Nel Version 2.0

Nel Version 2.0

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nel Version 2.0, Beauty, cosmetic & personal care, Santo Domingo.

15/07/2025

Thank You Po President Ferdinand Marcos Jr. ❤️🙏

GOOD NEWS!

BAYAN NG SANTO DOMINGO, TUMANGGAP NG PTV MULA KAY PBBM!

Isa ang Bayan ng Santo Domingo sa mga tumanggap ng bagong Patient Transport Vehicle (PTV) mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ginanap na Awarding Ceremony sa Quirino Grandstand, City of Manila nitong July 9, 2025. Personal na tinanggap ni Hon. Mayor Engr. Leonido DL. De Guzman Jr. ang PTV sa nasabing okasyon.Ito ay naging posible sa pamamagitan ni former Mayor at ngayon ay Municipal Administrator Imee C. Llado - De Guzman na syang nagrequest noong panahon pa ng kanyang administrasyon. Ang PTV ay equipped ng mga essential medical tools gaya ng stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor at ipa pa na syang magagamit ng ating mga kababayan sa oras ng Emergency. Ang Bayan ng Santo Domingo sa pangunguna ni Mayor Boy De Guzman ay lubos na nagpapasalamat kay Pangulong Marcos at sa PCSO.

Photos from Nel Version 2.0's post 05/08/2024

CONGRATULATIONS To Our Very Own, Hon. Mayor Imee Llado dE Guzman 🫰❤️👏

BAYAN NG SANTO DOMINGO UMANI NG PARANGAL SA CENTRAL LUZON SANDUGO AWARDING CEREMONY! 🏆

Nakatanggap ng iba’t-ibang parangal ang bayan ng Santo Domingo sa katatapos na Central Luzon Sandugo Awarding Ceremony sa Clark, Pampanga nitong July 30, 2024. Ang nasabing awarding ceremony ay naglalayong bigyang pugay ang mga bayan at probinsya sa buong Central Luzon na nanguna at nagpamalas ng kanilang dedikasyon sa programa ng Blood Donation. Ang ating bayan ay natanggap ang mga sumusunod na parangal:

🔘 TOP 1 Municipality with the Most Number of Successfully Bled Blood Donors in the Year 2023 / HOME OF MANY HEROES AWARD
🔘 TOP 1 Municipality with the Greatest Number of Repeat Blood Donors in the Year 2023 / HOME OF THE HEALTHIEST HEROES AWARD
🔘 TOP 2 Municipality with the Most Number of Mobile Blood Donation Activity Conducted in the Year 2023 / SAFEGUARD OF BLOOD SUPPLY AWARD

Dumalo sa awarding ceremony na ito ang ating butihing Mayora Imee C. Llado-De Guzman, Municipal Health Officer Dr. Dexter Mar U. De Guzman, at Municipal Blood Program Coordinator Anselmo V. Santos Jr. upang tanggapin ang mga nabanggit na parangal.

Ang atin pong Municipal Health Office at ang buong Pamahalaang Bayan ng Santo Domingo ay lubos nagpapasalamat sa Central Luzon Center for Health Development (CHD) at Regional Blood Center (RBC) para sa mga pagkilala na ito. Sa lahat ng ating mga katuwang sa pagsasagawa ng ating blood donation activities: sa ating mga sponsor, sa buong Sangguniang Bayan ng Santo Domingo sa pangunguna ni Vice Mayor Jhelyn Domingo-Velasco, ang ating mga konsehal ng bayan konsi Lovely Joy Paulino, Jojo Gozum, Arland Andres, Jun De Leon, Emerson Matias, Jun Bugaoan, Olive Pascual, W***y Maniego, Liga ng Barangay President Bobby Bermejo, Sangguniang Kabataan Federation President Edmund Juan, sa ating mga civic groups, mga punong barangay at kagawad, sangguniang kabataan, BHWs at BNS, maraming-maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa ating blood donation program.

