Skip to content
Salons10
Hope in God’s Promises

Hope in God’s Promises

Tonton East Lingayen Pangasinan, Lingayen

°Finding Hope Through God’s Word Everyday

°Encouragement. Faith. God’s Promises.

°Daily Reminder of God’s Faithfulness

°Where Hope Meets God’s Word

21/10/2026

Hindi mo kailangan magpanggap na malakas sa harapan ng Diyos.

Alam mo kung bakit? Dahil kilala ka Niya nang higit pa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Alam Niya ang laman ng puso mo, ang mga bagay na bumabagabag sa isip mo, at ang mga laban na pinipili mong hindi ikuwento sa iba.

Maaari mong itago ang nararamdaman mo sa mga tao, ngunit hindi mo kailangang gawin iyon sa Diyos. Hindi dahil hindi Niya alam ang pinagdaraanan mo, kundi dahil nais Niyang matutuhan mong dalhin sa Kanya ang lahat ng bagay.

Huwag mong hintaying maging maayos ang lahat bago ka manalangin. Huwag mong hintaying mawala ang lungkot bago ka lumapit. At huwag mong isipin na kailangan mong maging karapat-dapat sa Kanyang presensya sa pamamagitan ng pagpapakita na matatag ka.

Lumapit ka sa Kanya kung ano ka ngayon.

Ang tunay na relasyon sa Diyos ay hindi tungkol sa pagpapakitang kaya mo ang lahat. Ito ay tungkol sa pagkilala na kailangan mo Siya sa mga bagay na hindi mo kayang harapin nang mag-isa.

Kaya maging totoo ka sa Kanya. Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ng Diyos na nakakakilala sa puso mo.

“Trust in him at all times; ye people, pour out your heart before him.” — Psalm 62:8

01/09/2026

Dear: Young people

Paano kung hindi ka naman talaga niya iniwan, pero si Lord mismo ang nag-alis sa kanya sa buhay mo?”

Minsan, may mga taong gusto nating manatili, pero hindi lahat ng gusto nating manatili ay kailangan nating makasama hanggang dulo.

At mahirap iyon tanggapin—lalo na kapag mahalaga sila sa’yo.

Kasi kung ikaw ang pagbibigyan ng desisyon, baka sila pa rin ang piliin mo. Baka kahit alam mong kailangan mo nang bumitaw, pipiliin mo pa ring kumapit.

Kaya minsan, si Lord na mismo ang nag-aalis.

Hindi para parusahan ka.
Hindi para saktan ka.
Kundi para protektahan ka.

May mga pagkakataon na hindi natin nakikita kung
paano naaapektuhan ng isang tao ang direction ng buhay natin.

Pero nakikita ni Lord ang buong picture. Alam Niya kung sino ang makakatulong sa purpose na inilaan Niya para sa’yo at kung sino ang maaaring maging dahilan para malayo ka rito.

Kaya baka ang pagkawala na ipinagdadasal mong maibalik ay siya palang sagot ni Lord sa panalangin mong “Lord, ilayo Mo ako sa mga bagay na hindi para sa akin.

Proverbs 3:5–6 (KJV)
“Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.”

Hindi mo kailangang maintindihan agad kung bakit Niya sila inalis. Trust Him.

Baka sa ngayon, pagkawala ang nakikita mo.
Pero sa plano ni Lord, protection pala.

Baka akala mo may kinuha Siya sa’yo, pero ang totoo, may pinoprotektahan Siya sa’yo—ang purpose, ang future, at ang direction na inihanda Niya para sa buhay mo.

Kaya kung may taong hindi na kasama sa journey mo ngayon, huwag mong piliting ibalik ang isang bagay na baka si Lord mismo ang nagsara.

Sometimes, God removes people from your life not to punish you, but to protect your purpose.

At baka balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit kinailangan Niyang gawin iyon.😊❤️

29/08/2026

Minsan iniisip natin na kailangan natin ng malaking platform, malaking audience, o malaking pagkakataon para maibahagi ang Salita ng Diyos.

Pero hindi laging ganoon.

Hindi mo kailangang nasa pulpito para magsalita tungkol kay Jesus. Hindi mo kailangang maraming followers para maging instrumento ng Diyos.

Sa school, sa trabaho, sa bahay, sa mga kaibigan—kahit saan ka dalhin ng Diyos, may pagkakataon kang maging liwanag at magbahagi ng Kanyang Salita.

Sabi ni Jesus:
“Go ye into all the world, and preach the gospel to every creature.”
— Mark 16:15 KJV

Hindi sinabi ni Jesus na gawin lang ito kapag nasa loob tayo ng church.
Dalhin natin ang Gospel sa labas.

