HoneLyn online selling.buy & sale.
Sampaguita Village. Zone-6, Parada, Buyo, Manito, Albay, Legazpi
Buy and sale kahit anong mga product..dealer.
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Easy-going Digital Program, Health/Beauty, Legazpi.
09/11/2026
Mahirap maging breadwinner.
Lalo na kapag nasanay ang buong pamilya na ikaw ang unang tatawagan kapag may kailangang bayaran.
May tuition. May gamot. May kuryente. May kamag-anak na kailangang tulungan.
At dahil mahal mo sila, hangga’t kaya mo, nagbibigay ka.
Pero paano naman kapag ikaw na ang nangailangan?
Hindi masama ang tumulong sa pamilya. Maganda nga yun, lalo na kung may kakayahan ka.
Pero hindi ibig sabihin na dahil ikaw ang kumikita, ikaw na ang dapat sumagot sa lahat.
May sarili ka ring bills. May kinabukasan ka ring kailangang paghandaan. May mga pangarap ka ring gustong maabot.
At kung may sarili ka nang asawa at mga anak, may responsibilidad ka rin sa kanila.
Kaya matuto kang magsabi kung hanggang saan lang ang kaya mong ibigay.
Pwede kang tumulong nang hindi sinasagot ang buong pangangailangan ng iba.
Tandaan mo, hindi nasusukat ang pagmamahal sa pamilya sa dami ng perang kaya mong ibigay.
Minsan, ang pinakamagandang tulong ay yung tinuturuan mo rin silang matutong tumayo sa sarili nilang paa.
06/11/2026
“PAG READY NA AKO SAKO KO NA GAWIN”
Sige nga, classmeyt. Paano mo malalaman na ready ka na? Gigising ka na lang isang Monday, biglang wala ka nang kaba? 😅
Good morning. May naalala ka bang unang beses mong bumiyahe mag isa? Yung bilin sa’yo, “Sabihin mo lang sa driver kung saan ka bababa.” Ang dali pakinggan nung nasa bahay ka pa. Nung nasa jeep ka na, bawat kanto parang yun na ata. Tapos may isang pasaherong pumara, muntik ka na ring bumaba. Eh iba naman pala ang pupuntahan niya. 😂
Ngayon, pag may nagtanong sa jeep, “Kuya, malayo pa po ba?” ikaw pa yung sumasagot. “Dalawang kanto pa. Sabihan kita.”
O, kailan ka naging ready? Naaalala mo ba yung eksaktong araw? Malamang hindi. Basta sumakay ka nung kailangan mong pumunta. Nagtanong ka nung hindi mo alam. Tapos nung kailangan mong bumalik, medyo kabisado mo na.
Kaya balikan natin yung lagi mong sinasabing “pag ready na ako.” Baka naman ang nagpapakaba sa’yo, pati yung problema sa susunod na anim na buwan, gusto mo nang sagutin ngayong umaga.
Gusto mong bumalik sa school. Ang dami mo nang iniisip. “Paano pag finals na? Paano pag may pasok ako? Baka ako pinakamatanda sa klase.” Teka lang, classmeyt. Alam mo na ba kung kailan ang enrollment? Baka yun muna ang tanungin mo. Pag alam mo na yung schedule, saka mo tingnan kung kaya.
O baka may kapatid kang gustong kausapin. Sa isip mo, nakasampung sagutan na kayo. May sagot ka na nga sa sasabihin niya, eh ilang buwan na kayong hindi nag uusap. Pwedeng “Ate, libre ka mamaya? Tawagan sana kita.” Hayaan mo rin siyang sumagot para malaman mo kung tama ba yung buong eksenang ginawa mo sa utak mo.
Minsan ganyan kasimple magsimula yung Quantum Leap mo. Kinakabahan ka pa rin, pero may nalaman ka na. May nakausap ka na. May susunod ka nang gagawin kasi sinubukan mo yung una.
Classmeyt, nung unang sakay mo, hindi mo naman kailangang kabisado lahat ng kanto. Marunong ka lang magtanong ng “Dadaan po ba kayo sa amin?” Sapat na yun para makasakay ka.
