SK Rowenas Garden
IPAGPATULOY ANG PAGBABAGO
06/06/2026
ππ PRAISE REPORT | SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION 2026 ππ
Bago magsimula ang nalalapit na pasukan, matagumpay tayong nakapagbahagi ng mga school supplies para sa mga batang mag-aaral ng Rowenas. Maaaring hindi man ito sapat upang matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan, ngunit makakabawas man ito sa kanilang mga gastusin para sa bagong taon ng pag-aaral.
Sa kabuuan, 147 na bata mula Elementarya hanggang High School ang nabigyan natin ng school supplies.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa dalawang batch: unang batch noong Mayo 30, 2026 at ikalawang batch noong Hunyo 6, 2026.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay at nagbahagi ng kanilang mga biyaya upang maging matagumpay ang programang ito. Ang inyong kabutihang-loob ay nagbigay ng saya at inspirasyon sa ating mga mag-aaral.
Espesyal na pasasalamat kina Kapitan Inye Pacleb, MISSION, Ma'am Espiridion, Sir Cat at Ma'am Anie at Sangguniang Kabataan of Barangay Dolores Taytay, Rizal, pati na rin sa lahat ng mga donors at volunteers na naging daan upang maiparating ang tulong sa mga bata ng Rowenas.
Dahil sa inyong suporta, mas marami pa tayong batang natulungan sa kanilang pag-aaral. Nawa'y patuloy nating maipadama ang malasakit at pagkakaisa para sa kapakanan ng ating komunidad.
π Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa mga bata ng Rowenas!
05/06/2026
Rowenas Basketball League Awardingππ
Congrats po sa lahat ng Nanalong mga teams at Salamat po sa lahat ng Mga sumali. Isang Successful na Basketball League nanaman po Ang ating natapos. Isang karangalan po ng Rowenas Youth Organization ang paglingkuran kayo. Maraming maraming Salamat po.
At Syempre Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng Tumulong at Nag sponsor Para sa ating pa Liga. Sobrang laking pasasalamat po ng Rowenas Youth Organization para po sa mga Nag abot ng tulong at Nakiisa sa ginanap nating Rowenas Basketball League Awarding.
Maraming Maraming Salamat po sa Lahat ng Nag Sponsor at tumulong
Del Mundo LustaSangguniang Kabataan of Barangay Dolores Taytay, RizalalMayor Allan De Leonon
Youth Development Office
CJ Torres
Pamahalaang Barangay Dolores Taytay,Rizal
At sa lahat po ng Tumulong Maraming maraming Salamat po
Well Done ππππ
17/04/2026
π’ Accomplishment Report!
Libreng Eye Check-Up ποΈ
Isang mapagpalang araw po aming ibinabahagi sa inyo ang matagumpay na Libreng Eye Check-Up na ginanap noong April 15, 2026 para sa mga tao mula sa komunidad ng Rowenas Garden.
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Rotary Club Makati, katuwang ang suporta ng Brgy. Dolores sa pamumuno ni Kapitan Inye Pacleb, ni Mayor Allan De Leon , at ng Sangguniang Kabataan of Barangay Dolores Taytay, Rizal. Lubos din po kaming nagpapasalamat sa River of Life Community Fellowship - Church of the Nazarene sa pagpapagamit ng kanilang simbahan bilang lugar ng ating gawain.
Sa tulong ng ating Taytay Command Center - Mdrrmo (DRRMO Team) sa pag-assist sa mga tao, at sa pagkakaisa ng bawat isa, maraming kababayan ang nabigyan ng pagkakataong masuri ang kanilang mga mata at makatanggap ng tamang payo para sa kanilang kalusugan. Tunay na naging malaking biyaya ang programang ito sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito, at sa pagbabahagi ng inyong oras, pagod, at malasakit upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Sa Diyos ang lahat ng papuri at pasasalamat! π
Kita kits po mga taga ROWENAS Garden sa April 15 para sa Libreng Check Up. God blessed you po.