Kung may taong nangangailangan ng encouragement, gamitin mo ang Salita ng Diyos.

Kung may kaibigan kang nawawalan ng pag-asa, ipaalala mo sa kanya si Jesus.

Kung may taong hindi pa nakakakilala sa Panginoon, maging instrumento ka para marinig niya ang Gospel.

Hindi natin alam kung gaano kalaki ang magiging epekto ng isang simpleng verse, isang testimony, o isang salita tungkol kay Jesus.

Kaya huwag nating ikulong ang Gospel sa simbahan.

Dalhin natin ito sa ating araw-araw na buhay.

Sa bawat lugar na pupuntahan natin, may kaluluwang maaaring makarinig tungkol kay Jesus.

Hindi kailangan ng malaking stage.
Kailangan lang ng pusong willing gamitin ng Diyos.

📖 Be a voice. Be a light. Share Jesus.

25/08/2026

Minsan, we pray for someone na makakasama natin habang buhay. Someone who will love us, understand us, and stay with us through every season.

Pero sana, hindi lang life partner ang ipag-pray natin. Pray also for a ministry partner—someone who will grow with us in faith, serve with us, pray with us, and help us stay closer to God.

Because a godly relationship is not just about having someone beside you. It’s about having someone who shares the same purpose and desire to serve God with you.

Hindi naman kailangan na pareho kayo ng lahat. Ang mahalaga, pareho kayong may direction—toward Christ and His purpose.

The right person will not distract you from your calling. They will encourage you, pray with you, and help you fulfill it. 🙏❤️

20/08/2026

Hindi lahat ng pagsubok ay para sirain ka—minsan ito ay para patibayin ka.

Darating ang araw na maiintindihan mo kung bakit kailangan mong dumaan sa hirap.

Darating ang panahon na makikita mo na ang plano ng Diyos ay mas maganda kaysa sa inaasahan mo.

So habang dumadaan ka sa bawat pagsubok, keep trusting God. Keep holding on.
Keep believing. Because when the right time comes, God Himself will make it happen.
✨🙏

“When the time is right, I the Lord will make it happen.” — Isaiah 60:22

11/06/2026

HINDI KA INLOVE, NA-ATTACH KA LANG

Akala mo pag naiisip mo siya araw-araw, love na.

Akala mo pag namimiss mo siya, love na.

Akala mo pag hindi ka mapakali kapag hindi siya nagre-reply, love na.

Pero sandali...

Paano kung hindi pagmamahal ang nararamdaman mo?

Paano kung attachment lang?

Attachment ang nagsasabing, "Kailangan ko siya para sumaya."

Pero ang tunay na pag-ibig ay nagsasabing, "Kahit wala siya, buo pa rin ako kay Cristo."

Attachment ang nakabase sa presensya.

Love ang nakabase sa prinsipyo.

Attachment ang takot mawalan.

Love ang marunong maghintay.

Attachment ang mabilis mahulog.

Love ang marunong sumunod sa kalooban ng Diyos.

Maraming kabataan ang nasasaktan hindi dahil iniwan sila ng taong mahal nila, kundi dahil kinuha ang taong pinagkukunan nila ng seguridad.

Kaya noong nawala ang tao, parang nawala rin ang kanilang mundo.

Pero kapatid, hindi tao ang dapat sentro ng buhay mo.

Hindi boyfriend. Hindi girlfriend. Hindi crush. Hindi relasyon.

Si Jesus.

Dahil kapag si Cristo ang sentro, hindi ka basta-bastang madudurog kapag may umalis.

Mahal mo man ang isang tao, huwag mong gawing diyos ang taong iyon.

Dahil ang pag-ibig na hindi nakasentro sa Diyos, madalas nauuwi sa pagkakabit sa tao kaysa pagkakalapit sa Panginoon.

Kaya bago mo sabihin na, "In love ako..."

Tanungin mo muna ang sarili mo:

"Mahal ko ba siya, o natatakot lang akong mag-isa?"

"Pag-ibig ba ito, o attachment?"

"Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it."

— Proverbs 4:23 (NIV)

Bantayan mo ang puso mo.

Dahil hindi lahat ng malakas na emosyon ay pag-ibig.

Minsan, hindi ka in love.

Na-attach ka lang. ❤️‍🩹🙏🏻

27/03/2026

Hindi lahat ng sakit ay para lang saktan ka…

minsan, ginagamit ito ni God para hubugin ka sa taong kaya mong maging.

May mga bagay na kailangan masira para may mas magandang mabuo.

May mga luha na kailangan pumatak para matuto kang lumaban ulit.

