bicolano grab driver

bicolano grab driver

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from bicolano grab driver, Health/Beauty, 43_12 purok 3 buntong palay silangan San Mateo rizal, San Mateo.

10/04/2026
16/01/2026
16/01/2026

"๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—น๐—ผ, ๐—ต๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถโ€ โ€” ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฒ, ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ผ

Isang matapang at madamdaming panawagan para sa hustisya ang inilabas sa social media ni Monica Ganton Linga, ina ng 11-taong gulang na si Rafaele o Rafraf, ang batang nasawi matapos masagasaan ng isang pickup truck habang tumatawid sa pedestrian lane.

Sa kanyang opisyal na pahayag sa Facebook, sinabi ni Linga na agad siyang nagsampa ng kaso kinabukasan ng kanyang pagdating, at mariin niyang itinanggi na may naganap na anumang areglo.

โ€œWalang anumang halaga ng pera ang makakatumbas sa buhay ng anak ko,โ€ aniya.

โ€œHindi ito aksidente โ€” ito ay malinaw na kapabayaan at reckless driving.โ€

Ayon sa salaysay ng ina, malinaw sa CCTV footage na maingat na tumawid si Rafaele.

Tumingin umano ito sa kaliwa at kanan, huminto, at sinigurong ligtas bago tumakbo sa pedestrian lane matapos tumigil ang isang sasakyan para magbigay-daan.

Ngunit sa gitna ng sandaling iyon, isang pickup truck ang overtake at humarurot sa nakahintong truck โ€” isang desisyong naging mitsa ng trahedya.

โ€œAng walang-ingat na pag-overtake ang pumatay sa anak ko,โ€ pahayag ni Linga.

โ€œSolo parent ako. Siya ang buong buhay ko.โ€

Ibinahagi rin ni Linga ang bigat ng kanyang pinagdaraanan bilang isang solo parent na ang kaisa-isang anak ay biglang nawala.

โ€œSi Rafaele ang buong mundo ko. Ang buong buhay ko.โ€

Ngunit bukod sa sakit ng pagkawala, isa pang pasanin ang kanyang hinaharap: ang pakiramdam na ang responsable ay maaaring makalaya sa piyansa habang ang kanyang anak ay wala nang babalikan.

โ€œMay impluwensya sila. May koneksyon. Kaya kailangan ko ang inyong boses.โ€

Sa kanyang pagtatapos, nanawagan si Linga sa publiko na tumindig kasama niya sa paghahanap ng hustisya.

โ€œLalaban ako hanggang sa huli para sa anak ko. Ang hinihingi ko ay hustisya.โ€

Kasama ng kanyang post ang hashtag , na ngayon ay unti-unting kumakalat sa social media bilang simbolo ng isang ina na tumangging manahimik para makamit ang hustisya para sa anak.

05/01/2026
Want your business to be the top-listed Beauty Salon in San Mateo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


43_12 Purok 3 Buntong Palay Silangan San Mateo Rizal
San Mateo
1850