Miss Chai

Miss Chai

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Miss Chai, Health/Beauty, Lipa City.

Founder and CEO of Her Choice Ph - a beauty brand with a mission of providing quality and accessible beauty and personal care products while creating opportunities for people to earn, grow, and build better lives.

30/08/2026

Misis, hindi mo kailangang kumita para patunayan na kaya mong mabuhay nang wala ang asawa mo.

Minsan, kumikita ka dahil gusto mong iparamdam sa kanya na hindi niya kailangang buhatin ang pamilya ninyo nang mag-isa habang buhay.

We often talk about husbands being providers. And there is something beautiful about a man who willingly carries that responsibility. Pero minsan nakakalimutan natin na ang mga provider, napapagod din.

May mga araw din na worried sila kung sapat ba ang kinikita nila. May mga gabing hindi sila makatulog dahil iniisip nila ang bills, tuition, negosyo, trabaho, at kinabukasan ng pamilya.

At maraming lalaki ang hindi nagsasabi.

They simply wake up the next morning and continue providing.

Kaya kung dumating ang panahon na kaya mo nang magkaroon ng sarili mong income, hindi mo kailangang tingnan iyon bilang competition.

Think of it as another pair of hands carrying the same dream.

Hindi kailangang pantayan mo ang sweldo niya. Hindi kailangang ikaw na ang magbayad ng lahat. Kahit may sarili ka lang na income na kayang sumagot sa groceries, tuition, emergency, o kahit ilang gastusin sa bahay, nababawasan mo na ang bigat na pasan niya.

At higit sa pera, may mas malalim na mensahe iyon:

“Hindi mo kailangang maging malakas palagi. Partner mo ako. Kapag napagod ka, nandito ako.”

Because marriage was never supposed to be one person carrying everything while the other simply watches.

May seasons na siya ang mas malakas.
May seasons na ikaw naman.
May panahon na siya ang sasalo sa’yo.
At sana, kapag kailangan niya, kaya mo ring sumalo sa kanya.

That is why having your own income doesn’t have to mean, “Hindi kita kailangan.”

Sometimes, it means the exact opposite:

“Mahal kita enough to build myself too, para hindi ikaw lang ang kailangang maging sandalan ng pamilya natin.”

Marriage is not about who earns more or who provides more.

It is two people building enough strength that when life becomes too heavy for one, the other can quietly say,

“Ako naman. Sasalo ako.” ❤️

30/08/2026

Baka may mga damit siyang hindi binili dahil mas kailangan mo ng bagong sapatos. May mga pagkain siyang gustong kainin pero sinabi niyang, “Busog pa ako,” para sa’yo na lang ang huling piraso. May mga pangarap siyang ipinagpaliban, mga lakad na hindi pinuntahan, mga gabing pagod na pagod na siya pero bumangon pa rin dahil may anak na nangangailangan sa kanya.

At habang lumalaki tayo, madaling makita ang mga bagay na hindi nila naibigay.

Bakit hindi siya naging mas patient?
Bakit hindi niya ako mas naintindihan?
Bakit hindi niya nagawa ito para sa akin?

Valid naman na may mga pagkakataong nasaktan tayo. Ang pagiging nanay ay hindi nangangahulugang hindi na siya maaaring magkamali. Hindi rin kailangang burahin ang sakit natin para lang kilalanin ang sakripisyo niya.

Pero habang tumatanda tayo, may isa tayong bagay na unti-unting naiintindihan:

Nanay was also a person before she became our mother.

May mga takot din siya. May mga pangarap. May mga pagkakataong hindi rin niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. She was raising a child while carrying her own problems, healing from things we may never know about, and figuring out life at the same time.

At maraming nanay ang sobrang nasanay na unahin ang lahat, hanggang dumating sa puntong hindi na nila maalala kung kailan nila huling tinanong ang sarili nila:

“Ako naman, okay pa ba ako?”

Kaya minsan, bago natin bilangin ang mga pagkakataong nagkulang sila sa atin, bilangin din natin ang mga pagkakataong sila ang piniling mawalan para tayo ang magkaroon.

Hindi man naging perfect ang nanay mo, baka marami sa mga bagay na meron ka ngayon ay bunga ng mga bagay na tahimik niyang isinuko noon.

And perhaps one of the most beautiful things we can do when we finally grow up is this:

See our mothers not only as “Mama,” but as women, too.

Mga babaeng napagod. Nasaktan. Nangarap. Nagkamali. Nagsakripisyo.

At sa maraming pagkakataon, minahal tayo sa paraan na sila naman ang nauubos. ❤️

28/08/2026

Hindi lahat ng babae kailangang may corporate title, sariling negosyo, o paycheck para masabing successful. Success can also look like choosing to build a home, raise your children, and be present for your family.

Ang mahalaga, choice mo iyon.