Hindi mo man naiintindihan ngayon,
pero darating yung araw na masasabi mo…

“Ah, kaya pala nangyari lahat yun.”
Kapit lang.

May purpose ang bawat sakit. 🤍

05/03/2026

Minsan mapapatanong tayo kay Lord: “Kailan po?”

Kailan darating yung tamang tao? Kailan mangyayari yung mga bagay na matagal ko nang hinihintay?

Lalo na kapag nakikita natin yung iba na parang nauuna na—may relasyon na, may plano na sa buhay.

Minsan hindi natin maiwasan na maramdaman na parang tayo ay nahuhuli.

Pero pinaaalala sa atin ng Isaiah 60:22: “When the time is right, I the Lord will make it happen.”

Ibig sabihin, may sariling oras ang Diyos para sa lahat. Hindi Siya nahuhuli at hindi rin Siya nagkakamali sa timing.

Kung nasa season ka ngayon ng pagiging single, huwag mong isipin na ikaw ay nakalimutan.

Sometimes God uses this season to prepare your heart, to strengthen your faith, and to teach you how to be whole even when you’re alone.

Hindi lahat ng paghihintay ay pagkawala—minsan ito ay paghahanda.

Darating ang araw na maiintindihan mo kung bakit kailangan mong maghintay.

Darating ang panahon na makikita mo na ang plano ng Diyos ay mas maganda kaysa sa sarili mong plano.

So habang nasa waiting season ka, keep trusting God. Keep growing.

Keep believing. Because when the right time comes, God Himself will make it happen. ✨🙏

04/03/2026

"True love reflects God’s love: patient, kind, and full of grace.

In every challenge, trust Him to guide your hearts, strengthen your bond, and fill your relationship with understanding, forgiveness, and joy.

Walk together in faith, support each other’s dreams, and let God’s love shine through every act of kindness and every shared moment.

Remember, the strongest love is rooted in Him, and with Him, every journey together becomes a blessing."

Shalom🩵

02/03/2026

📌Ecclesiastes 12:1

Sa panahon natin ngayon, nakikita natin ang mga nangyayari sa mundo—may mga gyera, sakuna, kaguluhan, takot, at kawalan ng katiyakan sa hinaharap.

Araw-araw parang pinapaalala sa atin na ang buhay ay hindi sigurado.
Sinasabi ng Biblia na sa mga huling araw magkakaroon ng mga digmaan, kaguluhan, at maraming puso ang manlalamig.

At habang nangyayari ang lahat ng ito, may isang tanong ang Diyos sa bawat isa sa atin:
Kailan mo ibibigay ang buhay mo at lakas sa Akin?

Marami ang naghihintay ng tamang panahon para lumapit sa Diyos. Pero paano kung ang hinihintay nating bukas ay hindi na dumating? Paano kung ngayon na pala ang oras ng pagtawag ng Diyos sa atin?

Hindi aksidente na naririnig mo ang awit na ito ngayon. Isa itong paalala na habang may oras pa, habang may lakas pa, habang may pagkakataon pa—ibigay na natin ang ating buhay sa Panginoon.

Dahil darating ang panahon na hindi na tanong kung handa ba tayo… kundi kung kanino ba talaga nakaalay ang buhay natin.
Kung hindi ngayon, kailan pa, kailan pa?

📌Acts 2:38

SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI☝️🙌🙌

Other Lingayen beauty salons

Show All
  • Marvellous Glowing Skin

    Marvellous Glowing Skin

    Lingayen, Pangasinan, Lingayen 2401

    Crystal White Skin will give you the best and authentic product just for you and for your skin to he

  • NEWME Beauty Products

    NEWME Beauty Products

    Yanes Building Maramba Boulevard, Lingayen 2401

    PLEASE CLICK THE LINK BELOW TO ORDER 👇 https://slpi.com.ph/Shop/Product.aspx?p=06b3072f-09c6-400b-8f0f-362c97a907e9&c=WAI3XY

  • V Brows Aesthetic

    V Brows Aesthetic

    Avenida Rizal East Poblacion, Lingayen 2401

    V Brows was 2 years in business, a certified artist and well trained in beauty aesthetic services.

  • Qavulujan

    Qavulujan

    Lingayen

    Doon tayo sa totoo lang..

  • Luxxe Products Shop

    Luxxe Products Shop

    Basing East Lingayen Pangasinan, Lingayen 2401

    Health beauty and wellness

  • Skin Awakened

    Skin Awakened

    Lingayen

    𝘽𝙚 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙞𝙛𝙪𝙡 𝙀𝙫𝙚𝙧𝙮𝙙𝙖𝙮 𝘼𝙣𝙙 𝘽𝙚

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hope in God’s Promises posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Lingayen.