap sa paglilingkod ko at magpapanatili ng pagmamahal at pananampalataya ko sa Kaniya. Naiyak ako when this message struck me. Sabi ko nga, "Opo Lord tama po kayo Panginoon" Hindi ko dapat kalimutan ang ilaw at asin na nagbibigay ng buhay sa akin at Ikaw po iyon. And sorry Lord dahil nakalimutan ko ang lahat nang iyon dahil sa ginusto ko ulit mamumuhay sa lumang ako.
Kaya anumang dinanas ko sa nakaraang mga taon, isa lang ang nagpatuloy sa buhay ko. God is good, faithful and will never change. Ito ako ngayon nagpapabuo ulit sa Panginoon. Kaya kapatid kung nakaranas ka din ng katulad ng akin. Hindi pa huli ang lahat at hindi hahayaan ng Panginoon na forever ka sa situation mo. Believe in Him kapatid.
Jesus loves you.
Jesus Glow π
Marcos 8:27-29 RTPV05
[27] Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpunta sa mga nayon ng Cesarea na sakop ng Filipos. Habang sila'y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, βAno ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin?β [28] Sumagot sila, βAng sabi po ng ilan, kayo daw po si Juan na Tagapagbautismo; sabi naman ng iba, si Elias daw kayo; may nagsasabi ring isa raw kayo sa mga propeta.β [29] βNgunit para sa inyo, ano ang masasabi ninyo tungkol sa akin?β tanong niya. Sumagot si Pedro, βKayo po ang Cristo.β
Alam mo ba na ang Panginoon ay relational at intentional sa Kaniyang mga alagad? Inaalam Niya kung ano ba ang lugar sa puso ng bawat isa at kung ano ang pagkakakilanlan sa Kaniya. Maraming ganap ang Diyos sa buhay natin. Andiyan na Siya ay Teacher, Provider, Brother, at maari din natin Siyang Kaibigan. Pero ang pinaka importante sa lahat ay Siya ang ating Panginoon at Tagapagligtas. Ibinigay ng Ama sa Langit upang tayo ay makalapit (by shedding of blood at the Cross)at makasama Niya sa buhay na walang hanggan(as you believe in Him).
Kapatid dalangin ko na magkaroon ka ng relasyon kay Jesus. Siya ang bubuo at kokompleto sa iyong buhay.
Jesus loves you.
07/06/2023
For only P179.00
07/04/2023
Satisfied customer ng Kirameku Toning Serum Pads. 1st and 5th day of using. π
Papahuli ka pa ba for only P219.00 ma-a-achieve mo na ang glowing skin.
pm me π
02/09/2022
FDA Aprroved kaya alam mong safe ka
02/09/2022
Ang retinol cream na usong-uso andito na sa Hermosa. π₯° For only P 239.00
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Hermosa
2111