Hindi dahil sinabi sa’yo na iyon lang ang kaya mo. Hindi dahil pinagbawalan kang mangarap. At hindi dahil wala kang ibang option.

You chose it because you and your husband decided that this is what works for your family.

And when that happens, marriage should recognize that both people are contributing just in different ways.

One may bring home the paycheck, while the other makes it possible for the household to function every single day.

Habang nagtatrabaho ang isa, may isang nag-aalaga ng mga anak. May nag-aasikaso ng bahay. May nag-iisip ng pagkain, schedules, school activities, appointments, groceries, bills, at napakaraming maliliit na bagay na halos hindi napapansin until nobody does them.

That is labor too.

Kaya kung napag-usapan ninyong mag-asawa na ikaw muna ang nasa bahay, hindi ibig sabihin noon na mas maliit ang contribution mo dahil wala kang sweldo.

But partnership also means your sacrifice should never be used to make you feel powerless.

Kung isinantabi mo muna ang career mo para sa pamilya, that sacrifice deserves acknowledgment. You should still have a voice in financial decisions. You should still have access to family resources. You should still be encouraged to learn, grow, dream, and prepare for your own future.

Because being provided for should never mean being controlled.

At ang pagiging housewife ay hindi pagkawala ng identity mo bilang babae.

You are still allowed to have dreams.
You are still allowed to build skills.
You are still allowed to have something of your own.

And someday, if you decide you want to work, start a business, or earn your own money, that does not mean you suddenly stopped valuing your family.

It simply means your season has changed.

Marriage is not about asking, “Sino ang mas malaki ang ambag?”

It is about two people recognizing that money is not the only form of contribution and that every sacrifice made for the family deserves respect. ❤️

27/08/2026

Because success was never supposed to have only one definition.

May babaeng fulfilled sa career niya. May babaeng gustong magtayo ng negosyo. May babaeng gustong pagsabayin ang motherhood at career. At mayroon ding babaeng genuinely happy na piliing manatili muna sa bahay, alagaan ang mga anak, at maging present sa mga taon na alam niyang hindi na babalik.

None of these choices makes one woman more valuable than another.

Ang pagiging housewife ay hindi kawalan ng ambition. Sometimes, it is a woman consciously deciding that, for this season of her life, her family is where she wants to invest most of her time, energy, and presence.

And there is dignity in that choice.

Pero may isang mahalagang distinction:

Choice ba talaga ito or ito lang ang choice na naiwan sa’yo?

Magkaiba ang “Pinili kong manatili sa bahay” sa “Hindi ako pinayagang gumawa ng ibang bagay.”

Magkaiba ang “Masaya akong inaalagaan ang pamilya ko” sa “Ito lang daw ang dapat kong gawin dahil babae ako.”

At magkaiba ang “My husband provides for us and we agreed on this arrangement” sa “Wala akong access sa pera, wala akong say sa decisions, at kailangan kong humingi ng permiso para sa lahat.”

Because a beautiful sacrifice is still supposed to come with dignity, respect, and a voice.

Kung pinili mong maging housewife, own that choice proudly. Hindi mo kailangang maliitin ang sarili mo dahil wala kang job title na mailalagay pagkatapos ng pangalan mo.

But please, don’t disappear inside that role either.

Keep learning. Know your family’s finances. Maintain skills you can return to someday. Have friendships. Have dreams. Have something that reminds you that before you became someone’s wife and someone’s mother, you were already a whole person.

And if one day you decide you want something different, you should be allowed to grow into that version of yourself too.

Because empowerment is not telling every woman, “Kailangan mong magtrabaho.”

Empowerment is making sure she has enough freedom, respect, capability, and support to genuinely say:

“Ito ang buhay na pinili ko not because this was my only option, but because this is what I want.” ❤️

26/08/2026

“Gusto kong kumita, pero wala akong puhunan.”

Misis, hindi lahat ng income kailangan magsimula sa malaking capital. Sometimes, ang puhunan mo muna ay phone mo, skills mo, oras mo, at kung ano ang meron ka ngayon.

Pwede kang mag-affiliate, mag-pre-order selling, mag-offer ng service, maging reseller, magbenta ng mga gamit na hindi mo na ginagamit, or pagkakitaan ang skills at knowledge na meron ka na.

Huwag mong hintayin na kumpleto ang resources mo bago ka magsimula.

Your first goal doesn’t have to be ₱50,000. Start with your first ₱500.

Because sometimes, your first income becomes your first capital. ❤️

26/08/2026

“Housewife lang ako.”

Misis, sana huwag mong lagyan ng “lang” ang isang role na nangangailangan ng napakaraming sakripisyo.

Being a housewife may not come with a salary, a job title, or a payslip at the end of the month but that does not mean you are not working.

Ikaw ang gumigising na iniisip kung ano ang kakainin ng pamilya. Ikaw ang nag-aasikaso ng bahay, ng mga anak, ng schedules, ng mga kailangan bilhin, dalhin, tandaan at ayusin. At madalas, kahit pagod ka na, tuloy pa rin because unlike a regular job, motherhood and homemaking do not always have an “out.”