Kaya anong matagal mo nang sinasabing “balang araw”? Kung isang tanong lang ang kaya mong gawin tungkol dun ngayong umaga, ano yun? At kanino mo pwedeng itanong?
05/11/2026
KUNG HINDI MO ALAM ANG TOTOO HUWAG MONG IKWENTO NA PARANG FIRST HAND MO NALAMAN
“Narinig ko lang din.”
Pero bago mo sinabi yun, naikwento mo na sa tatlong tao na parang nandun ka mismo.
May pangalan nang nadamay. May mga taong naniwala. Tapos ang depensa natin, hindi naman tayo ang nagsimula.
Classmeyt, kahit hindi sa’yo galing, may pananagutan ka sa pinapasa mo.
Bago mo ikwento, alamin mo muna kung saan nanggaling at kung may basehan. Kung wala, pwede namang sa’yo na matapos yung kwento.
Hindi lahat ng alam mong ikwento, kailangan mong ikalat.
Always remember to spread more love and positivity rather than spread any negativity. Ang dami ng ganap ngayon sa mundo, sana good vibes naman ang ikalat mo kung talagang hindi mo mapigilan.
Love and Light everyone!
02/11/2026
Gusto mong may mabago? PERO PAG IKAW NA ANG TINUTURUAN KAILANGAN NAMAN NA PALAGI KANG TAMA?
ANG LABO NAMAN NUN CLASSMEYT!
Gusto mong gumaling sa negosyo. Gusto mong dumami ang customer. Naghahanap ka ng advice sa mga taong mas maganda ang resulta kaysa sa’yo.
Pero kapag may pinapabago na sa paraan mo, doon ka na nagsisimulang makipagtalo.
“Alam ko na yan.”
“Nasubukan ko na yan dati.”
“Hindi uubra yan sa akin.”
Minsan, hindi pa nga naipapaliwanag kung paano gawin, may dahilan ka na kung bakit hindi pwede.
Classmeyt, kung bawat itinuturo sa’yo kailangan mo munang kontrahin, paano ka matututo?
Halimbawa, may nagturo sa’yo kung paano mas maayos kausapin ang customer. Pero dahil matagal ka nang nagbebenta, pakiramdam mo wala ka nang kailangang baguhin. Ang gusto mong marinig, tama yung ginagawa mo at kailangan mo lang ituloy.
Eh paano kung may paraan palang mas okay? Paano kung may hindi ka napapansin na yun pala ang dahilan kung bakit hindi bumabalik yung customer?
Hindi mo malalaman kung sa unang suggestion pa lang, sarado ka na agad.
Hindi naman lahat ng advice kailangan mong sundin. May mga diskarte talagang hindi bagay sa sitwasyon mo. Pero intindihin mo muna bago mo sabihing hindi uubra.
Magtanong ka.
“Paano mo ginawa?”
“Anong binago mo?”
“Anong pwede kong subukan?”
Mas may mapapala ka sa mga tanong na yan kaysa sa mahabang paliwanag kung bakit wala kang kailangang baguhin.
At kapag may nakita kang magandang punto, gawin mo. Bigyan mo ng pagkakataong gumana. Tingnan mo kung may improvement, saka ka magdesisyon kung itutuloy mo.
Kasi kahit gaano kagaling yung nagtuturo sa’yo, kung pagkatapos ng usapan pareho pa rin ang gagawin mo, paano magkakaroon ng ibang resulta?
Walang nakakabawas sa kakayahan mo kapag sinabi mong, “Hindi ko pa alam yan. Paturo naman.”
Kahit matagal ka na sa negosyo, may matututunan ka pa rin.
Kaya sa susunod na may magturo sa’yo, subukan mong makinig nang hindi mo kailangang patunayan na may alam ka rin.
Baka doon mo marinig yung matagal mo nang kailangang matutunan.
27/10/2026
SA TOTOONG BUHAY, WALANG KUMPANYA, WALANG BANGKO, WALANG GOBYERNO AT WALANG PANGARAP ANG MAAWA SA DAMI NG LUHA MO.
(Huwag kang mag scroll, Classmate. Basahin mo 'to hanggang dulo.)