At higit sa lahat, sa atin pong mga BLOOD DONORS na patuloy na naniniwala sa ating adhikain at buong tapang na nagbibigay ng kanilang dugo, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyo. Ang tagumpay pong ito ng ating bayan ay dahil sa inyo, kaya naman ang mga parangal na ito ay parangal para sa ating lahat!

Muli, maraming salamat po at Congratulations sa ating lahat! 💕

ng Santo Domingo

04/08/2024

Ang Ganda Ni Mayora, Ang Ganda Din Ng Obra! Mabuhay Ka Jamia. ❤️🫰🙏👏

Tanggal ang pagod ko!

Matapos makapag-payout ng ating ayuda para sa mga Lolo at Lola sa 7 barangays ay sinalubong ako ng pagkagandang regalo na gawa ng ating kaibigan, Jamia at Hombrebueno Chucky Caparas. Nakakatuwa kase labor of love ito at hand-made talaga.

Sobrang ganda ng likha mo, Jamia. Kanina pa ako paikot ikot at naghahanap kung saan maganda isabit ang macrame art na ito. Isang obra!

Super thank you! 🤗❤️😘

04/08/2024

With Rafael Rosell – I just got recognized as one of their rising fans! 🎉

25/07/2024

HOROSCOPE FOR TODAY

July 26, 2024

Aries
(March 21 - April 19)
Bumukod kung makakaya para hindi makarinig sa iba. Iba ang nakatayo sa sariling paa at kumakayod ng walang inaabala. Kung ipapakita mo na kaya mong buhayin ang sarili at pamilya, wala sila sa iyong masasabi. Kahit simpleng buhay at pamamahay ang maipundar ay sapat na para magkaroon ng pribadong kanlungan.

Lucky number: 15, 34, 16
Lucky color: yellow, blue

Ta**us
(April 20 - May 20)
Mag focus sa pamilya at huwag hayaang mapunta sa iba ang attention na para sa kanila. Maraming ingay sa mundo at maraming tao na maaaring magbigay ng distraction sa buhay mo. Ang oras na natitira sa trabaho ay ireserved sa kanila. Kahit nasusuportahan ang pangangailangan nila iba pa din yung ramdaman nilang andyan ka.

Lucky number: 7, 24, 30
Lucky color: green, blue

Gemini
(May 21 - June 20)
Kailangan pag isipan kung anong kabuhayan ang kailangan dahil ito magbibigay ng kalinawan sa pinansyal. Huwag magtyaga sa maliit na kita kung may magandang tsansa sa ibang kumpanya. Doon ka sa benepisyong hindi katulad ng iba para hindi ma stress pa. Maging wise sa paghahanap ng career para pagod mo ay maging sulit.

Lucky number: 14, 47, 51
Lucky color: yellow, green

Cancer
(June 21 - July 22)
Huwag tanggapin ang mga taong nang iwan sa iyo nung bagsak na bagsak ka. Huwag basta maniwala sa kanilang sasabihin at hayaang harapin nila ang kanilang sariling problema. Kung hindi nila inalala ang sitwasyon mo noon, hayaan mong manindigan sila sa sarili nila ngayon. Hindi ito pagganti, tanda lang ito na may respeto ka at limitasyon sa sarili.

Lucky number: 17, 15, 20
Lucky color: green, pink

Leo
(July 23 - August 22)
Pati karelasyon mo ay iuunderestimate ng ibang tao na akala mo kung sinong perpekto. Ikaw ang mas nakakakilala sa iyong kapareha kaya ipaglaban mo sya sa mga taong mapanghusga. Ang personal mong buhay ay huwag hayaan mapakialaman ng mga taong wala naman ambag. Hanggat magkasundo kayong magkapareha ay walang problema, hindi mo rin kailangan makinig sa mga taong puro mali mo lang ang sasabihin.