24/03/2026
β¨ Magandang Araw, Kapitbahay! β¨
May libreng tulong-medikal na handog para sa ating komunidad! π
Join us sa ating FREE CHECK UP this coming April 15, 2026 | 9:00 AM onwards
π Blk. 1 Rowenas Garden, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal
π‘ Available Services:
β Vision Screening
β Cataract Screening
β Prosthetic Legs Assessment & Interview
β Cleft Lip Assessment & Interview
Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan, tara na at samahan ninyo kami! π
Libre na, makakatulong paβpara sa mas malusog na komunidad π
π€ Sama-sama tayo sa pag-aalaga ng isaβt isa.
Kita-kits po tayo!
π Tagapagtaguyod:
SK Rowenas
Gintong Aral Youth in Action
River of Life Community Fellowship β Church of the Nazarene
π
26/05/2025
Last May 24, 2025 at RLCF Church in Taytay, Rizal. The Youth for Safety β Taytay Cluster successfully conducted a rollout focused on understanding and preventing online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) and child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM). The program also incorporated information relevant to Republic Act No. 11930.
The Youth for Safety β Taytay Cluster's orientation was a resounding success. The smooth program flow was greatly facilitated by the active Youth for Safety officers, participation of attendees, and church youth leaders.
We extend our sincere appreciation to all participants and attendees. We especially thank our esteemed speakers, Mr. Julius Macandog and Mrs. Regine Ladores Apdal, for their invaluable contributions and insightful presentations. Their expertise significantly enhanced the program's impact and provided crucial knowledge to the youth.
We would also like to thank our partners who helped make this program successful: River of Life Community Fellowship (RLCF), Gintong Aral Youth In Action For Community Transformation (GAYAC), and Blk 1 Rowenas Garden Sangguniang Kabataan.
Ang ROLLOUT na ito ay hindi lamang isang orientationβkundi isang simula sa magandang pagbabago.
24/05/2025
Tuloy na Tuloy na ang Paliga ni SKπ€ kita kits sa May 28, 2025
Bakbakan na ng malalakasππͺπͺ
03/05/2025
May 3, 2025
Maraming salamat sa mga tumulong maglinis Ng Creekside natin sa Rowena's Garden, salamat NYI ng River of life Community fellowship, Kay Brod Benji Espiloy Mula una Hanggang sa huli kasama ko kayo natapos natin linisin Ang Creekside maraming salamat Po sa uulitin ule mga Brother, At Sana nabusog kayo sa sopas na niluto kanina marami din salamat sa nagluto Ng sopas Evora Pulido@Antonette Ocfemia sarap Ng luto niyo. Pagpalain kayo na panginoon God blessed to all, Next Saturday Po ule kita kits ule,
14/04/2025
Advance Happy Fiesta Rowena's Garden
ITO NA PO ANG PINAKAHIHINTAY NG LAHAT AT MASAYANG ARAW NA ATING INAABANGAN. SAMA SAMA PO TAYO MAG SAYA, MAGKULITAN, MAGPASIKLABAN, MAGPALAKASAN.
GAMES:
SACK RACE WITH FULL FACE HELMET
BRING ME
SALUHIN MO ITLOG KO
PAHABAAN: "UBUSAN NG GAMIT"
FLOUR BLOWING
COOKIE FACE
BALOON POPPING
TUG OF WAR
SHOT PUNO
PALOSEBO
AGAWAN BUKO
- Binyagan Bayan
" BOODLE FIGHT FOR ALL "
" SAYAWAN NIGHT FOR ALL "
" ROWENAS GOT TALENT"
1ST PLACE - 3K
2ND PLACE - 2K
3RD PLACE - 1K
For Registration Fee: 50.00 pesos
For more info:
Antonett Ocfemia
Mark Barcial
Mark Vincent Agnote
TAYO NA PO! "ARAW NG PASASALAMAT"
"HAPPY FIESTA ROWENAS GARDEN"
APRIL 24-25, 2025
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Blk 1 Rowenas Garden
Taytay
1920