Kasi sabi ko nga, paulit ulit ko namang sinasabi, ang common attitude ng marami sa atin kapag may sinubukang bago, nag apply sa trabaho, o may hinahabol na goal sa buhay, tapos hindi agad nakuha yung gusto nilang resulta ay etong tatlo:
1) Nagiging emosyonal at nagdadrama.
2)Maninisi.
3) Tapos biglang sasabihin, "Ay, malas talaga ako, baka hindi para sa akin 'to."
Alam mo kung bakit? Kasi let's face it eh, nasanay tayo noong bata pa tayo na kapag napagalitan o napalo tayo, iiyak lang tayo nang malakas, hihinto na yung magulang natin o ibibigay na yung gusto natin.
Ang problema, nadadala natin 'yun hanggang sa pagtanda.
But end of the day, ang tanong ko sa'yo: kung iiyak ka lang at maghahanap ng sisisihin, giginhawa ba ang buhay mo? Of course not. Kasi sa totoong mundo, hindi binabayaran ang emosyon, ang nirereward lang lagi ay yung resulta at solusyon.
Now, ano yung point ko dito? Gusto mo malaman yung greatest formula na ginamit ko sa buhay?
Kailangan matuto kang maging AGGRESSIVELY PATIENT.
Maging Patient ka: Tanggapin natin na may mga bagay na hindi makukuha overnight. Kahit gaano katagal umulan, darating at darating yung tamang oras na sisikat din ang araw. Kaya huwag kang malungkot, antayin mo yung bigger picture at ituloy tuloy mo lang 'yan.
Maging Aggressive ka: Hindi naman pupwedeng gusto mo ng sobrang sarap na buhay, tapos yung ginagawa mo, sobrang chill lang. Habang naghihintay ka ng tamang panahon, gumawa ka ng paraan! Kung kulang ang kinikita ngayon, maghanap ka ng dagdag na source of income na pwede mong isabay sa ginagawa mo, mag aral ng bagong skill, at galingan mo pa lalo sa craft mo.
Mas madaling gumawa ng paraan kaysa iasa ang kapalaran mo sa swerte o magreklamo sa mga bagay na hindi naman natin makokontrol.
Kaya sa akin, ang gusto ko lang sabihin sa'yo, Classmate, ay clarity.
Patapos na naman ang taon. Magpapasko na naman.
Ano ba talaga ang gusto mo para sa sarili mo at sa pamilya mo? Pareho pa rin ba yung sasabihin mong dahilan katulad last year, o gagawa ka na ng paraan ngayon para pagdating ng oras, kahit gaano man magtaas ang mga bilihin, hinding hindi ka na maaapektuhan?
Always remember this: end of the day, irereciprocate lang lagi ng buhay kung ano yung sakripisyong binibigay natin. Kung gusto mo ng mas mataas at mas magandang buhay, meron ding kapalit na sakripisyo na mas mataas kaysa sa ginagawa ng ibang tao.
Tuloy tuloy lang tayo, Classmate. May nag aantay na mas magandang kwento diyan sa pinagdadaanan mo ngayon. 👍👍
Ishare o itag mo 'to sa kaibigan o kapamilya mo na kailangang makabasa nito ngayon. 👇
PS. Hindi po tayo bulag bulagan sa mga nangyayari sa bansa natin, totoo po na nakakapanghina minsan, pero ang katotohanan ng buhay ay survival of the fittest. May kailangan tayong gawin, hindi pwede na hahayaan na lang natin na puro lang reklamo, kailangan din natin ng aksyon. At ang pinakaunang bagay na kaya mo makontrol ay walang iba kung hindi ang sarili mo.
24/10/2026
PANSIN MO RIN BA?
Na kapag nasa traffic ka, may mga driver na palipat-lipat ng lane?
Konting usad sa kabila, lilipat agad. Kapag bumagal naman doon, balik ulit sa dati.
Minsan, mauunahan ka nila. Pero pagdating sa susunod na stoplight, magkatabi na naman kayo.
Ganyan din minsan sa buhay.