Lucky number: 4, 12, 20
Lucky color: violet, red

Virgo
(August 23 - September 22)
Hindi lahat ay natutuwa sa iyo kahit natutuwa ka sa achievements nila. Kahit naka focus ka sa sarili, kakumpetensya pa din ang tingin sa iyo. Gusto ka nilang daigin, pero sa iyo pa din lumalapit. Mahahalata mo sa kanilang kilos na gusto ka lang gamitin para sa kanilang personal na hangarin. Hindi lahat ng kadugo at kamag anak ay iyong kaanib, minsan gusto lang nilang dumikit para alamin kung paano ka pabagsakin.

Lucky number: 6, 23, 44
Lucky color: white, orange

Libra
(September 23 - October 22)
Gusto kang higitan ng ibang tao para ipakita na mas angat sila sa iyo. Hindi nila matanggap na nagagawa mo ang gusto mo habang sila ay walang pagbabago. Kita naman na sila ay hirap, hindi pa rin nila matanggap. May mga tao sa paligid na hindi natutuwa sa nararating mo at kahit hindi mo inaano ay apektado.

Lucky number: 27, 23, 18
Lucky color: white, red

Scorpio
(October 23 - November 21)
Bago tulungan ang iba siguraduhin muna na kaya din nilang tulungan ang sarili nila. Sayang ang effort kung lahat ay iyong isusubo at iaabot habang sila ay ayaw sumulong. Mahirap makisama sa mga taong palaasa dahil baka maubos ang iyong pasensya ay makapagsalita ka pa. Baka sabihin nilang hindi naman nila hinihingi ang iyong tulong at ikaw lang ang nagmamarunong.

Lucky number: 34, 17, 20
Lucky color: blue, yellow

Sagittarius
(November 22 - December 21)
Hindi maiiwasan sumama ang iyong kalooban sa mga taong walang paninindigan. Aasa ka sa kanilang mga salita na hindi naman pala magagawa. Buo ang iyong paniniwala na magiging masaya ka, pero kabiguan lang pala ang dala. Sa susunod ay sa sarili ka na lang umasa para mawala man sila, alam mo na iyong makakaya.

Lucky number: 34, 16, 29
Lucky color: violet, pink

Capricorn
(December 22 - January 19)
Kung nakakaramdam ka ng bigat sa iyong kinalalagyan ay lumayo muna. Hindi masamang umiwas kung alam mong hindi maganda ang vibes. Marami ka pang mapupuntahan kung saan pwedeng maging kalmado ang isipan. Hanapin kung saan ka nararapat dahil mararamdaman mo ang asenso kung ang isang bagay o lugar talagang para sa iyo.

Lucky number: 17, 25, 39
Lucky color: gray, red

Aquarius
(January 20 - February 18)
Kung mahalaga ka sa isang tao gagawa ito ng paraan para makasama ka at hindi magdadahilan. Mararamdaman mo naman kung may importansya ka sa kanya o baka ikaw lang ang umaasa. Sabihin ang opinion sa relasyon baka makatulong at mawala ang anumang duda na nararamdaman mo. Kung sa tingin mo totoo sya sa iyo, ipagpatuloy mo. Pero kung ang mga salita nya ay kabaligtaran ng ginagawa nya baka magkaroon lang kayo ng problema.

Lucky number: 23, 44, 51
Lucky color: yellow, red

Pisces
(February 19 - March 20)
Marami kang gustong sabihin pero pinipilit mo na lang manahimik. Nahihirapan na ang iyong dibdib, pero wala pa din umiintindi. Nasanay silang ginagawa mo kung anong makakaya para magsurvived ang pamilya, pero minsan ay binibigyan ka pa din ng problema. Lahat ng bigat ay iyong pinapasan at tila ba ayaw nilang makipagtulungan.

Lucky number: 3, 11, 9
Lucky color: blue, brown

12/07/2023

Sino Po Bet Ng Santol ?
Punta Lang Po Kayo Dito Sa Amin. Libre Po!
Kayo Nga Lang Ang Aakyat O Manunungkit. 😉🙂

13/09/2022

Good Day Brgy. Concepcion!

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Santo Domingo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Santo Domingo