Luigi Dominguez
“Sa maliit man o malaking bagay, may magagawa tayong lahat para sa bayan.”
04/08/2026
BAYANIHAN CHALLENGE 2.0 | DAY 3
Maliwanag ba sa inyong lugar?
Pili lang ng sagot at huwag kalimutang ilagay ang inyong SITIO sa comment.
A. Maliwanag
B. Madilim
C. Sakto lang
📝 Halimbawa:
A – Sitio Batimana
B – Sitio Riverside
Tara, mga Kabarangay! Mahalaga ang inyong sagot upang malaman natin ang kalagayan ng bawat sitio sa Marulas.
04/08/2026
Mga Kabarangay Maraming Salamat po!
Unti unti lumalakas ang ating boses at panawagan sa pagbabago. Naniniwala ako hindi dapat minamadali ang lahat dahil may proseso kailangan pagdaanan ang mahalaga umuusad tayo.
Noong 2022, 154 Followers lang tayo, 2023 1,000 followers lang tayo ngayong 2026 road to 6,000 na tayo. Matagal oo, pero ang mahalaga hindi tayo tumitigil at hindi tayo natitinag. Magandang umaga po mga kabarangay.
03/08/2026
F.Bautista Dulo pa tulay, masaya ko pong ibinabalita sa inyo na maliwanag na po ang inyong mga daraanan. Dahil sa pagbabayanihan natin naging posible ang proyektong ito.
P.S ang proyektong ito ay galing sa aming pinagambagan ambagan at walang ginamit na pera ng gobyerno at ito ay sa pangunguna ni Kagawad Beck Martinez at inyong lingkod Luigi Dominguez, Yulo Bukas, Atty. Nicole Locsin, Morris Malonzo, Vic Legal, Estong Avendaño at kag. Dan Sapugay.
03/08/2026
BAYANIHAN CHALLENGE 2.0 – DAY 2
May kaibigan ka bang laging unang handang tumulong? Ngayon na ang pagkakataong i-appreciate sila!
Challenge of the Day:
✅ Itag ang mga kaibigan mong handa laging tumulong.
Ipakita natin na buhay na buhay pa rin ang diwa ng Bayanihan sa ating komunidad.
03/08/2026
Throwback 2024, Distribution of School Supplies, noong panahon ng Bagyong Carina Batid ko ang hirap ng mga estuyante na walang magagamit sa kanila paaralan kaya naman agad tayong tumugon sa ganitong panawagan sa pinagsama samang tulong nakapag bigay tayo ng 300 set of school supplies alam kong hindi sapat para sa lahat pero galing po ito lahat sa puso para maabot po kayo. Salamat sa mga mabubuti kong mga kaibigan.
Hindi man ako mayaman pero pagdating sa paglilingkod at pagtulong hindi ko kayang itabi yung kokonti kong pera kapag ka may nakikita akong nangangailangan ng tulong at higit sa lahat hindi ko kayang manahimik nlang o magtago kapag nahihirapan ang aking mga kabarangay. Lagi po akong dadamay malayo o malapit man ang eleksyon.
03/08/2026
Ito ang resulta ng Bayanihan sa Komunidad Mabilis ang Aksyon. Kuha ito sa F.Bautista Townhouse.
03/08/2026
Goodmorning mga Kabarangay!
02/08/2026
Matagumpay natin naiturn over ang 3 Solar Lights sa F. Bautista dulo pa tulay. Ito ang kwento.
Noong July 26, 2026 may birthday kaming pinuntahan ni Kagawad Beck Martinez 10:00pm ng gabi sabi ko kagawad beck brown out pala kasi sobrang dilim sa lugar, sabi nung mga kabataan hindi po kagawad madilim lang po talaga, kaya sinabi ko August 2, 2026 babalik kami dito dadalin namin yung mga ilaw para kahit papano may ilaw ang inyong lugar.
Kaya tinupad natin yung ating pangako na magbabayanihan tayo dinala natin ang Ilaw at ang komunidad ang magsasaayos at mangangalaga. Ito ang pangarap nating marulas sa malaki o maliit na bagay kaya natin magtulungan para sa kapakanan ng marami sa kabuuan sa programang may bukas pa nakapag donate na tayo ng 30 LED lights at 5 Solar lights sa iba’t ibang sitio na walang ginagamit na pondo ng gobyerno.
Team Bayanihan sa Marulas sa pangunguna ni Kagawad Beck Martinez at sa action officer ng proyektong to Luigi Dominguez at Yulo bukas at sa mga kasama namin sa bayanihan Atty. Nicole locsin, Pareng Estong Avendaño, Morris Malonzo , vic legal at kagawad Dan sapugay.
Sigurado ko madadagdagan pa yan abangan nyo lang po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Marulas
Valenzuela