Nakikita mong may bagong negosyo yung kaibigan mo, gusto mo na rin. May kumikita sa ibang industry, gusto mo na ring lumipat. May kakilala kang mabilis umasenso, napapaisip ka kung tama pa ba yung ginagawa mo.
Walang masama sa paghahanap ng mas magandang opportunity.
Pero kung bawat makikita mong umaabante, susundan mo agad, baka maubos lang ang oras mo sa kakapalit ng direksyon.
Hindi lahat ng mabilis, malayo ang nararating. At hindi lahat ng mabagal, napag-iiwanan.
Minsan, mas importante na alam mo kung saan ka papunta kaysa lagi mong iniisip kung sino ang nauuna sa'yo.
23/10/2026
MINSAN MAS MADALING MAKILALA ANG UGALI NG TAO KAPAG WALA KA NANG MAIBIGAY SAKANYA
Napansin mo ba?
May mga taong sobrang bait sa'yo habang may kailangan sila. Ang bilis mag-reply, ang daling kausap, at parang ang lapit ninyo sa isa't isa.
Kahit matagal kayong hindi nagkita, biglang may kumustahan. Minsan may konting kwentuhan muna bago sabihin kung ano talaga ang pakay.
At kapag natulungan mo, siyempre masaya sila. Nagpapasalamat, nangangamusta, at minsan sasabihin pa na hindi nila makakalimutan ang ginawa mo.
Pero habang tumatagal, may mapapansin ka.
Kapag wala ka nang maibigay, wala ka nang maitulong, o minsan isang beses ka lang tumanggi, biglang nag-iiba ang pakikitungo.
Yung dating ang bilis sumagot, ngayon parang hindi ka na kilala.
Pero hindi ibig sabihin na lahat ng lumalayo, ginagamit ka lang. May kanya-kanya tayong problema, responsibilidad, at priorities sa buhay.
Ang punto ko lang, may malaking difference ang taong lumalapit dahil may kailangan at ang taong lumalapit dahil talagang pinapahalagahan ka.
Kasi ang totoong respeto, hindi dapat nakadepende sa kung ano ang napapala ng isang tao sa'yo.
Kaya habang tumatagal, matuto kang obserbahan ang mga tao.
Hindi mo kailangang subukan sila, awayin, o putulin agad ang connection ninyo.
Tingnan mo lang kung paano ka nila tratuhin sa mga panahong wala kang maibigay.
Kasi minsan, doon mo malalaman kung sino ang nagpapahalaga sa'yo bilang tao, at kung sino ang nagpapahalaga lang sa pakinabang na nakukuha nila sa'yo
21/10/2026
BAKA NAKIKIUSO KA LANG KAYA KAPAG MAHIRAP NA UMAATRAS KA NA?
May mga taong may magandang bahay, bagong sasakyan, successful na negosyo, at kung saan-saan nakakapag-travel. Tapos ikaw, nagtatrabaho araw-araw, nagbabayad ng bills, at parang ang layo mo pa rin sa gusto mong marating.
Kaya minsan, napapaisip ka. Bakit sila ang layo na ng narating, samantalang ikaw, na andiyan pa rin?
Pero teka muna, classmeyt.
Sure ka bang gusto mo talaga yung buhay nila?
Gusto mo ba talaga ng malaking negosyo kung kapalit naman nun, halos wala ka nang oras sa pamilya? Gusto mo ba ng mamahaling sasakyan kung kailangan mong magtrabaho nang doble para lang mabayaran? O gusto mo lang magkaroon ng ganun kasi nakikita mong meron ang iba?
Walang masama sa mangarap nang malaki. Walang masama sa gustong umasenso. In fact, DAPAT LANG NA MAGSIKAP KANG PAGANDAHIN ANG BUHAY MO.
Pero magkaiba ang pangarap na pinili mo at pangarap na nakigaya lang.
Baka habang busy kang habulin ang meron ang iba, nakakalimutan mo nang pahalagahan yung mga bagay na importante talaga sa'yo.
Hindi lahat ng may malaking bahay, masaya. Hindi lahat ng maraming pera, may peace of mind. At hindi rin ibig sabihin na kapag simple ang buhay mo, ay totoong masaya at my fulfillment na.