Walang clock-in.
Walang clock-out.
Walang overtime pay.
At minsan, kahit day off, wala.

And perhaps the hardest part is that much of this work is invisible.

Kapag maayos ang bahay, parang normal lang.
Kapag may pagkain, expected lang.
Kapag okay ang mga anak, parang kusa lang silang lumaki.

But behind that “normal” is a woman who has given countless hours of her life making sure everyone else is okay.

That is work. That is contribution. That is love expressed through labor.

Kaya walang masama sa pagiging housewife, lalo na kung iyon ang napag-usapan at pinili ninyong mag-asawa. Marriage is a partnership. Hindi kailangang pareho kayong may paycheck para masabing pareho kayong may ambag.

One may be earning outside the home while the other is holding the home together.

Pero habang inaalagaan mo ang pamilya mo, sana huwag mong kalimutang alagaan din ang sarili mong pagkatao.

Keep learning. Keep building skills. Know your family finances. Have dreams that are still yours. And when you’re ready, if you want to earn something of your own, you are allowed to grow without feeling that your years as a housewife were “nothing.”

Because you were never “housewife lang.”

You are a woman whose work may not always appear on a payroll, but its value can be seen in the family you help hold together every single day. ❤️

26/08/2026

Ang pagkakaroon ng sariling pera ng isang misis ay hindi tungkol sa paghahanda para umalis. It’s about knowing that even if life changes, she can still stand.

Kasi ang buhay, hindi naman natin kontrolado lahat.

Pwedeng mawalan ng trabaho si Mister. Pwedeng magkaroon ng emergency. Pwedeng may kailangang tulungan sa pamilya. At minsan, wala namang problema, may gusto ka lang bilhin para sa sarili mo nang hindi mo kailangang itanong kung “pwede ba?”

There is a quiet dignity in having something that you earned yourself.

Yung makapag-abot ka kay Mama nang hindi galing sa budget ng bahay.
Yung makapagkape ka with friends nang walang guilt.

Yung may emergency at ang una mong naiisip ay, “May mahuhugot ako,” hindi “Sino ang hihingan ko?”

Hindi ibig sabihin nito na hindi sapat ang asawa mo.

At lalong hindi ibig sabihin na ayaw mong umasa sa kanya dahil ayaw mo sa kanya.

You can be deeply loved, well provided for, and still want to be financially capable.

Because there is a difference between being with someone because you need them to survive and being with someone because, every single day, you still choose them.

Misis, magkaroon ka ng sariling pera.

Hindi para magkaroon ka ng dahilan para umalis.

Kundi para kahit kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa, siya pa rin ang pinipili mong katabi. ❤️

25/08/2026

Commercial break muna pang extra income. Lagi niyong tinatanong anong lipstick ko sa lahat ng videos ko, so heto na! 😅

25/08/2026

A highly attractive wife has a life outside her marriage.

Hindi ibig sabihin na kapag may sariling dreams, hobbies, career, business, or friends ang isang misis ay hindi na niya mahal ang asawa niya.

In fact, having your own life can make your marriage healthier.

Kasi kapag buong identity mo nakasentro lang sa husband mo, madaling mawala yung sense of self mo. Unti-unti mong nakakalimutan kung sino ka, ano ang gusto mo, at ano yung mga pangarap mo bago ka naging wife.

A healthy marriage is not about two people losing themselves in each other.

It’s about two whole people choosing to build a life together.

Be a loving wife. Be a supportive partner. Be present for your family.

But don’t forget to have something that is uniquely yours.

Your own dreams.
Your own growth.
Your own interests.
Your own identity.

Because being a wife is a beautiful part of who you are,

but it should never be the only thing that defines you. ❤️

24/08/2026

Softness and strength can exist in the same woman. 🙂

Pwedeng soft ka, loving, and feminine without being weak.

Pwedeng gentle ka sa husband mo, pero marunong ka pa ring magsabi kapag may bagay na hindi okay sa’yo.

Pwedeng supportive ka, pero hindi ibig sabihin kailangan mong mawala ang sarili mo para lang maging mabuting asawa.

Pwedeng marunong kang mag-compromise, pero alam mo rin kung kailan kailangan mong mag-set ng boundaries.

Because being feminine doesn’t mean being powerless.

Hindi mo kailangang maging matigas para maging strong.
Hindi mo kailangang maging aggressive para marinig.
At hindi mo kailangang mawala ang softness mo para respetuhin ka.

The most attractive woman is one who has a soft heart, but a strong sense of self.

She knows how to love deeply without forgetting who she is.

And maybe that’s the kind of femininity we should all strive for - soft enough to love, but strong enough to never abandon herself. ❤️

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Lipa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Lipa City
8423