Random Stories
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Random Stories, San Jose del Monte.
07/06/2026
Maging mapagmasid.
Maraming hindi sang-ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pero mahirap ding itanggi na may punto siya.
Ang mga grupong dati'y magkakaiba ng kulay at paninindigan ay tila nagkakaisa ngayon sa iisang direksyon.
Sa tingin mo, tama ba siya?
π Kayo ang humusga.
π€·π»ββοΈπ₯΄
π₯΄π
MARCOLETA OR TULFO?
06/06/2026
Scripted daw?
Itinuro nila ang ilan sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa, at isinapanganib hindi lamang ang kanilang sarili kundi pati ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya. Tapos sasabihin lang na scripted?
Kung talagang walang saysay ang kanilang mga pahayag, bakit hindi agad sila pinaharap sa isang bukas at patas na pagdinig upang masuri ang katotohanan ng kanilang mga alegasyon?
Bakit noong mga nakaraang administrasyon ng Senado ay hindi sila nabigyan ng pagkakataong magsalita? Bakit kahit may mga imbestigasyon at komite na nabuo, hindi rin sila agad pinakinggan?
At kung scripted nga ito, bakit tila may matinding pagtutol sa kanilang pagharap at pagtestigo? Bakit hanggang sa huling sandali ay may mga hakbang na ginagawa upang pigilan ang pagdinig?
May ilan ding bumabatikos dahil hindi raw sila mahusay magsalita o minsan ay nalilito sa ilang detalye. Pero tandaan natin: mga sundalo sila, hindi mga abogado o batikang politiko. Ang isang taong nagsasalaysay ng totoong karanasan ay maaaring makalimot ng ilang detalye sa paglipas ng panahon. Sa katunayan, mas kahina-hinala pa kung perpektong-perpekto at kabisadong-kabisado ang bawat salita at detalye.
May nagsasabing binayaran daw sila ng milyon-milyon. Ngunit nasaan ang matibay na ebidensiya para sa akusasyong iyon? At kung pera lamang ang motibo, bakit nila hahamunin ang mga taong may kapangyarihan at impluwensiya na maaaring magdulot ng panganib sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay?
Bilang mga dating sundalo, nanumpa silang paglilingkuran at ipagtatanggol ang bayan kahit pa isugal ang sariling buhay. Maaari tayong hindi sumang-ayon sa kanila, ngunit hindi dapat basta-basta husgahan ang kanilang motibo nang walang sapat na batayan.
Sa huli, ang tunay na mahalagang tanong ay hindi kung sino ang kakampi natin sa politika, kundi kung nalalaman ba natin ang buong katotohanan at kung may pananagutan ba ang sinumang nagkamali.
Nakakalungkot kapag mas inuuna natin ang pag-atake sa isa't isa kaysa ang paghahanap ng katotohanan para sa kapakanan ng bayan. π΅ππ₯²
SALUTE TO 18 MARINES
Di nagtugma ang sinasabi e π₯΄
04/06/2026
Although these two senators are not currently performing their duties, they are still LEGALLY senators. They have not resigned, so they remain part of the 24-member Senate.
Parang sa isang pamilya lang 'yanβkapag naglayas ba ang isang anak, hindi na agad siya parte ng pamilya?
Hindi naman. Parte pa rin siya ng pamilya kahit wala siya sa bahay.
Simpleng logic lang.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
San Jose Del Monte