Kaya bago ka mainggit sa success ng ibang tao, tanungin mo muna ang sarili mo.
Kung walang ibang taong makakakita ng achievements mo, gugustuhin mo pa rin ba yung buhay na hinahabol mo?
Kasi ang tunay na success, hindi lang nasusukat sa dami ng meron ka.
Nasusukat din yan sa kung gaano kalapit ang buhay na binubuo mo sa buhay na gusto mo talaga.
Baka kaya hirap kang matupad yung sinasabi mo na pangarap mo kasi sa totoo lang, kinopya mo lang naman talaga?
Gising, classmeyt, it's time to fulfill yung totoo mong pangarap sa buhay ;)
20/10/2026
5 BAGAY NA HINDI MO DAPAT IKAGUILTY SA BUHAY
1. Hindi pagbibigay kapag wala ka na ring matira.
Hindi porke may trabaho ka, obligasyon mo nang sagutin lahat ng problema ng pamilya.
2. Pagpili ng sarili mo paminsan-minsan.
Hindi ka selfish dahil gusto mo ring ma-enjoy ang perang pinaghirapan mo.
3. Pagtanggi sa mga taong laging may kailangan.
Pwede kang maging mabuting tao kahit hindi ka laging available.
4. Hindi ka naiinggit sa acomplishment ng iba.
Kung may bahay at kotse na sila habang ikaw nag-iipon pa lang, hindi ibig sabihin napag-iwanan ka na.
5. Pagpapahinga ng saglit kahit marami ka pang gustong maabot.
Hindi mo kailangang ubusin ang sarili mo para lang masabing nagsisikap ka.
Tandaan mo, may responsibilidad ka rin sa sarili mo. Hindi lang sa ibang tao.
Minsan sa sobrang kagustuhan nating maging mabuting anak, magulang, asawa, o kaibigan, nakakalimutan na nating may sarili rin tayong pangangailangan.
Walang masama sa pagtulong. Pero sana habang inaayos mo ang buhay ng ibang tao, hindi mo naman napapabayaan ang sarili mong buhay. 💯🧡
19/10/2026
PANSIN MO RIN BA?
Na kapag nasa traffic ka, may mga driver na palipat-lipat ng lane?
Konting usad sa kabila, lilipat agad. Kapag bumagal naman doon, balik ulit sa dati.
Minsan, mauunahan ka nila. Pero pagdating sa susunod na stoplight, magkatabi na naman kayo.
Ganyan din minsan sa buhay.
Nakikita mong may bagong negosyo yung kaibigan mo, gusto mo na rin. May kumikita sa ibang industry, gusto mo na ring lumipat. May kakilala kang mabilis umasenso, napapaisip ka kung tama pa ba yung ginagawa mo.
Walang masama sa paghahanap ng mas magandang opportunity.
Pero kung bawat makikita mong umaabante, susundan mo agad, baka maubos lang ang oras mo sa kakapalit ng direksyon.
Hindi lahat ng mabilis, malayo ang nararating. At hindi lahat ng mabagal, napag-iiwanan.
Minsan, mas importante na alam mo kung saan ka papunta kaysa lagi mong iniisip kung sino ang nauuna sa'yo
Sampaguita Village. Zone-6, Parada, Buyo, Manito, Albay, Legazpi
Buy and sale kahit anong mga product..dealer.
Legazpi
Bawal mag
Gogon Legazpi City, Legazpi 4500
The first ever Local Skincare Brand in the Philippines that uses SeaSalt Water to achieve a more spe
Legazpi
USANA is the manufacturer of the world's highest-rated Cellular Nutrition Programs, used by more than 3000 Olympians and Professional Athletes worldwide for perfect body function, ...
Legazpi
Online Shop/Retail/Distributor
Banqerohan, Legazpi 4500
�Ukay-Ukay, PreLove, And Others�
Tagas Daraga Albay, Legazpi
Legazpi
hard working
Purok3 Brgy. 58 Buraguis, Legazpi 4500
Leliosa aramo
Be the first to know and let us send you an email when Easy-going Digital Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
We will notify you when anything happens in Legazpi.
Save businesses and follow local categories.
Complete the verification to continue.